Title: “ANGHEL SA LUPA”
Writer: @AngPoetmo
READ:👇👇👇👇

PANIMULA
“Anghel sa Lupa,, Dinggin mo,,.
Mga Hinaing Dalhin mo…

Sa Kaitaasa’y ilipad mo,,.. ,
At nang Ang Hiling ay
Makamit Ko…”

(Tunghayan natin ang masalimuot na Kwento
ni OSCAR at CRISELDA..)

Linggo araw ng Pamimili,
Gumigising sa mainit na Kape
Sa pagmamadali’y nakalimutan pa
Mag punas ng Mukha’t tanggalin
Ang muta sa Mata..

“Isang bagay ang di pwede kalimutan
Listahan ng bibilhin at ang iyong pangalan.”

Saba’y sa pagpili ng bibilhin
Ang sa puso’y umaalipin..
Pangalan niya’y CRISELDA
Simple pero ubod ng Ganda,,
Laging pawisan sa tindaha’t
Abala sa kostumer niya..
Ang magandang Binibini
Na sa Aki’y Anghel sa Mata..

“Pabili nga po ng isang Paketeng kape”
(Wika ko)
“Pakisamahan narin ng Asukal isang kilo”
Yan ang malimit bilhin sa iniirog ko
Makita lamang ang ngiti’y, ayus na ako

“Wala napo ba kayong ibang bibilhin ginoo”??
(Wika niya)
“Yan lang po aking binibini,,
Sagot ko…

Kasama palagi sa listahan  ng Bibilhin
Ang pangalan niya,,
Hindi pwedeng mawala siya
Sa Aking Lista…

Mabait at matulungin na dalaga
Pangatlo sa siyam daw siya sa pamilya,,
Laki sa hirap,,  kaya laging abala
Yan ang Aking si Criselda..

Pag-ibig ko’y.. Sa kanya lamang
Sa kanya umiikot,,
Sa kanya naka tuon,,
Walang iba kundi siya,, siya lang at siya..

Anu pang hahanapin??
Ano pang hihilingin??
Ano pang kailangan??
Para sa iba’y ibaling ang tingin,,?
Nasa kanya ng lahat,, ganda’t kabaitan
Sipag at pagtitiis,,
Na Natutunan sa magulang..

Lagi ko siyang tinitignan
Sa tuwing mapapadaan,,
Ang ngiti niya’y kumukumpleto
Sa puso’y nag papagaan..

Isang araw biglang naglaho
Yaring si Criseldang aking sinusuyo
Nagtanong sa mga kakilala,
Kung san napatungo
Nalaman kong sumama na siya
Sa mayamang sumusuyo..

Bigla akong Nalungkot,,
Nalungkot kase ,, wala na siya
Nalungkot kase ,,, diko na siya makikita
Nalungkot kase,, wala nang pag-asa…
Na mapa sakin yaring sinta…

Lumipas ang maraming taon
Nakatapos ng pag-aaral,,
Sa pangarap itinuon,
Nang ang lungkot maibsan,

Namasukan sa isang kumpanya
Ma may tatag at misyon..
Dun ko binuo layunin ko’t
ambisyon… 

Lungkot at pangungulila dito ko
Ibinigay,,
Nag-ipon ako hanggang sa nakapag
patayo ng bahay..
Lahat ginawa ko, para lang malibang
Mawala ang Sakit na nararamdaman..

Pero ang pera pala’y,, di kayang bilhin
Ang kasiyahan..
Di mabibili ang kakuntentuhan sa buhay
Di kayang bilhin ang nararamdaman…
Nabubuhay lang sa kasinungalingan…

Siguro nga’y mahal ko talaga si Criselda
Siguro nga’y siya lang talaga..
Siguro,,, siguro,,,
Andaming siguro…
Pero isa lang ang sigurado..
Si Criselda ang Tunay na Mahal ko..

Nag patuloy ang aking buhay,,
Nakapag ipon at nagtagumpay…
Hanggang maitayo ang Negosyo
Sa sariling Pawis at dugo…

Ala’y ko sana ito kay Criselda
Para sa kanya,,
Para siya’y lumigaya
Para di na siya magtinda
Lahat ng ito inspirasyon ko’y Siya..

Isang araw ay namili
Dating gawi kung ano ang Dati..
Laging may listahan sa kamay..
Criselda ang naka lista sa Huli…

Lakad ng lakad,, kung san mapadpad..
Lingon dito,,, lingon dun
Tila ba ga may hinahanap..
lahat ng makita’y tinititigan,,
Kinikilala’t,,, minumukhaan

Sa di kalayua’y,
Biglang may nakatawag ng pansin
Sa harap ko’y si Criseldang
payat at umitim..
Ngunit kahit gayo’y, tagla’y parin ang Ganda
Gandang bumihag sa aking
Puso at Mata..

Bumalik pala siya..?
(Sa isip ko)
sa pagtitinda, sa bagong pwesto
Dito sa marikina
Nagbago man ng konti ang itsura
Di naman nagbago pagtingin sa kanya..

