
Title: “HILING”
writer:@Ang Poet Mo🇵ðŸ‡
BAS
“Ako po si maureen,,
makulit pero masunurin,,
Madaldal pero may mabuting asal,,,
Laki sa Hirap At Marangal…
“At ito ang Aking Kwento”
Isang pirasong tinapay at isang tasang kape’y
ayus na ang umaga,,
Sana’y ng sa Pagkai’y minsan sumasala..
Ang gutom ay karaniwan ng aming kasa- kasama,,
di mapaghanap, sa kahirapa’y sana’y na..
“Inay,, pupunta po ako saglit sa Tambakan..
Magbabakasakaling makakita ng pagkaka-perahan..
Pambili ng gamot mo, ang iba’y pang hapunan,,
Antayin niyo ako’t, akoy sasaglit lang…
Salamat Anak,, Ang inay may kahinaan,,
dala nang aking sakit at dinadamdam..
Babawi ako kapag nanumbalik na sa normal,,
Mag ingat palagi, at baka sa Tambaka’y Matabunan…
“Opo inay, (habang ang luha’y pinipigilan) ..
“Ginalyn tara na,(wika sa kaibigan)
Baka ang Basura’y dumating na
Mahuli’ tayo’t maubusan, .
Nang mga pwedeng Ibenta..
Umuwi pa tayong walang dala..
“Oo, (tugon ni Ginalyn)
Ang iba pa nama’y madaya
Tulad ni Benjong gahaman
Dinadaan sa laki ng Katawan.
(Hahaha)
“Yaan mo na Bes,,
Basta’t tayo’y may makuha kahit kaunte,
Hindi naman nila Ikagagaling ang
Panlalamang..
Na bukod sa pangit na’y kasuklam suklam..
Sa mata ng Diyos,
Ang kasalanan sa kanila’y ipapasan.
“Kung sana’y di iniwan ni Ama,
Baka ang buhay namin ay iba
At hindi pangangalkal ng basura
Ulani’t arawin yaring Aba..
(wika kong may hikbi)
Aba, andami nating nakuha Bes?!
Sari saring kalakal at materyales
May maiibebenta kay aling maritess,,
Pambili manlang ng Bigas at Payless..
“Oo nga!!, (sagot ni Ginalyn)
“Tara na’t umuwi at tiyak gutom na ang inay..
Ang kinain lang nami’y kapirasong tinapay,,
Sawsaw sa kape’t sa tiyan inumay
Inutang pa sa tindahan ni ka tina’y.
“Ang mahirap lalong nag hihirap,,
Habang ang iba’y nagpapaka sarap-sarap..
Sa perang ninakaw nila sa madla, ay nilalasap..
Nitong mga buwayang, ayaw maghirap..
May mga mukha pang iharap,
Sa telebisyo’y mapag panggap..
Naka bihis na formal kung humarap,,
ang pagkatao nama’y di katanggap tanggap..
Pana’y ang kanilang bangayan,,
Batuhan ng masasang sang na nakaraan..
Imbes unahin ang bayan,,
Na mai ahon manlang sa kahirapan..
Kahit tayo’y mahirap at salat,,
Pagkain sa lamesa’y hinahanap
Galing sa Pagod at hirap,,
Ang nilalasap nati’y syang tunay na masarap.. “
(SA BAHAY NINA MAUREEN)
Ina’y malapit ng Pasko?!!
(Wika kong Masaya)
Mag iiipon ako para maibili kita ng regalo
(wika ko sa isip ko)
“Oo nga Anak,,kaarawan mo’t kaarawan ni Hesu-kristo..
Pano ko makakalimutan, nagpuputukan habang ako nama’y pinananakitan na ng tiyan..
“Isang magndang sanggol ang isinilang,,
Anupa’t, anung saya ng Naramdaman..
“Sana’y manumbalik ng lakas ko,
Nang mabilhan manlang kita miski munting regalo,
na alam kong makakapag pasaya sa iyo
Ngayong darating na pasko”..
