
written by: AngPoetmo 🇵ðŸ‡
Mas mainam kung babasahin muna ang mga naunang Yugto,,upang lubos na maunawaan ang istorya.
PART1 READ HERE. 👇👇👇
https://www.facebook.com/108504831578642/posts/116430814119377/
PART2 READ HERE. 👇👇👇
https://www.facebook.com/108504831578642/posts/116924290736696/
ANG NAKARAAN:
Sa di kalayua’y may napansin si Oscar sa harap ng kanilang Bahay.
Isang taong naka suot ng itim na itim na kahit Liwanag pa’ katauha’y di masasalamin..
(PAGTUTULOY)
Lumabas si Oscar para ito’y tignan,
Ngunit parang bulang naglaho,
Ng ito’y kanyang lapitan…
Kakaibang pakiramdam
Kanyang nadama..
Tila may kakaibang hatid
Itong dala..
“Mahal san ka nanggaling??
(Wika ni Criselda)
“Wala Mahal may tiningnan lang,
“Sige na’t ililigpit ko nang pinagkainan,,
Mamahinga muna’t ako ng bahala sa Hugasan..
Habang naka upo’y di mapalagay,
Iniisip ang nangyaring
Kababalaghang bagay..
Ito na yata ang winika ng Anghel
Na simula at maghahatid ng panibagong
Yugto sa aking Buhay..
“Kahit hindi lubos unawa
Ang mga nangyayari,,
Kailangan kong ipaglaban sa
Masama ang Mabuti…
Ito na yata talaga ang panata
Sa sarili,,
Makatulong sa nangangailangan
At ipagtanggol ang naaapi..
(Sa katahimikan ng gabi’y
Muli nanamang nagpakita ang
Anghel kay Oscar)
“Oscar… Oscar… Makinig ka..
Ang kampon ng kadilima’y nag hasik na,,
Ng mga panlilinlang sa mga Aba,,
Nagkakatawang tao’t nagsasabanal
Upang makuha yaring mga Hangal
“Kadilima’y ikakalat,,
Pagkakampi-kampit, panlilibak
Inililigaw yaring mga Anak
Na sa Ama’y sila’y bumiyak
“Mga nagpapanggap na santo,
Makuha lang ang loob mo,,
Magbibihis ng kagalang-galang
Ngunit bulok ang pagka-tao..
Mga pinuno ng mga samahan
Na nagliligaw ng kaisipan
Dinadaan sa pera at bisyo
Magandang buhay iaalok sayo..
Mga kunwaring kaibigan,
Ngunit sa huli’y pagsasamantalahan
Gagamitin ang iyung katawan,
Upang dalhin sa kasamaan..
“Mag ingat ka at wag magpabulag
Sa matatamis na dilang yaring Huwad,,
Ililigaw ka ng landas,,
Kakainin ang kaluluwa’t
Iaalay kay Satanas..
“Gamitin ang kapangyarihan,
Ang Kapangyarihan..
Labanan ang kasamaan,,
Sa oras ng kagipitan
Pakpak mo’y lalabas pag kinailangan…
“Ang pusoy balot sa Pag ibig,,
Kaya’t kasamaan sayo’y di mananaig,,
Ngunit kahinaan mo ri’y Pag ibig
Na syang magdadala sayo sa pagka lupig..
“Wag hayaang mawala,
Yaring Pagmamahal
Dahil dyan nanggagaling
Tibay mo’t kagandahang asal..
Iwasan mong magulo-mihanan
Nang kaisipa’y dika takasan…
(Biglang nagising si Oscar na pawisan at tila hapo)
Kina-umagahan…
“Mahal papasok nako,
Ikaw na munang bahala dito..
Kung naiinip ay magala-gala,,
Libangin ang sarili ng di matulala
(Wika kong pabiro)
“Ayus lang ako dito Mahal,,
Wag kang mag alala,,
Pagkatapos kong mag imis
Ay nagbabasa-basa,,
Pampalipas oras na nakagaganda
Dagdag kaalaman na’y nalilibang pa..
“Sige na at aalis nako,,
Basta’t ika’y mag ingat
At wag kalimutang ipinid
Ang pinto..
Habang nasa biyahe’y
Biglang dumilim..
Makapal na ulap sa liwanag
Tumabing..
Maya maya’y ulan di mapigil
Lakas nito’y nagpalabo sa mga
Paningin..
Isang rumaragasang sasakyan,
Nawalan ng preno sa dulas ng daan..
Tila ito’y tutumbok sa dulo
Ng daan,,
Malalaglag sa bangin na
May ka laliman..
Nagsisigaw ang mga sakay nito
Na tila alam nilang sa bangin
Dederetso,,
Ngunit napigilan ni Oscar ito.
Sinalo ang harapan at
Inilihis sa Peligro..
“Ang lahat ay namangha,,
Sa nangyaring mga pambihira
Iniligtas sila ng may pakpak
Inilayo sila sa pagbagsak..
“Tagla’y na kapangyariha’y
Di matatawaran,,
Katawa’y parang gintong
Kumikinang..