“Pabili nga po ng kape isang pakete
(Wika ko)
Lumingon siya’t tila di na tukoy kung sino
“Yun lang po ba?? (Tugon niya)
“Opo yun lang” (tugon ko)
Marahil sa katagala’y limot na niya ako
Dahil malaki narin naman ang pinagbago
Pumuti ng konti’t gumwapo
May konting kayabangan na at ego

Nuon naman ay ubod ng mahiyain
Pag kinausap nay maiihi sa tingin
Lalo’t kaharap ang magandang Dalaga..
Di matagalang tumitig sa mata..

“Pwede po bang makuha ang numero niyo??
Wika ko,,
Para pag may bibilhin itetex ko,,
Nag sa gayo’y maihanda na,,
Aabot na lamang pag punta..

Bigla siyang tumawa ng malakas,,
“Diskarte mo bulok,, wika niya
Alam ko na yan,,
Alam kong ang pakay mo’y numero
Ko lamang,,?!
Sabay hagalpak ng Tawa,
Yaring Sinta..

Tumigil ang mundo,,
Tumigil ang oras,,
Dahil sa ganda ng ngiti niya’t
Kaputian ng ngipin..

“Huy!! (Sambit niya)
Bigla ka nang natulala??
Ang mundo mo ba’y huminto??
Para kang natuklaw ng sawa??!

“Ah, eh, wala!! Ako lamang eh natulala
Nabighani sa ngiti ng Anghel Sa Lupa,,
(Wika ko)
“Kow tigilan mo nga ako,,( wika niya)
Ito ang numero at umuwe ka muna’t
Mag ahit,, nang ako ay iyung Mapa-ibig..

Para akong nasa langit,, ng oras na yon,,
Tila mga Anghel ay umaawit…
Ngiti at kislap ng kanyang mata’y bitbit
Sa pag Alis,, puso’y umaawit…

Walang pagsidlan ang saya..
Ng makuha ang numero niya,,
Ngayo’y may pagkakataon na..
Ihayag ang Pag-Sinta..

Ambait pala talaga niya,,
Sa akin ay may pagtataka,,
Nagtataka kung bakit iniwan siya..
Nagtataka kung bakit pina iyak siya?
Gayung halos lahat ng kaibig-ibig
nasa kanya..
Malamlam na mata..
Makinis na balat..
Magandang katawan,,
Buhok na natural sa ganda..

Kina-gabihan agad ko siyang tineks,
“Magandang Binibini, paorder ulit ng Kape
Dagdagan mo pa ng iba at sari saring grocery

“Ok po, sagot niya,,
Bigla akong natigilan,,
napunta sa kawalan ang isipan.
Di makapaniwalang,,
Kausap ko ngayon yaring Hirang..

Bigla siyang nag reply,
“Wala napo ba kayong ibang bibilhin??
Bukod dito? Baka meron pa po
Paki abiso.”.

“Ikaw.. Biglang sagot ko,,
Anu po??? Sagot niya
Ikaw ng bahala,, kung anung meron dyan
Hahaha,,.. Sagot niya..

Lumalim ang usapan,,
Napunta kung saan saan
Mga kwento ng aming buhay
siya naming napag usapan
Masasaya’t malungko’t.. Ang iba’y walang
Kasaysayan,, kahit paulit ulit
araw araw ay iyan ang
Aming kwentuhan.

Napatuloy ang aming  ugnayan,,
Nalaman ko rin kung bakit siya iniwan..
Namatay pala ang dating Katipan
Na Lumubog pala sa Kasalanan…

Kasalanang hanggang ngayon
Siya ang nagdusa. .
Muntik pang manganib ang buhay niya
Maraming kalungkutan sa mata
Kaya’t pilit ko siyang pinasasaya…

Niligawan ko siya,
Pero di minadali,,
Hinintay kong ang puso niya’y
Kusang ngumiti..
Pagmamahal at pag aalaga
Binigay ko sa kanya..
Mahal na Mahal ko si Criselda..

Nginit isang araw nagbago ang lahat
Ang Aking Sinta’y Nawala’t di mahagilap
Labis ang Pag aalala’t pagka gulat..
Sa sinapi’t ng Sintang pinagka Ingat..

Ito marahil ang sinasabi niya,
Kinalubugan ng dating asawa..
Na sa ilegal napasama..
Nadamay siya sa problema..

Marahil dala ng mga nalalaman,
Kaya dinukot ng mga Haragan..
Madalas din namin napag usapan
Mga masasamang nasaksihan..

Kahirapa’t katakawan sa pera,,
Yan nalang ba talaga??
Yan nalang ba talaga?! ,,
Makakapag pasaya??!
Yan nalang ba ang sukatan??!
Ang kasiyahan sa pera’t sa karangyaan? ,..
At kahit madamay inosente’t walang alam
Basta’t magkamal ka lamang.??!

