Wrriten by. AngPoetMo🇵🇭

TAGALOG SPOKEN WORD POETRY x POCKETBOOK STO
Title: SELDA
written by. AngPoetmo 🖊🇵🇭

Si Justine,
simpleng Babae,,
Maganda ang mukha
Matalino’t Disente…
Balingkinitan ang katawan
Sadyang mapapa ibig ang marame…

At ito ang kanyang Kwento:

Magka-halong lungkot,,, at Saya
Saya dahil,, ito na ang simula ng pag-asa..
Lungkot dahil,, iiwanan kita…

Unang beses kong
Aalis ng bansa,,
Isang magandang pagkakataon
Na marami ang nagnanasa…
Iiwan ang mahal, para sa aking pangarap
Pangarap ng marami, na nais matupad..

“Aalis nko Babe
Ilang minuto. Nalang,,
Ipangako mong mag aantay
Kahit gaano katagal
Puso ko’y iyo lamang
Yan ang iyong pagka tandaan
Walang ibang nais
Na dito’y ilaman…

Oo naman babe, wika ni Jhun
Hindi mangyayaring
Ika’y kalimutan,,
Malayo ka man ay pagka-tandaan
Puso’y sayo lang, ito nakalaan
Di na titibok, kung di sayo
Lamang….

Sige na,,
tinatawag ng pasahero…
Malapit ng umalis,, sasakyang eroplano
Mag-ingat ka palagi, tandaan mo Mahal ko
Aalis lang sandali,, antayin mong
Pagbabalik ko…

Bumagsak ang Luha sa mata
Habang papalayong naglalakad,
Sobrang sakit pala,, Ang malayo sa Mahal
hindi ko alam kung dederetso,,
Dederetso para sa pangarap??
Oh Aatras..
Aatras,,,?? Para sa magandang bukas…

Ilang oras din ang tinagal ng byahe
Byahe sa pag iisip sa nakaraan… At iniwan,
At byahe sa ngayong,,
sa aking patutunguhan..

Sinalubong ako ng magiging Amo
Malayo pa’y tanaw na ako..
Alam kase nila kulay ng suot ko,,
Pati kulay ng sapatos ay talagang detalyado..

Pag-dating sa bahay, tinuruan na
Namangha sa laki at taglay na Ganda
Eto gagawin mo sa umaga, sa tanghali
Sa gabi,, tulala ako habang sinasabi
Pasok sa kaliwa, labas sa kanan
Tagusan lang sa isip,, ni hindi maintindihan..

Sa isang sulok tinuro ang silid
Paglalagyan ng Dalahin at magiging pasakit
Pagkukulungan ng kalungkutan at saya
Sa mahabang panahon ay dito makakasama,,

Unang gabi,,
Tumawag si Jhun,, magkahalong
Saya at pangungulila..
Saya?? Dahil nakita siya
Lungkot,,?? Dahil malayo sa kanya..

Ayos ka lang ba Babe?? wika niya
Oo naman Babe,, sambit na pabida.
Kahit na ang isip ay iba sa bibig,,,
At ang puso laban at laglag sa Sahig…

Mag-ingat ka palage”,, wika niya
Mag lock ng pinto, sa tuwing mag-iisa..
Wag basta magtiwala sa panahon ngayon
Alagaan ang sarili,, sa pagod maghinahon..

Lumipas Ang ilang Buwan
Maayos naman,, ordinaryong araw…
Walang kaibahan,,
Umaga sa Umaga,, Gabi sa Gabi,,
Pauulit-ulit lang,, buhay ng utusan..

Nagbago ang lahat
Ng isang araw dumating,,
Anak ng Among Haragan
Na sa Buhay magpapadilim
Di pagkaka tiwalaa’t,
Malikot kung tumingin..
Walang mababakas na kabaitan
Ugali’y rimarim..

Ang Demonyo talaga..
Kahit na magpakumbaba ka
Dadating at sisirain ka
Ililigaw ang kaluluwa
Papakitaan ng maganda
Para ibigay ang tiwala,,
Tiwalang sisira sa mga adhika
Tiwala, pra makuha ka
Tiwala, para tumalikod ka sa may likha

Pambabastos ay natamo
Nakaka-sukang panghihipo
Mga paghaplos na padaplis
Sa tuwing dadaan sa sabay lihis
Pero kailangan magtiis
Para makuha ko ang Nais..