Ok lang yun ina’y,, sana’y napo ako..
Ang kasama ka’y masaya na ako
Kahit walang Bagong damit at regalo..
Basta’t andyan ka, wala ng mahihiling sa mundo..
“Napaka buti mong bata
Musmos ang katawan ngunit ang isip ay sa matanda..
Na sadayang nakakamangha,,
Ma swerto ako’t dinala ka ng Tala.
Isang anak n masunurin,
ang ina’y di kayang paluhain
Tutulo lamang ang luha
Sa galak at sa tuwa.. “
‘Nag luto nako ina’y ng pagkain,
Kaunting ulam pang sapin,
Magdasal po tayo bago kainin
Biyaya ito ng Diyos sa Atin..
Kina-umagaha’y abala na
Dun naman sa palengke ng Marikina
Namumulot ng gulay at iba pa..
Mga pinag iwanan ng nagtitinda..
Pagka kuhay titipunin,,
huhugasa’t Bibigkisin..
ang iba’y iuuwi para ulamin,
ang iba nama’y ibebenta’t pang asin.
Ginalyn,, Marami ka nabang nakuhang
Mga tirang gulay at iba pa?
“Oo bes, (wika ni Ginalyn)
Siya tara na’t ibenta sa bangketa,
Nang maka uwi na’t maging pera.
Maaga pa’y naubos ng nilatag nmin,,
Malaki laki din ang dinating..
Makaka bili rin ng paboritong Maling
De latang masarap na para samin..
Pag uwi sa bahay agad kong niluto,,
dalang bigas at ulam,
Sinalang sa tungko..
aming pagsasaluhan sa hapunan
Yaring inang may sakit at nararamdaman.
Inay msarap ang hapunan natin
Piniritong Maling at mainit na kanain,
Na siyang paborito nating kainin
Kaunting Ketsap ay ayus mandin
“Masarap parin kahit
labaw-tubig at asin,,
Basta’t kapiling ko ang Aking
Magandang Maureen.
Ay, wala nakong mahihiling..
‘Nanay ko nga talaga kayo(wika kong napangiti)
Iba talagang pagmamahal ng ina..
Kahit anung Gawin,,
Kahit anung itsura,,
Minsan kahit nagkaka mali na’y
Siya parin ang makakasama,,
Siyang lalaban para sayo..
Siyang andiyan kapag ika’y dapa na ,,
Hinding hindi ka huhusgahan..
Hinding hindi ka iiwan..
Yaring inang Pag ibig ay walang hanggan..
Panginoong Hesus,,
Tutal naman po ka birthday kita,.
Pwede po bang sa Paskong darating ibigay mo na??,,
Ang munting hiling na nais makuha
Pagalingin ang inay sa mga iniinda,
At pabalikin mo ng Aking Ama..?
Gabayan niyo po sana kami
Ngayong Gabi sa aming pamamahinga..
“Simula nanaman ng umaga,,
Panibagong pakikibaka..
Hahalukayin ang basura
Para may makuha’t ibenta..
Basurang itinapon ng mga may pera,,
Pakininabangan naman naming mahihirap para maging pera,,
Hindi inda ang dumi, basta’t magka pera,,
Perang galing sa madumi,,
Pero hindi Perang dahilan ng Pagkaka-rumi..
“Ginalyn, nakarami kana ba??
“Konte pa nga,, (wika niya)
‘Hanap lang,, lahat ng pwede pakinabangan,
Para tayo’y maka ipon..
At may mailaman sa tiyan. ..
(SA DI KALAYUAN)
Mga bata, nakikita niyo bang nakikita ko??
Dalawang Batang babae,,
Kunin nyo’t isakay sa Kotse..
Mapapakinabangan natin yan
Mamayang gabe..
“Sino po kayo??! (Wika kong may pagtataka)
Wala mga ineng,,
Sumama na kayo’t wag manlaban..
