
Writer: AngPoetmo 🇵ðŸ‡ðŸ–Š
READ 👇👇👇👇
KUNG HINDI MO PA NABASA ANG PART 1
HERES THE LINK👇👇👇
https://www.facebook.com/108504831578642/posts/116430814119377/
(ANG NAKARAAN)
Narinig ko ang isang boses sa kawalan,,
Tila ibong malaki sa Harapan..
Na nagsasabing ako’y gagantimpalaan
Ng isang Buhay ang sinagip sa Kasamaan..
Bigla akong natauhan,, nasa ospital ako’t kinukumutan..
Tatakpan na sana’t, iniiyakan
Ngunit nabuhay at Hiwaga’y nasaksihan..
“Oscarrr!!?..
Buhay ka Oscarr!?
Diyos ko Salamat po!!
(Wika ni Criselda) …
(PAGPAPATULOY NG KWENTO NG BUHAY NI OSCAR AT CRISELDA)
Unti-unti ng nanumbalik
Lakas at Kisig,,
Tila ba ga nag dahilan lamang
Tama ng Bala’y tila binura sa Katawan..
“Magandang umaga mahal ko”
(Wika ni Criselda)
“Magandang umaga din sayo Mahal “(wika ko)
“Pakiramdam ko’y, ako’y bagong tao
Lakas ng Katawa’y tila nakakapanibago..
“Magandang senyales yan mahal ko
Maayos at gumanda nang
Pakiramdam mo “.
“Ngunit ika’y magdahan-dahan
Baka mabigla ang iyung katawan,,
Mag hunos dili sa pag galaw,,
At baka mabinat ka naman..
“Salamat mahal sa pag intindi
Ikaw ang dahilan kaya kagalinga’y
Sidhi..
Pinagkukunan ko ng lakas at
Inspirasyon
Pagmamahal mo’t atensyon.
Sige na, kumain ka na’t manligo
Kanina kapa inaanta’y ni Joey sa pasilyo
Naghanda nako ng Damit mong pang trabaho
Para ika’y di mahuli sa pupuntahan
Mo..
“Andyan na pala si Joey? (Wika ko)
Na miss sigurado ako nito..
Sa tagal kong nawala sa negosyo
Siguradong ako’y maninibago..
Oscar!? Kamusta?! (Wika ni Joey)
Parang walang nangyari ah?? Gumanda ang katawan at resistensiya
Puno ng Lakas at Sigla pa..
Loko!,, hahah(wika ko)
May nag aalaga lang sakin
Kaya ganito,,
Kung wala si Criselda’y paano?
Baka ngayo’y wala na ako..
Tama na nga,, tara na..
Marami kang naka pilang Pa Pirma
Basahin mong lahat sa lamesa
Pagdating natin sa Opisina.. (Wika ni Joey)
Natapos ang maghapon ko
Ni konting Pagod ay wala ako
Ang Gaan gaan ng aking Katawan
Mahiwaga at nakaka panibago
Pag uwi sa Bahay
Magandang gabi Mahal ko
Parang ang sarap ng niluto mo?!
Amuy ko sa Labas ang nakaka gutom na samyo..
Sa amuy palang, gutom na ako..
Bolero!! Magbihis ka na’t kakain na
Naka-handa na sa lamesa
Paboritong ulam at Cerveza
Mag madali ka’t kakain na..
Ang sarap talaga?!, nabusog ako
Iba talaga ang luto mo
Pag ako nagluto sa sarile ko
Palaging may tira sa Plato
Pahalik nga,,?!
Salamat at dumating ka?!
Salamat at andyan ka?..
Sa saya at sa dusa..
Magsasama tayong dalawa..
Wala ng mahihiling pa..,
Pakiramdam ko’y kumpleto na
Sa Buhay ay di na nag-iisa…
Pagkat tayong dalawa’y magkasama..
“Masaya din ako mahal ko
At ika’y nandirito..
Para ang nakaraa’y malimot ko
Nang baon pa sa lungkot ang Buhay ko..
