Written by. AngPoetMo🇵ðŸ‡

Hugas kamay
Kapag may kasalanan,
Handa mag bayad
Wag lang madungisan
Tamad mag antay
Pag haba ang pila,,
Kaya ang 'Lagay'
Di mawawalang talaga
Hilig manumbat
Pag may itinulong
Hahalungkatin lahat
Ultimo bigay na Tutong
Galing dumalo
Sa mga Handaan
Pag di nasarapan
May pula pa iyan
Hilig mamintas
Sa kanyang kapwa
Galit din naman
Pag A-pintasan
Tambay palagi
Sa mga inuman
Nawawala na
Pag ubos ng Pulutan
Linggo linggo
Ay asa simbahan
Pag uwi nama'y
Bida na sa Barikan
Gusto'y pupusuan
Mga Post na kayabangan
Pag sa Kaibigan naman
Aba, ay lalagpasan Lang
Hilig sa Gwapo
Maporma't Mayaman
Eh Ang Tanong
Hilig kaba ng mga iyan??
Sadyang Ang Pilipino'y
Maraming kalokohan
Kasama na sa Buhay
Mga biroa't Katatawanan

Ako'y may tula
Sa ilong mong mahaba
Sa aking pag upo
Ilong mo ay Pango
Ang Daming Taon
Sayo ang Lumipas
Hindi nag Ipon
Hilig lang pumitas
Kung ika'y nag ipon
Sana ay maypera
Pag nagipir ka
Di may huhugutin ka
Maraming angal
Sa kanyang Dinaranas
Kulang Sa Gawa
Hilig ay mamintas
Gusto niya'y mabilis
Lagi ang Biyaya
Ayaw maghirap
Ugali'y pabaya
Tignan mo ang ibon
Lagi naghasik
Ng Buto sa Dumi
Kaya laging may balik
Langgam nag tipon
Ng kanyang pagkain
Kaya pag Bumagyo
Sila'y may kakainin
Laging may angal
Pag merong uutos
Pag merong Bayad
Bilis kumilos
Bilis Umutang
Ang Bagal mag Bayad
Pag siningil Mo
Galit pa Paglabas
Dami niyang Alam
Pag tungkol sa iba
Pag tungkol sa Kanya
Mananagot ka
Lakas mag Bida
Sa tuwing may umpukan
Buksan mo Bulsa
Ni wala ring Laman
Hilig magbiro
Gusto ikay laging Galitin
Pag Biniro mo nama'y
Ubod ng Asarin
Pag siya ang mali
Iba sisisihin
Pag ikaw ang mali
Sayo ang sisi parin
Gusto Matibay
Pero hanap ay Mura
Pag nasira Agad
Ligo ka sa Mura