Writer:AngPoetMo🇵ðŸ‡
Title: "ANGHEL SA LUPA"(part 4)
Ang pagdating ni ERIKA
written by. AngPoetmo 🇵🇠CLICK TO READ👇👇
ANG NAKARAAN:
Habang pauwi’y may napansin siya
Isang magandang dalaga sa kalsada,,
Tumigil ito’t nasiraan pala,,
Agad niya itong tinulungan sa pag-iisa..
“Anung nangyari magandang binibini??
“Ang sasakyan ko’y tumirik Ginoo,,
Maaari mo ba akong tulungan ayusin to??,,
Kung hindi man nakakahiya sayo?..
“Walang problema, teka’t tutulungan kita..
At Biglang nagtama ang Kanilang Mata..
PAGTUTULOY..
"Ayan ayus na, lumuwag lang koneksyon sa Baterya,,
Kaya't di na mabuhay ng Tumigil ka
Ngayo'y makaka uwi na ang magandang dalaga..
"Salamat po ginoo!,, pwede po bang malaman ang pangalan niyo???
Ako nga po pala si ERIKA,,
Mabuti nalang at napadaan ka..
(Wika ni erikang naka ngiti)
"Di ko alam kung anong meron sa kanyang mata,
Tila may bato-balani habang tinititigan siya...
Di maiwasang humanga sa taglay na ganda,,
Gandang natural at napaka pungay na mata..
"Ginoo?!!,, (wika niyang may pagtataka)
"Para po kayong natuklaw ng ahas??
Sa pagkakatulala?? (Sabay ngiti,)
Biglang namula ang mga mukha ni Oscar ng mga sandaling iyon.,
Sabay bigkas ng pangalan para maka iwas sa tanong..
"Oscar,, Oscar ang pangalan ko ERIKA,,
(wika niyang nahihiya)
"Maraming salamat uli Oscar,sa Pagtulong..
Kung wala ka'y baka nag aantay parin hanggang ngayon..
Eto nga palang numero ko kung sakaling ika'y may tanong..
Wag mahiya ako'y agad tutugon..
(Wika ni Erikang may ngiti)
"Walang anuman Erika,, handa akong palaging Tumulong..
Kahit sino ang nasa alanganing sitwasyon,,
Ako'y andito at yan ang misyon..
"Napaka buti mo Oscar,,
Kung gayon sanay pagpalain ka sa napili mong desisyon...
At nang marami pang matulungang nasa alanganing sitwasyon..
(Wika ni ERIKA na may ngiti)
Lalong lumabas ang ganda ni Erika sa kanyang biloy sa pisnge
Walang hindi maaakit at walang makaka hindi,,
Maputing balat na napaka kinis,
Matangkad na pangangatawan
Tila isang diwatang naligaw sa kawalan..
Nang umalis ito'y nagpahabol pa ng tingin,,
Nag iwan ng alaalang, magdadala sa Dilim..
Ang Tuksong,, kahinaan ng maraming nilalang..
Na kung di paglalabana'y
Magdadala sa kasalanan..
Kakainin ang isip,, tatalunin ng kapusukan..
Hanggang sa sirain,
Relasyon ng magkaka-sintahan..
(SA DI KALAYU-AY NAKATUNGHAY ANG MATANDANG ANGHEL)
"Ganyan nga ERIKA,,
Kunin ang Loob ni Oscar,,
Diyan natin masusubukan
Kanyang katatagan..
Ating sisirain ang Ganda ng Kalooban...
Kapag Ang Pag ibig ay Nasobrahan..
(SAMANTALA SA BAHAY NINA OSCAR)
"Criselda kamusta kana??!
(Wika ng Bisita)
"Uy!!, Reinzie?!! Kamusta???
Buti't dumalaw ka??
"Oo naman,, na miss kaya kita?!
Tagal na kitang di nakikita..
Ang huli'y sa palengke pa
Nung ika'y nagtitinda pa..
(Wika ni Reinzi)
"Oo nga eh,, kamusta ng Kapatid mong si Selmer??
Ang Bolero mong kapatid na dati akong hinahatid..?!
"Ayun may asawa na,,
Namo'y naka sandal sa Pader,,
Mayaman ang napangasawa't
Maimpluwensiya sa BALER..
Minsan nalang umuwi kapag may inaasikasong papel..
(Kwento ni Reinzi)
"Aba?! Ayus ah?!
Ang mahiyain nasa tahimik narin?,
(Wika ni Criseldang napatawa)
"Kamusta naman ang buhay may asawa Criselda?
"Eto, masaya at puno ng Pag ibig..
Wala nakong mahihiling pa,,
Si Oscar puno ng kabutihan at pag-aalala..
Malayo sa dati kong Buhay
Na puno ng Pangamba..
Salamat sa diyos sa akin siya'y dinala..
(Wika ni Criseldang may ngiti)
"Mabuti naman kung ganon,,
Naging maayos din ang buhay mo
Sa kahirapa't problema'y ika'y naka Ahon..