Pinupog ko siya ng Halik,..
Halik na ubod tamis..
Sobrang diin sa pananabik,,
Sa pusong uhaw sa pag ibig
Katawan nami’y nag-isa,,
Napuno ng ligaya’t saya..
Pinunan ng tuwa ang lungkot
Katawan nami’y nagsama..
Sa kalaliman ng pagtulog,,
Kakaibang boses ang tumunog
Sa panaginip ko’y may tumatawag
Sa Pangalan ko’t’, napuno ng Takot
Oscarr… Oscar.. Makinig ka
(Wika ng isang tila anghel sa panaginip)
“Isang kapangyarihan ang sayo’y
Nagdala..
Mula sa kabilang buhay ay bumalik ka…
Isang misyon ang sayo’y pinadala
Ang lakas at kapangyarihan mo’y kakaiba…
“Gamitin sa mabuti..
Itakwil ang masama’t iwaksi
Kapangyarihang pagalingin ang sarili..
Sayong mga kamay naka habi..
“Anumang sandata sayo’y tatanggi
Di tatablan ng talas ng tabak sa dibdib
Supilin ang kasamaan, ipagtanggol ang naaapi..
“Ako si Arkanghel Gabriel na nagsasabi”
“Bigla akong nagising sa mahabang pagka tulog,,
Habol ang hiningat pawis na pawis
Oscar?! Anung nangyari??
Tila ika’y Hapo at may sinasabi?
Nanagip ako mahal ang sinabi
Kakaibang panaginip na diko na intindi..
Saglit at ikukuha kita ng tubig,,
Hindi ko sinabi kay Criselda ang Lahat,,
Nag dahilan nalang ng iba at bka
Ika-gulat
Inilihim ko sa kanya ang Lahat
Habang tutuklasin ang sa panaginip, sinasaad..
Linggo ng umaga, araw ng Pahinga..
Inaya ko si Criselda..
Sa plaza, namasyal kaming dalawa..
Naglibang at nag Saya..
Sa di kalayua’y may napansin Ako
Isang masamang balak ng demonyo,,
Sa isang Paslit sa Seesaw
Akmang dadakipin at itatakbo..
Nag dahilan ako kay Criselda
Pupunta lang saglit sa kantina
Bibili ng pagkai’t meryenda
Para ang paslit ay isalba..
Nagsisigaw ang paslit sa takot
Binusalan sa bibig ng kamay yaring bugtot
Upang di marinig ang hilakbot
Akmang pag takas napigilan ko’t
Nahablot..
San mo dadalhin ang Bata??
(Wika ko)
Wala kang paki alam Gago?!
Umalis ka sa harapan ko ora mismo
Baka barilin kita sa sentido..
Itinutok sa akin ang baril ng hayok,,
Akmang kakalabitin at ipuputok
Dinakma ko ito’t sinuntok,,
Halos lumipad sa lakas, namaluktot..
Nagtaka ako sa sarili,,
Kakaibang lakas ay di ko intindi
Sing bilis ng kidlat sa paggapi
Sa lakas ng suntok ay bumilib
Tumakbo ang paslit sakin at yumakap
Sabay hikbing nag pasalamat
Kung wala’y bka na kidnap
Dinala sa magulang at yumakap..
Bumalik na ako sa kinaroroonan ni Criselda..
Dala ang pagtataka’t di makapaniwala..
Lakas at tapang ay di sadya
Nangyari ang sa panaginip lang sinalita
Kasamaa’y di mananaig sa kabutihan..
Ang kaitaasa’y nagpapadala ng Anghel sa Kalupaan
Upang Supilin ang kasamaan
Sawatain ang kasalanan..
“Ang tagal mo naman yata
Mahal ko?
San kaba nanggaling(wika ni Criselda)
May tinignan lang ako dyan sa likuran
Kay Ganda pala talaga ditong pasyalan.. (Tugon ko)
Umuwi na kami dala parin sa isip ang nangyari..