Wag ng piliting tumakbo,
At mapapagod lang.
“Wag pooo?!!! Tulungan niyo kame.!!!
(Palahaw namin ni Ginalyn)
“Walang nagawa ang kamusmusan,,
Sa lakas ng mga demonyo,
Kamiy tinalian,,
Binusalan ang bibig at piniringan..
Nahulog kami sa Bangin ng aking Kaibigan..
(Samantala sa Bahay nina Maureen)
“Asan na kaya si Maureen?!,,
Gabing gabi na’y wala pa?,
Hindi naman ugali nun ang maglakwatsa
Teka’t mahanap na..
“Mareng Analyn,?
Naka uwi naba ang iyung anak na si Ginalyn??
“Wala pa Mars?! Akala ko nga’y magkasama sila ni Maureen??..
“Naku kailangan na natin silang hanapin..
Gabing-gabi na’y wala parin?!..
(SAMANTALA, SA BODEGA KUNG SAN SILA DINALA)
“Oo Mr. Tan,, Mga Batang bata..
(Sagot ng Lider sa kausap sa selpon)
“Syempre naman malinis to,, o sige antayin kong tawag mo.?!..
“Rinig na rinig kong pag uusap nila,
Habang ang isa’y nanlilisik ang Mata..
Parang lasing sa droga’t lumilipad ang isip nila..
Tulungan niyo po kami Panginoon na ma isalba..
(SA BAHAY NINA MAUREEN)
Mare halos isang Araw ng wala
Mga Anak natin?!
Kailangan na nating ipaalam sa pulis
At nang silay hanapin
Wag na tayong mag antay na may mangyari sa kanila..
Gumawa na tayo ng paraan at ng mga anak nati’y makita..
(SA BODEGA)
“Maawa po kayo sa amin?!! Pakawalan niyo napo kame?!!
Tumigil kaa!!?
Maya-maya’y andito na yung intsik,,
Na sa inyo’y bibili at magbibitbit
wala na kayong magagawa
Wag nang lumaban pa sa Wala..
Tulungan niyo po kamee!!
Pagmamakawang-sigaw namin ni Ginalyn
Ngunit walang tumutugon ni nakakarinig,,
Tanging Diyos nalang ang aming sandiga’t alam naming makakarinig..
Kaya’t nagdasal kami ng Taimtim nang kami’y Kanyang marinig..
Maya-maya pa’y dumating ng sasakayan,,
Nang itsik na buyer, ng mga Sariwang Laman..
Pumili sa aming dalawa kung sinong dapat kuhanan,,
Ang pinili’y si Ginalyn, agad dinala sa Higaan..
Sa isang kuwarto kung saan magaganap ang karumaldumal,,
Dinig ko sa labas ang palahaw yaring Kaibigan,,
Dama ang sakit na kanyang pinagdadaanan..
Na halos dumurog sa kaluluwa at buo kong katawan..
Kakila-kilabot na daing at pagmamaka-awa.,,
Ang maririnig habang tumutulo ang Luha..
Walang magawa ang musmos na katawan,,
Kundi tanggapin Kasaklapang kinasapitan..
“At Ang sumunod ay naka bibinging katahimikan,, laglag ang kaluluwa’t luha sa sinapit yaring kaibigan..
Isang batang musmos na biktima ng kawalanghiyaan,
Sana’y sunugin ang Kaluluwa
yaring mga Tampalasan..
(SA ISTASYON NG PULISYA)
“Teka parang kilala ko yung isang Pulis??
(wika ng ina ni Maureen)
Parang si Kenneth??
“Mary Jane??!, ikaw ba yan?
“Oo ako nga!!?, Ang babaeng iyong inanakan at iniwan,!!
“Nagka-anak tayo??? (wikang may pagtataka ng Pulis)
“Oo!!
Pero hindi ko alam???..
“Ang pagkaka alam ko’y, sumama ka sa ibang lalaki’t nakipag tanan??
