Written by. AngPoetMo🇵🇭

Dingding
Sagapsapang madiin
Sa gabing madilim
Sa pagitan ng Dingding
Rinig mo ang Daing

Kailangang piringin
Ang Mata't pandinig
Upang di marinig
Kasalanan nitong hatid

Magbubunga ng Nginig
Kahit na Mainit
Sa balat mo't Laman
Nakakapanindig

Mahinang paghinga
Puno ng Kaba
Bakas mo sa indayog at
Bulungang Dala

Tila ba ga sabik
Sa bawat paghalik
Mahinang pag bahing
Dinig mo sa Banig

At Pag umingay na
Lakas ng pagsinta
Palak-pakang Kay bilis
Mapapamulat ang Mata

Ipikit ang iyong Mata
Habang Kumakanta
Pakinggan itong Awit
Pag ibig ang Dala

May Kwentong dala
Bawat Pag Inda
Ramdam sa Unos
Nitong dalawang Aba

Higpit ng Yakap
Ang madadama
Sa Pagitan Ng Sabik
Kahit hindi mo kita

Ramdam ang Kaba
Kapag natapos na
Lagaslas ng Tubig
Sa tapaya'y awas na

Maglalakad sa pinto
Mamaalam Na
Mag iiwan ng Halik
At Pangakong Babalik pa

Sana'y bingi nalang
Ng di Natunghayan
Kasalanan ng dalawang taong
Sikretong Nag iibigan..