Written by. AngPoetMo🇵ðŸ‡

Bakit nga ba may MAHIRAP at MAYAMAN?
Bakit hindi pwedeng pantay-pantay nalang?
Wag mong Isisi sa iba ang iyong Kawalan
May mga Dahilan kung bakit mo yan
Pinagdadaanan..
Sila ay yumaman Dahil sa pagtitipid
Hindi basta-basta gagastos sa bagay na Hilig
Kundi sa kapakipakinabang na Bagay na sulit
Itatabi ang tira, para muling magamit
Kaya ka mahirap sa pera'y bulagsak
Bili dito, bili doon,
Lahat ng magustuhan,sige salpak
Pagdating ng Tag ulan,ni wala manlang
Ipon
Pag nagka sakit, ni walang pambili ng gamot sa sipon
Pangungutang pa ay laging inuugali
Pinapayaman niya ang bumbay at di ang sarili
Hindi nag iisip kung anung mas mabuti
Basta may hawak na pera, yun ang importante
Ang Mayaman naman walang tigil sa pagpupursige
Ang isip ay negosyo, kumita ng marame
Hindi niya alintana kung Damit marumi
Minsan Punit na Bago siya bumile
Itong si mahirap, gusto laging Bago
Makintab na sapatos, Branded pati pundiyo
Wag lang alipustahin ng kahit na sino
Magpanggap na mapera yan ang istilo
Mayaman nama'y tipid sa pagkain
Imbes na mag-PANDA sila ay nagsasaing
Perang pinaghirapan, labis pahalagahan
Hindi gumagastos sa bagay na walang
Kapararakan
Itong si mahirap, gusto laging masarap
Pang ulam sa tanghali kailangan pa naka -GRAB
Paggising sa umaga walet ay Bankrup
Ayus lang, basta't pagkai'y masarap
Ang isip ng mahirap sa pag-aaral makatapos
Magandang trabaho malaki ang sahod
Yan ang itinanim sa puso'y iniutos
Malibang swertihin, para maging Boss
Ang magulang ng mayaman ituturo sayo
Ayusin ang pag aaral, magtayo ng negosyo
Upang maka Aho't, hindi ka obligado
Ikaw ang mag uutos at susundin ng mga tao
Itong si mahirap,solb na sa sweldo
Kumita ng Kaunti,Makaraos sa Bisyo
Basta't may ihain sa Lamesa nito
Masaya na Ang maghapon,Ang tira ay
Pang Bingo..
Ang Mayaman nama'y sige impok sa Banko
Di titigil,, iniipon kahit singko
At sa Pagdating ng panahon sila'y
magka apo
Mamanahin ang Yaman at hindi Upos ng sigarilyo
"Pag hindi mo binago ang iyong kinagisnan,, hindi ka makakawala sa salitang Kahirapan"