Isang gabi, habang natutulog
Biglang nagising sa kalabog..
Ang Demoyo pala’y nakapasok,,
Naka ngiti sabay hila ng Kumot..
Nanlaban kahit walang lakas…
Pumalag kahit, siyay malakas
Itinulak ng ubod lakas,,
Tumama ang ulo, niya’t
Dugo ay tumagas..
Nawalan ng malay at ulirat

Nagkalat ang dugo,
habang handusa’y sa sahig
At sa takot ako’y nanginginig
Tinakpan ng kumot katawang malamig

Ipinakulong ako,,
sa kasalanang diko ginusto
Pinagbantaan ng kung ano ano
Walang nagawa,, walang lakas
Walang karamay sa sinapit ko…

Akala ko dun na,
Matatapos ang problema
Dun pa pala mas higit ang tanikala
Tanikalang,, babakat sa katawan
Tanikalang,, gagapos sa laman
Tanikalang mag iiwan ng
Kahindik hindik na nakaraan…

Binayaran pala,,
Binayaran pla ng amo ko,
Mga bantay na demonyo
Para yurakan pagkatao
Pag pasa-pasahan ang katawan ko
Salit-salitan,, linggo-lingo…

Wala akong magawa kundi umiyakk!!
Walang magawa,, sa pagkatao’y bumiyak
Walang lakas na masawata
Mga kahayupang na sa aki’y ginawa..

“Bakit po ganito Diyos ko??
Ang sinapit ng buhay ko??
Mabait naman po akong tao??
Hangad ko lang ay magtrabaho??
Palayiin nyo po Akoooo!!?…

Halos ilang buwan akong walang paramdam..
Si Jhun ay walang alam
Sa sinapit sa mga Haragan,,
Ang alam niya’y kinalimutan..

Mabuti nalang may kaibigan
Napag tanungan ng magulang
Tinatanung ang kalagayan
Dahil nga sa wala nakong paramdam..

Nagsumbong sila sa kinauukulan
Para mahanap kinalalagyan
Para malaman mga nangyari
At saking kinasapitan…

Mabuti nalang at may Cctv
Na naka tutok sa silid,,
Nakuha din ang Diary,,
Dun ko sinusulat lahat ng saki’y
Nangyayari..

Diaring kakampi ko sa gabi…
Kayakap ko sa silid…
Karamay ko sa sakit…
Kausap ko sa isip…

Sa pag imbestiga,
Pinanigan ako ng hustisya..
Mga amo ko ay nakulong
Sila palang nag manipula..
Nagtakip sa bibig at kaluluwa
Ngayon sila’y magdurusa
Kasama ng mga kampon sa Hawla,,
Lahat sila’y managot sa hustiya…

Tinulungan ako ng embasi
Kinupkop at inintindi,,
Pinaglaban sa mapang api
Tinulungang maka uwi
Sa Bayan kong Baon ang Hikbi…

Pagdating sa pinas
Dala ang masaklap na dinanas
Halos tulala di maka-usap
Sariwa pa sa isip ang mga Pahirap..
Naglahong lahat ng pangarap..

Pakiramdam ko’y napakarumi
Halos mawala sa Sarili
Kailangan ko ng may iintindi
Ngunit wala si Jhun sa Tabi..

Nalaman ni Jhun ang nangyari
Sa pag aakalang kinalimutan siya’y
Nagkamali
Umiyak siya’t nagpakumbaba
humingi ng tawad sa nagawa..

Hindi ko siya kinibo,,
Hindi ko siya kinibo,?? Dahil,,
Dahil gusto ko umiwas na siya..
Gusto ko,, lumayo na siya..
Gusto ko,, iwan na niya ko..
Napaka-rumi ko na para sa kanya..

Di sumuko si Jhun,,
Di siya sumuko,,!? Dahil?
Dahil Mahal niya ko…
Dahil alam niyang kailangan ko..
Dahil Alam niyang Nauupos nako
Dahil wagas ang pag ibig niya
Na sa Aki’y Pinangako…

Di siya Bumitaw… Di siya Bumitaw..

Napaka-rumi ko na.. Wika ko..
Di nako karapat-dapat sayo…..

Hindi ako susuko,, wika niya
Ipaglalaban kita..
Tanggap ko at tanggap kita..
Anumang nangyari saki’y wala na..
Hindi ko iiwan, yaring Sinta…

Napa hagul-gol ako sa sinabi niya
Natauhang bigla ang Nadama
Bakit ako magmamatigas sa pag sinta??
Na siyang purong Pag-ibig ang pinadarama..

Yumakap ako sa kanya,, habang naiyak..
Binasa ng luha ang mga balikat..
Nakahanap ng kakampi’t nagpasalamat
Sa pagmamahal,,
At sa muling pag buo
Ng Pangarap….

Inaya niya akong magpa-kasal,,,
Namuhay ng Payapa at sa Pagmamahal
Biniyayaan ng Kambal..

“WALA NANG MAHIHILING PA SA MAYKAPAL… “

END