Lakas ng bisig at kamay
Pakpak na itim na itim
At matang mapungay..
Pagkatapos nuo’y binura ni Oscar lahat ng kamangha-mangha nilang nasaksihan..
Biglang napa-pikit ang lahat
At Nakatulog ng dahan-dahan..
“Pag gising niyo’y wala kayong
Maaalala sa mga nangyari..
(Wikang pabulong ni Oscar)
Sa pag alis ni Oscar ay siya namang
Pagbabalik nila sa ulirat..
Walang bakas ng pagka-unawa,
Sa mga pangyayaring naganap..
(SA OPISINA NI OSCAR)
“Ser Oscar,, parang ika’y basang-basa??
(Wika ni Benjie)
“Sa lakas ng ula’y, payong ay walang nagawa,,
Inabot parin ng tubig sa hangin,
Na siya namang saki’y buma-sa..
(Tugon ni Oscar na may ngiti)
Hapon, uwian nanaman,,
Tapos nang trabahong kinapaguran..
Ngunit malakas parin ang pangangatawan,,
Ni hindi hinapo at pinagpawisan..
‘Kung anuman ang sa aki’y itinadhana,,
Isinulat sa Hangin at
Binulong sa Lupa..
Malugod kong tatanggapin
Ang lahat ng Hamon..
Isasakatuparan ko’t sa Kabutihan
Itutuon..
“Lalabanan ang kasamaan
At ang sa mga Tao’y umaalipin.
Hindi papayagang sa Diyos
Sila’y agawin..
Habang papa uwi na’y, siya’y
May nadaanan..
Isang tahanang nasusunog
Sa di kalayuan..
Maitim na usok na tila ulap
Sa kapal,,
Ang lahat ay aligaga,,
May maisalba lamang..
Nakatawag pansin, luhaang babae
Anak na maliit, naiwan daw sa garahe
Agad bumaba si Oscar iniwan ang kotse
Pumunta sa likod upang sagipin
Ang kanina’y sinasabi
“Apo’y ay di tatalab sayo,,
Ni hindi niya ramdam
Ang hapdi’t init nito..
Parang bakal na di natutunaw
Magbabaga ngunit di malulusaw
Pinasok ni Oscar ang bahay
Na nasusunog,,
Hinanap ang garahe’t unang hinalughog..
Nakita ang isang batang
Nakahigat naka baluktot
Na nawalan ng malay,
Dulot ng usok nitong
Nakaka-sulasok..
Binuhat niya ito’t nilukob ng
Pakpak,,
Nang ang init ay di tumalab
Dinaan sa likod ng walang
Makapansin,,
Inihiga sa damuhang malapit
Sa makakapansin.. .
Hanggang sa isang bumbero
Ang nakapansin,,
Sa batang naka higa’t itoy pinansin
Inihatid niya sa ina’t ito’y pinabilib
Kahit hindi naman talaga siya
Sa bata’y sumagip.
“Salamat po Diyos ko!!!
Ang anak ko’y Ligtas,,
Ni walang galos at sugat
Tanging takot lang ang mababakas.
Sa munting anghel na nakalabas.
(Masayang wika ng babae)
Ginawa ni Oscar lahat ng sa kanya’y tagubilin,,
Ipinamalas ang kapangyarihan
Niya’t Galing..
Tumulong sa tao’t, iniligtas ang inaalipin,,
Ang Pag ibig sa kapawa niya
Ang Nanahan sa damdamin..
Lingid sa kaalaman ni Oscar sa kanya’y may naka tunghay,
Alagad ni Lucifer sa kanya’y
Naka subaybay…
Mga gingawang kabutiha’y
Lagi itong naka bantay,,
Siya ring taong naka itim na itim
Na sa bhay nila’y naka tunghay.
(SAMANTALA SA KAHARIAN NG KADILIMAN)
“Lucifer,, ang iyong anak ay
Kabalintunaan mo,,
Anak ng hari ng kadiliman,
Ngunit sa liwanag ang
Anak mo’y nananahak..
“Kapangyarihang dala’y pinagsanib-pwersa,,
Kapangyarihan ni Miguel at Gabriel
At kapangyarihan ng Ama..
Mahihirapan tayong siya’y masawata,,
Pagkat ang Pag ibig ang
Sa kaniyang pagkatao naka Burda..
(Wika ng Matandang Anghel)
“Hahahaha!!! Mananalo ba siya sa
Kapangyarihan ko??
Ako si Lucifer!!Ang Anghel ng mga Demonyo
Ang Tala sa Umaga!!
Ang Diyos Ng Katampalasanan sa Lupa
Hahahaha!!!
(Wika ni Lucifer na dumadagundong)
(SA BAHAY NINA OSCAR)
“Mahal mukhang napagod ka ata?
(Wika ni Criselda)
“Di naman masyado Mahal ko,
Basta’t andyan ka tanggal ng Pagod ko..
Pahalik nga?!!! Mwah
Ang tamis ng Labi mo?!!
(wika ni Oscar na may paglalambing)
“Ikaw talaga napaka Bolero mo??