(Wika ni Reinzing masaya)
"Bueno,, ako'y tutuloy na,,
Salamat sa magandang usapan at masarap na meryenda..
"Salamat din bes,,
Sa pagdaan at pagpunta..
Namiss kita sa tagal ng di pagkikita..
(SAMANTALA SA OPISINA NI OSCAR)
"Rhey, Alo, Cee,,
Kamusta yung report na pinadala ni Odeck??
Nabasa niyo ba??
(Tanong ni Oscar sa mga Tauhan)
"Opo ser Oscar,, nabasa naming Lahat,,
(Tugong sabay- sabay ng mga Tauhan)
"Mukhan maayos naman po Lahat
At walang dapat ipangamba..
Maayos ang takbo ng negosyo pati narin sa Opisina..
Mukhang nagustuhan ni Ser Rhey patakbo ng Kumpanya..
Sa tuwa niya'y nag abot pa ng pang meryenda..
(Wika ni Alo na siyang tumatayong opisyal sa opisina.)
(Pag upo ni Oscar sa kanyang lamesa ay may napansin siya lukot na papel sa ibabaw)
"Numero ito ni Erika.. Ang babaing maganda?!
Na ang mata'y nangungusap
Sa tuwing magtatama ang Mata..
May kakaibang hiwaga nababasa ko sa kanyang mata
Matang nakaka akit, na talagang mada-dala ka..
"Teka ngat maka musta,,,
Maayos kaya naging pag-uwi niya..
(Dinayal niya ang numerong naka sulat sa lukot na papel)
"Magandang umaga Erika?!,, si Oscar ito.. Tanda mo pa??
"Uy,, Oscar kamusta??!
Buti naman at tumawag ka?,
Medyo maigsi ang kwentuhan natin dun sa kalsada..
Nagmamadali kase tayo para maka uwi na..
(Wika ni Erika na tila kinikilig)
"Oo nga eh,, kamusta naman??
Naka uwi kaba ng Maganda?
"Oo naman Oscar at Sadya naman akong maganda.. Haha,,
"Totoo naman yun,,
At kita sayong mga mata
walang makakatanggi sa Ganda mo Erika..
Dumalas ang usapan at tawagan ni Oscar at Erika,,
Naging magkaibigan at magka-usap sa twina..
Ang hindi alam ni Oscar
Ito'y pa-in sa kanya..
Nang ang Kapangyarihan ay di tumalab at Gumana..
(SA KAHARIAN NG KADILIMAN)
"Lucifer,, si Erika'y nagsisimula na..
Siluin ang pag ibig nitong anak mo sa Lupa..
Kunin ang loob at paibigin sa kanya,,
Ng masira ang pag ibig at mapunta sa masama..
(Wika ng Matandang Anghel)
"Hahaha''(tawang dumadagundong ni Lucifer)
"Pag-ibig na makapangyarihan,,
Pag nanasok sa Puso ninoman
Hahamakin ang Lahat,,,
Masunod ka Lamang..!!!
(Awit ni Lucifer)
"Si Erika'y anak ng isang Serafin sa Langit...
Na ipinatapon ni Arkanghel Miguel sa ngitngit..
Ito'y nakipag niig sa tao na ipinag babawal na mahigpit..
"Bunga ng pagkakasala ng Tampalasan itong marikit..
Na siyang nagdala ng tukso sa mga laman ay alumpihit..
"Walang lalaking tatanggi sa kanya
Mag aaway ang mga Hari makuha lang siya..
Na siyang pagmumulan ng Digmaan sa Lupa,,
Isang Dakilang Tukso sa kanya magmumula..
(Wikang matalinghaga ng Matandang Anghel)
(SA BAHAY NINA OSCAR)
"mahal kamustang araw mo??
Kay Gwapo naman ng Oscar ko??
Wag lang sanang maging lilo
At tiyak na ika-hahati ng puso ko..
(Wika ni Criseldang may lungkot)
"Yan ang hindi mangyayari,,
Kahit na marami akong nakaka-harap na magandang babae,,
Ikaw lang palagi ang gustong palaging nasa tabi
Kita'y mamahalin hanggang sa huli..
"Kow, nambola nanaman si mr. Romantiko,,
Ayan tuloy tumayong balahibo ko,
Wag masyadong katam-isan mga salita mo
Baka lubos na maniwala't, makalimutan pagkatao..
(Wika ni Criseldang may paglalambing)
"Halika nga dito?! Panakaw ng isang Halik??
"Bakit ka pa magnanakaw?? Ay iyo naman ako..?
"Mas masarap daw ang Bawal sabi ng mga pilosopo,,
(Sabay pupog ng halik ni Oscar)
""Mmhhh,, Oscarrr,, ang Sarap ng iyong labii,..
Mainit mong haplos ay hindi ako maka hinde..
(Wika ni Criseldang napa pikit)
"Criselda mahal ko..
