Written by. AngPoetMo🇵🇭

“Malayang Taludturan”
BAYANG -   tinawag na Pilipinas
MAGILIW- kong ibubulalas,
PERLAS NG- aking Buhay
SILANGANAN- ng mga bayaning na himlay..


ALAB NG - aking pag ibig
PUSO - ko at damdami'y,,
SA DIBDIB MO'Y - nanggagaling
BUHAY - na Buhay hanggang libing..


LUPANG - dinilig ng dugo
HINIRANG - nang Diyos na mamuno,,
DUYAN KA - ng mga Bayaning nag bigay
NG MAGITING - na puso't inalay ang
Buhay..


SA - bawat buhay na binigay
MANLULUPIG - ay nanlupaypay,,
DI KA - isinuko't iniwanan
PASISIIL - man, ngunit handang
ipaglaban..


SA DAGAT - unang nakipag-digma
AT BUNDOK - at lupa'y ninasa,,
SA SIMOY - ng pulbura ng baril
AT SA LANGIT MONG - lumuha sa paniniil.


BUGHAW - na ulap ay nagdilim
MAY DILAG - ding nanangis sa ilalim,,
ANG TULA - ay iaalay sayo inang giliw
AT AWIT SA- puso ko'y dinggin..


PAGLAYANG - nais mong makamtan
MINAMAHAL - ka namin inang Bayan,,
ANG KISLAP NG- Kalayaa'y nakamtan
WATAWAT MO'Y- iwinagayway sa Silangan..


TAGUMPAY NA- matagal naming pinaglaban
NA NAG NINING-NING - ngayo'y Kalayaan,,
ANG BITUWIN - ay nanumbalik sa
Kalawakan
AT ARAW NIYA - ang siyang nagpapakinang


KAILAN PA MAY - di na papayagan
DI MAGDIDILIM - Magpakailan man,,
LUPA - mo'y aming pagyayamanin
NG ARAW - at gabi hanggang
takip-silim..


NG LUWALHATI'T - Pag-asa'y masilayan
PAG-SINTA - Mo'y aming susuklian,,
BUHAY AY LANGIT - Magpakailan man
SA PILING MO - Aking inang Bayan..


AMING LIGAYA NA - Ang makita kang
malaya
PAG MAY - bibihag sayo ay di na
Magpaparaya
MANG-AAPI - At gigipit sayo'y mananagot
ANG MAMATAY -ay ayos lang kung dun man
aabot..

NG - sa gayo'y di kana tumangis
DAHIL - sa hirap at pagtitiis,,
SAYO - ko inaalay ang lahat ng
Aking pasakit


"PILIPINAS ANG BAYAN KONG MARIKIT"
🇵🇭🇵🇭🇵🇭