Gumawa ako ng paraan..
Lahat nilapitan… Mga dating kaibigan
Na may koneksyon at kapangyarihan

Pinahanap ko si Criselda,,
Nagbayad ako ng Pera
Para masagip at makita lamang siya
Mahuli mga bumihag sa kanya,,
At maiharap sa hustisya..

Hanggang sa may nakilala
Isang taong malapit sa kanya..
Kinuwento mga nalalaman niya
At tungkol sa asawa ni Criselda..

Dati pala itong nasa sindikato
Sanggang dikit ng Amo
Ngunit napatay sa engkwentro
Nag iwan ng Atraso, na ngayo’y si
Criseldang sumasalo..

“Bakit ba may mga nabubuhay sa ganito??
Ilegal dito,, ilegal duon..
Hindi ba pwedeng pumarehas sa mundo??
Hindi ba pwedeng banatin ang mga Buto??
Kumita ng Pera at Respeto?

Hindi ako titigil..
Sa sarili’y nang-gigigil..
Bakit wala akong magawa??
Sana’y nuon pa niligawan…
At baka ang sitwasyon ngayon ay iba..

Sa kaka pursige mahanap
Unti unting lumiwanag ang ulap..
Liwanag sa kadilima’y
Unti-unting nasinagan..
Matatapos din ang dilim na hinaharap

Tinawagan ako ng kaibigang, nasa pwesto’t kapangyarihan
Kinalalagyan ni Criselda’y
Tukoy na’t pupuntahan,,
Sumama ako sa pag sagip
Sa aking Mahal…

Madilim dilim pa ng kami’y nagtungo
Kasama isang grupo ng pulis sa Gapo,,
Duon pala itinago,,
Nag hindi matunton at ilayo..

Pag lapit sa eksaktong lugar..
Biglang umalingawngaw ang putukan
May nakapag timbre pala sa mga haragan
Na ang mga pulis ay pupuntahan..

Parang eksena sa pelikula
Ang pag sagip kay Criselda
Dumanak ang dugo’t may naparalisa
Nabaril sa kamay at paa..

Ang iba’y namatay sa bala,. Nag ala’y ng buhay
Para sa sinumpaan..
Upang wag nang manaig ang kasamaan..
Masawata ang Kasalanan..

Nilakasan ko ang loob ko,
Pinasok ko ang isang Kwarto
Palihim na dumaan sa likod ng banyo .
Upang masagip ang mahal ko..

Nakita ko si Criselda,,
Nakatali kamay at Paa
May busal sa bibig at
may luha pa sa mata
Agad napayakap sa kanya..

“Bilisan na natin( wika ko) ,,
Habang kinakalagan ng kutsilyo
Mga tali ay inisa isa ko..
“Halika na Mahal at tumakbo”!,

Wag kang maingay,, wika ko,,
Habang palabas sa kwarto
Inalalayan ko siyat,, hawak sa braso..
Habang sambit ang pangalan ko

“Salamaat osscarr dumating kaa!!?
Sabay yakap yaring Sinta
“Bilisan na natin itatakas kita,,
Ilalayo at dadalhin ika’y ligtas na..

Ngunit habang kami’y palayo
May naka tutok palang Bala
Ang talagang puntirya ay si Criselda
Para tapusin ang nalalaman niya..

Tigil!!,, narinig kong sabi
Ngunit nayakap ko siya’t na ilihis
Ang mga Balang dapat sa kanya tatama
Sinalo ko’t sa katawan lahat dumais

Isang mahabang katahimikan…
Isang madilim na karanasan..
Na nuon ko lamang natikman,,
Nawalan ng malay..ang isipan..

Nang Magising,,
Ay sa isang kwartong maliwanag sa paningin
Sing puti ng ulap ang dingding
Walang bakas ng dumi,, kahit katiting

Narinig ko ang isang boses sa kawalan..
Tila ibong malaki sa harapan..
Na nagsabing ako’y gagantimpalaan
Ng isang buhay ang sinagip sa kasamaan

Bigla akong natauhan,,
Nasa ospital ako’t kinukumutan,,
Tatakpan na sana’t, iniiyakan
Ngunit nabuhay at hiwaga’y nasaksihan

“Oscaarrr! Wika ni criselda habang luhaan..
Buhay ka Oscarr..!!?,,
Diyos ko,, Salamaaat Po!! “
Wika ni Criselda..

‘”Oo mahal,, bumalik ako para sayo”

Lumipas ang mga araw,
Bumalik na ang lakas,,
Agad pinayagan ng doktor,
Para makalabas..
Hanggang sa huli’y hindi iniwan ni Criselda
Inalagaan at inalalayan, yan ang ginawa niya

Kay saya ng mukha at wala ng bakas
Ng lunglot at Takot na natamo sa naka lipas
Niyakap ko siyat pinupog ng Halik..
“Sa wakas kami’y Malaya na ngayon sa Dilim..
At Puno ng PAG-IBIG. 

(IPAGPAPATULOY) SUBAYBAYAN‼

PART2 OF “ANGHEL SA LUPA”
IS NOW READY TO READ HERE👇👇👇
https://www.facebook.com/108504831578642/posts/116924290736696/