Di makapaniwala sa Galing at Bilis,,
Di manlang nakaramdam ng takot at Panik
Ang Demonyo’y hinarap at pinaalis
(SAMANTALA SA LUPON NG MGA ANGHEL SA KALANGITAN)
“Miguel,, tama kayang Ang Anak ng Tala sa Umaga’y tinutulungan natin?..
Paano kung malaman niyang siya’y anak ni Lucifer?..
(Wika ni Gabriel)
Ang Puso ni Oscar ay Pinanday sa PAG IBIG..
Kaya’t sigurado akong KABUTIHA’Y mas Mananaig… (Wika ni Miguel)
“Magpakita kang muli sa kanya sa panaginip..
At Sabihin ang mga dapat pa niyang marinig…
“Wag mong ipaalam na siya’y Anak ng Tala sa Umaga..
Hindi pa ito Ang Tamang Panahon para Malaman Niya.. “
“Oo Miguel.. Wika ni Arkanghel Gabriel)
(SA BAHAY NINA OSCAR)
“Mahal anung iniisip mo? Mukhang malalim?
Isip mo ba’y gulo?? Sabihin sa akin at baka makatulong ako?.. (Tanung ni Criselda)
“Wala Mahal pagod lamang Ako
Dala lamang ng Hirap sa Trabaho,,
Maraming bagay ang inasikaso,,
Pinirmahan at inabiso..
Tandaan mong palagi mahal kita
Ako at ikaw ay iisa na,,
Kung anumang maging problema’y sasamahan kita..
Wag mahihiya sa akin, aking Sinta”.
“Salamat mahal,, humiga na tayo at mag pahinga”..
Kalaliman ng Gabi,, muli akong may naulinig,,
And Dating Boses na Malamlam at Malamig…
Dala’y mensahe sakin iparirinig..
Puno ng Hiwaga’t nakatago sa Dilim..
“Oscar,,, Oscar… Makinig ka..
Ang kasamaa’y laganap na,,
Mga Anghel ng Diablo’y nagkalat na..
Para Maghasik ng Kasamaan sa Bawat isa..
“Gamitin ang Kapangyarihan para sila’y Labanan,,
Ipagtanggol ang naaapit Luhaan..
Magbalot ng Damit sa Karimlan,,
Wag ipaalam ang Katauhan kaninuman.. ‘(Wikang Muli ng Anghel)
“Pero pano kong gagawin yun??
Pano kung si Criselda’y andiyan??
Anung aking idadahilan,?
Kapag ang mga kamangha-mangha’y nasaksihan?..
“May Kapangyarihan kang burahin ang kanyang Alaala Oscar..
Mga Bagay na nakita na ayaw mong makita niya..
Ang Kapangyarihan mo’y malawak, sayong inakala
At sing Liwanag ng Tala sa Umaga..
Bigla akong nagising na pawisang muli..
Ngunit sariwa sa isip ang mga nasaksi..
Isang Anghel ang Kausap at aking kaharap,,
Na siya ring laging nakikita at kausap sa mga Pag papang arap..
Kina-umagaha’y maagang nagising
Ipinaghanda si Criselda ng paboritong pagkain,,
Lubos ang tuwa niya sa pagkaing hain,,
Sa tuwa nito’y, ako’y pinaghahagkan sa Pisngi..
“Papasok ka naba? (Tanung niya)
Oo mahal, iiwan muna kita..
“Mag-ingat palagi at huwag pagab ha? ,,, (Criselda)
‘Sige Mahal, pag-ingatan din ang Sarili ha? . ‘(Sagot ko)
Habang nasa biyahe ay may nadaanan,
Isang matandang lalaki ang inaapi’t sinasaktan,,
Agad bumaba ng Kotse,,
Upang ang Matanda’y saklolohan…
Ilayo sa panganib at ito’y tulungan..
“Bitawan niyo siya!!(wika kong pagalit)
“Aba?!! Matapang!!?