“Di ba’t aayaw sakin ng iyong magulang??
Kaya ginawa nilang lahat ng paraan para ako’y iwan..
Nagtahi ng kwento’t mga kaliluhan,,
Dahil sa ako’y dukha’t nakatira sa Tambakan??!!..
“Ngayo’y nawawala ang anak mo’t
Di malaman kung nahan,,
Hanapin mo siya’t gagawin lahat ng paraan..
“Diyos ko??! Patawarin mo ako,,
Ang mga pangayayaring nakaraa’y diko ginusto,,
Hinanap kita pero di natagpuan,,
Pumunta ako ng Amerika para sakit ay maibsan..
“Pero ni minsan dika nawala sa isipan,,
Patawarin mo ako, Ang lahat pinagsisihan..
“Hayaan mong hanapin ko ang ating Anak,,
Pag nakita ko siya’y dina dadanasin yaring Hirap..
Babawi ako’t sa inyo’y ipalalasap,,
Magandang bukas at masayang hinaharap..
“Mag madali kana at baka di mo na siya abutan,,
Parang awa mo na, gumawa ka ng paraan..
Umalis si kenneth kasama ang mga tauhan,,
Sa tambakan kung san huling pinuntahan..
Nag mag kaibigang biktima ng karahasan,,
Upang hanapi’t sagipin sa kinahinatnan..
“Ser,, meron daw nakakita kung san dinala ang mga Bata,, (hangos na wika ng isang pulis)
“Sige kayo’y maghanda at ating pupuntahan..
Mgdala ng malalakas na armas kung sakaling manlaban..
Sasagipin natin ang mga Bata, sa anumang paraan..
Iuuwing buhay at walang masasaktan..
“Pagdating sa Bodega’y
Nagulantang mga Kalaban,,
Binaril ang mga Pulis at nagka putukan…
Walang nagawa sa pwersa ng Kapulisan,,
Isa isang napatay bunga ng pakikipag laban..
“Nailigtas nila si Maureen sa kapahamakan,,
Ngunit hindi ang kaibigang, bangkay ng nadatnan..
Kinuha palang laman loob
Para pagka perahan
Ibebenta sa mga ospital para sa mga ooperahan..
Itinuro din ang intsik na dahilan ng kamatayan,,
Agad nila itong sinugod, pinanagot sa kasalanan..
“Ligtas kana Maureen, (wika ni Kenneth)
“Salamat po ginoo(wikang luhaan)
“Hindi ako ginoo, ikaw ay Anak ko..
Maureen anak, patawarin mo ako.”
Kayo po ang tatay ko??
“Oo,, Ako nga Anak…
“Itay,,, salamat po, niligtas niyo ako..
“Wag nang mangamba Anak,,
ligtas ka na’t andito na ako..
Simula ngayo’y , buhay niyo’y magbabago..
Hindi na maghihirap, magkakasama na tayo..
Ini-uwi na ni Kenneth ang mag ina,,
Sa sariling bahay dun niya ito itinira..
Ipina gamot ang asawa,
Pag ibig ay ipinadama
Bumawi sa lahat ng bagay,
Na di niya nagawa..
Araw ng Pasko,, ang lahat ay abala
Magkakasama ang bawat pamilya,,
Konting salo salo ay ayus na,,
Basta’t kumpleto’t andyan
Ang Bawat isa..
“Happy Birthday Maureen!!!
Lumaki ka sanang Masaya,,
Dalhin ang Pag-ibig sa ina’t ama,,
Sa Diyos ay Manalig ka…
Sa kasalana’y iiwas ka,,
Sa Kapahamaka’y ilayo ka..
“Ang Hiling ni Maureen ay dininig ng Diyos,,
Na taimtim sa puso’y,, tunay at Tagos..
“Maraming salamat po
Panginoong HESUS,
At dininig niyo pong munting HILING,,,
Ang inay ko po’y GUMALING,,
Ang Ita’y ko po’y DUMATING…
Maureen,
END