Kaya madaming napapa ibig sayo!?..
“Kahit madaming napapa-ibig sakin,,
Ikaw lang ang gusto ko..
Ikaw lang ang babaeng minahal ko”
(Wika ni Oscar sabay pupog ng Halik)
At muli silang nagsalo sa init..
‘Sa di kalayua’y ang matandang anghel ay naka tunghay..
PAG IBIG… pag ibig ang kahinaan ni Oscar..
(Wika ng matandang Anghel)
“Binalot ng Pag ibig ang kapangyarihan ni Oscar..
Kaya’t itoy dakila sa Lahat ng mga Anghel sa Lupa,,
Ngunit nasa Pagi ibig din ang kanyang Kahinaan.. At Kapa-paitan..
Kina-umagaha’y maagang umalis si Oscar,,
Tutungo siya sa lugar na nabalitaan
Pugad ng mga Demonyo’t ilegal.
Na isang Kampon ng Demonyo
Ang nangangaral..
“Sino ka?!!!! (Wika ng nagbabantay sa harap) . Bawal ka dito,, umalis ka!!
“Hindi na mahalaga kung sino ako,
Ang mahalaga ay kung anong pakay ko?!
“Ahh ganun ba?? Eto tikman mo?!!
‘Sa Bala’y pinaulanan siya,, ni halos walang tinira..
Ngunit ito’y namangha sa nakita
Ni hindi manlang natinag itong bisita,..
“Tapos ka naba??
“Mata sa mata’y di mo kakayanin
Unti unting magdidilim ang iyung paningin…
Kaya’t tumakbo na bago mo sapitin,,
Magbago kana ng ang hirap ay di mo Danasin..
Pagkasabi ni Oscar ng mga kataga
Ay agad itong naglahong parang Bula..
Pagpasok niya’y inabutan,,
Mga demonyong nagkaka siyahan
Sa perang di pinaghirapan,,
Nitong mga anak ng Tampalasan..
Droga’t , Bahay-aliwan,,
Bentahan ng Laman
Mga musmos na nilalapastangan,
Pinangga-galingan ng kayamanan..
Hinarap ni Oscar ang lider..
Na siya ring anak ni Lucifer,,
Lahat ng Bisyo’y pinamamahalaan
Nang isang Dakilang lapastangan..
Ramdam ni Oscar na may basbas
Ang demonyong kaharap ni Satanas,,
Na nagkatawang tao sa labas
Upang sambahin ng mga ligaw ang Landas..
At di siya nagkamali sa akala,,
Nang Ang pakpak niya ay Bumuka
Tanda na kakaiba ang kaharap niya
Naglaban silang dalawa..
Apoy sa apoy,,
Kidlat sa hangin,,
Tila may masamang panahon
Ang ulap ay umitim..
Lumabas ang tunay na anyo
Nitong Demonyong lilo,,
Nilabas ang pambihirang galing.
Ngunit walan itong nagawa kay Oscar..
Na ang kapangyariha’y sakdal,,
Pinatamaan ng tila kuryente sa katawan,,
Itinutok sa demonyo’t naglaho sa kawalan..
Nagmaka-awa sa kanya ang mga tauhan
Nangakong magbabago wag lang saktan,,
Alam ni Oscar na itoy mga biktima lang,,
Sinamantala ng demonyo ang Kahirapan…
Binura ni oscar ala ala,,
Nang mga nakasaksi sa pambihira
Agad nmn niya itong pinalaya
Baon ang mabuti laban sa masama..
Lahat ng masasamang bisyo sa loob
Isa isa niyang tinunaw at sinunog,,
Pera, droga at mga larawang sinasamba..
Ito’y malaking kalapastanganan sa AMA..
Hindi niya pinalagpas lahat ng Makita,,
Binurang Lahat sa alaala..
Pagkatapos nito’y umalis na si Oscar
Sa Lugar mg Pagkakasala…
Habang pauwi’y may napansin siya
Isang magandang dalaga sa kalsada,,
Tumigil ito’t nasiraan pala,,
Agad niya itong tinulungan sa pag-iisa..
“Anung nangyari magandang binibini??
“Ang sasakyan ko’y tumirik Ginoo,,
Maaari mo ba akong tulungan ayusin to??,,
Kung hindi man nakakahiya sayo?..
“Walang problema, teka’t tutulungan kita..
At Biglang nagtama ang Kanilang Mata..
Ito na kaya ang sinasabi ng
Ng Matandang Anghel na
Kahinaan ni Oscar??,
Ang Babaeng ito kaya ang gagamitin ni Lucifer, upang linlangin ang anak ng ANGHEL SA LUPA??…
(IPAGPAPATULOY,,, ABANGAN‼)
Ang PAKSA,, MGA TAUHAN ng seryeng ito ay PURONG KATHANG ISIP LAMANG ng inyong abang lingkod,, at walang kinalaman sa anumang babasahin at kuwento sa totoong Buhay.
Ginawa ito upang paglibangan lamang at maka kuha ng ARAL at INSPIRASYON.