Sila’y nagtinginan at ako’y pinagtawanan,,
Nilabas ang mga patalim sa kanilang likuran..
“Gusto mong gripuhan kita??!
(Wika ng isa)
Sige na tirahin na iyan!!
(Wika ng iba)
Bago pa na itusok dalang patalim,,
May kung anung liwanag
Sa mata’y itiningin,,
Nag labas ng Apoy, Ang aking Kamay..
Na siya kong inihagis sa kanilang pamatay..
Sa takot nila’y, biglang nagtakbuhan..
Anak ng Demonyoo!!!
Salitang sinasambit habang palayo..
Hindi rin makapaniwala sa mga nasaksihan,,
Taglay na kapangyariha’y lumabas sa katawan..
“Maraming Salamat Ginoo, wika ng Matanda..
“Wala po iyon tatang,, sagot kong may paggalang,,
Mag ingat po kayo sa inyong pag-uwi..
Hindi na babalik Ang mga sa Takot ay napa-ihi.. (Tugon kong may ngiti)
Bumalik nako sa sasakyan at tumuloy na sa pupuntahan..
Nag patuloy ako sa Pagtulong sa mga naa-api,
Mga sinasakta’t inaabuso walang pinipili…
Lahat ng nangangailan at inaapi,,
Masama’y di mananaig laban sa Mabuti..
(SAMANTALA SA LABAS NG BAHAY NINA OSCAR)
‘Bos Will,, diyan ngayon nakatira si Criselda,,
Dito ba?? Sige pasukin niyo na?!!
“Sino kayo?!! (wikang nabigla ni Criselda)
Hindi mo naba kami Tanda?? (Sabay tawanan)
Hindi kana ngayon makaka-ligtas Criselda?!! hehehe
“Tulungan niyo koo!!!!,,
(Palahaw ni Criselda)
Bitawan niyo siya?!!!
(wika kong may galit sa Mata)
Lahat sila’y armado ng Baril,
Lahat itinutok sa Akin,,
Di malaman ang aking gagawin
Bulong sa sarili, Baka hindi ito kayanin…
Ngunit sa Galit ko’y, sa likod ko’y Lumabas,,
isang Itim na itim na Pakpak,,
Mata’y nanlilisik na parang Kidlat..
Napalibutan ng Apoy ang aking harap..
Oscarr?? (wikang may pagkamangha ni Criselda)
Sabay paputok ng baril sa katawan ko’y pinatama…
Ngunit wala silang mga nagawa..
Sa ANAK NG ANGHEL SA LUPA..
Mga bala’y tumagos lamang
Ni hindi nakaramdam ng Kasakitan
Parang Manhid ang aking Katawan
Sinasalo lahat ng Bala at sakit sa Kalooban..
Isa-isang pinaulanan ng apoy ang mga Kampon ng Demonyo..
Nasunog ang mga katawan lahat naging Abo..
Nang matapos, nawalan ng ulirat si Criselda,,
Agad ko namang binuhat siya’t Binura,,
Ang mga nasaksihan di dapat maalala,
Hindi niya dapat malaman, Kapangyarihang Dala..
Paggising niya normal ng lahat,,
Wala na ang Bakas at lahat ng Kalat..
Wala siyang natatandaan, kahit katiting sa alaala,,
Ang nasaksiha’y binura ko sa isip yaring Sinta. ..
“Mahal naka handa na ang Pagkain..
Hapna’t tayo’y kumain
Habang mainit-init ang Kanin..
Waw,, nasabi niyang bigla,,
Mukhang ubod ng sarap,,
sabay Halik niya Sa Akin
“Salamat Oscar,, Wala nakong mahihiling pa
Ang kapilang Kay Sapat na.. “
Sa di kalayua’y may napansin si Oscar sa Harap ng kanilang Bahay,,
Isang taong naka suot ng itim na itim
Na kahit Liwanag pa’y
Katauhay di masasalamin…..
(IPAGPAPATULOY) ABANGAN‼‼