Wrriten by. AngPoetMo🇵ðŸ‡

Title:LIHAM
writer: @AngPoetmo 🇵ðŸ‡ðŸ–Š
Nahihirapan siyang huminga
nabalot ng Pangamba,,,
Isang Araw nagising nalang
Apuhap ang Hininga…
Tinawag niya Ako
Para siya’y alalayan,,
Dahil talagang hina na
Ang kanyang Katawan.
Lumapit ako sa kanya
Ngilid ang Luha,,
Bakas ang Pangamba
At Awang-Awa…
Sinakay nmin siya sa sasakyan,
Di alam kung Pasaan,,
Ang tanging nangibabaw
Sakit ay maagapan..
Dahil talagang hina na
Ang kanyang Katawan…
Umaga pa nuon, pero inabot
Ng hapon,,
Lahat ng ospital
Tinanggihan kami nuon
Wala na daw espasyo
Para sa kaso nya..
Salitang tumanim
Sa isip at Sa aking Sinta
Nagpatuloy pa kame
Sa paghahanap,,
Inabot ng gabi
Bago sa kanya’y
May tumanggap..
Kasiyahan sa kabila
Ng kalungkutan,,
Namayani sa isip at
Pagod na katawan..
Hirap na siyang huminga
Ng mga gabing iyon
Gutom at Pagod
Diko ininda non
Ang mahalagay
mabuhay si Roy..
Yan ang Inisip ko non
Maagapan pa sana
sa Pusoy ibinaon…
Hindi niya pinakita
Ang paghihirap,,
Kahit bakas na
Sa mukha niya Ang Hirap
Nagbibiro pa siya
Ng mga sandaling yun
Kahit alam niya ng
Huling pag ngiti ko na non
Sinabihan kame ng doktor
Na iwanan na siya
Umuwi na kmi at magpahinga
Kelangan niyang i test at
I obserba,,
Antayin nalang daw namin
Ang resulta.
Bigla akong napaiyak
At napahagulhol,,
Sakit at pait sa salita’y
Nagagatol,,
Pano kung diko na siya
Makita sambit ko,,
Sabay panalangin
Sa Diyos, wag mangyari ito
Bago kme umalis,
Binulong ko sa kanya,,
Magpalakas ka,, aantayin kita..
Biglang tumulo ang luha
Yaring sinta..
Na para ba gang
Nagpapa alam na siya
“Oo, mahal ko wag mangamba”
Ako ay uuwi ng Maaga..
Maghanda ka ng Paboritong ulam
Sa lamesa.. “
Yan ang, pabirong wika niya.
Umalis kami baon ang lungkot
Wag sanang mangyaring
Di na magpang abot
“Mahal na Mahal kita Roy”
Wika ko sa sarili
May Hikbi sa Puso
Sa aking isip namayani…
Kina umagahan, tumawag
ang Ospital,,
Magmadali daw kame
Agad puntahan..
Isang masamang Balita
Ang Bungad nila,,
Wala na si Roy…
Wala na Ang iyong Sinta..
Sakit na walang Kasing Sakit
Ang naramdaman
“Bakit niya Akoo iniwaann””
Napuno ng Galit ang Katawan
Bumaha ng Luha sa aking Harapan
Andaya mo!!!
Bakit ganito??
Ang aga mong iniwan ang Puso ko??
Akala ko babalik kaaa???
Iniwan mo na akong Nag iisa!! …
Pag dating sa ospital
LIHAM ay inabot,,
Gumawa pala siya ng Tula
Bago hininga’y nalagot..
Hindi na umabot na
Siya’y Matubuhan,,
Nalagutan na siya ng Hininga
Bago pa malagyan…
Ito ang kanyang Tula,,
“”Mahal ko,, ako’y patawarin mo
Di ko na magagawang
Tupdin ang Pangako,
Ramdam ko na sa katawan
Ang sobrang Hapo,,
Bka di na kayanin
Ang mga Pagsubok…
“”Palagi mong tandaan
Na mahal kita,, Dadalhin ang
Pag-Ibig mo san man ako
Magpunta…. Paalam mahal
Ako’y mamahinga…
Ako naman ang mag aantay
Sayo Sinta…
Mabuhay ng masaya
At Mag ingat palagi…
Baon ko ang puso mo
Dito ka lang sa aking tabi
At kung sakaling
Umibig kang Muli..
Magiging masaya ako
Nang hindi kana Humikbi
Paalam Stella ko,
Mahal na mahal kita..
Hanggang Sa muli nating
Pagkikita…
Ikaw lang ang inibig
Sa Puso ko Sinta
Aalis Akong Baon
Ang ALAALA…..
ROY
END