Yakapin mo ako..
Lamig nang Gabi'y painitin mo..
"Mmmhh,, kay bango ng batok at leeg mo..
(Paglalambing ni Oscar)
(At nagsama sila sa Kaluwalhatian)
(KINA-UMAGAHAN)
"Ser Oscar may bisita ka..
Isang ubod ng Gandang Dalaga..?!
Ang haba ng buhok na animo'y Diwata?.
Lahat ng Lalaki sa Opisina'y
Natulala sa kakaibang Ganda niya.
(Wika ni Juliet na isa sa mga tauhan)
"Kamusta Oscar?!!,,
(Bungad na pagbati ni Erika)
"Erika?!! (wikang gulat ni Oscar)
Napasyal ka?!
Sandaling napatitig si Oscar sa kaharap..
Na animo'y isang Diyosa sa kagandahan..
Maputing balat na nangingintab s kinis,, hubog ng katawan na kaibig ibig..
Sa suot na pulang damit na pitis na pitis.. Para kang naka kita ng Anghel sa Langit..
"Huy, Oscar?!, Natulala ka nanaman?
Naka kita kaba ng kaluluwa??
(Wika nitong naka ngiti)
"Erika, pasensiya kana, nabigla lang ako sa iyong pagpunta,,
Hindi ko inaasahang paparito ka..
Saglit at ipaghahanda kita ng masarap na meryenda..
Gusto mo ba ng Kape? Ika'y ipagtitimpla..
"Wala lang dinalaw lang kita..
Saka gusto kong makita ang iyong kumpanya,,
Walang dudang napaka ganda
At naka hahalina..
"Salamat Erika, maupo ka muna't ipaghahanda kita ng espesyal na meryenda..
"Salamat Oscar, napaka maginoo mo?,,
"Grabe ang bisita ni Ser Oscar,, napaka seksi at mukhang artista.
Kaya naman ang mga lalake ditoy nagkanda luwa ang mata.
(Wikang pabiro ni Cee)
Ilang oras din ang tinagal ni Erika sa opisina, hanggang sa ito'y namaalam na kay Oscar.
"Maraming salamat sa masarap na kwentuhan at meryenda,
Huwag kang madadala ha??
(Wikang pabiro ni Erika)
"Ako ang dapat magpasalamat sayo,,
Dahil ako'y naalala at Dinalaw mo
Napakasarao sa pakiramdam
Na may taong nakaka alala sayo,
Lalo't isang magandang binibining katulad mo,..
"Sige Oscar,, ako'y tutuloy na,,
Hanggang sa muling pagkikita?!
Tila napako ang tingin ni Oscar sa papalayong si Erika..
Tila Anghel itong naglalakad sa lupa..
Kagandaha'y kumikinang
Na kaibig ibig talaga..
"Ang tukso'y kapag di napigila'y
Mauuwi sa kapa-itan ng dalawang nag iibigan..
Ang Dahilan ng kasalanan ng Sangkatauhan..
Ang tuksong nagmulat sa tao mula sa Kahubaran at kahalayan..
Ngunit si Oscar kaya'y Tablan???
nang tuksong pain ng matandang ahas sa lumang tipan?
"O, mananatili ang Pagibig at sa kanya'y Kabutihan..
Na nangakong iibigin ng tapat ang kanyang katipan..
SAMANTALA..
Habang papa-uwi si Oscar ay may nadaanan siyang Kaguluhan. Nilapitan niya ito't inalam.
"May isang nag aamok sa di kalayuan,,
Hawak ay patalim at may batang tangan..
Di siya nag aksaya ng panahon, gumawa ng paraan. Para makalapit ng di nauulinigan..
"Walang lalapit!!, papatayin ko ang batang ito!
Kapag may nagtangkang lumapit at pigilan ako..
(Pumasok ito sa bahay upang hindi malapitan..)
Sinamantala naman ito ni Oscar upang hindi siya makita ng maraming tao sa gagawing hakbang.
(Sa loob ng Bahay)
"Kaibigan bitawan mo ang bata?!
"Sino ka?? At pano ka nakapasok dito??!!
Subukan mong lumapit at ang batay tatarakan ko!!?
(Wika nitong may pananakot)
"Nilapitan ito ni Oscar upang pakalmahin subalit..
"Wag ka sabing lalapit!!! (Akmang tatarakan ang bata)
Sa bilis ni Oscar na tila kidlat ay nahawakan niya ang patalim at nagpambuno sila.
"Nabitawan nito ang Bata at ang patalim dahil sa tila nasusunog nitong kamay sa pagkakahawak ni Oscar..
(Agad namang nagtatakbo palabas ang bata.)
"Demonyo,, layuan mo ako?!!
(Wika nitong takot na takot)
Bigla. Itong nabitawan ni Oscar sa pagkaka dakot..
Masamang ispirituy kanyang sinunog,,
Kampon ng kadiliman na dito'y lumukob
Pinalabas ni Oscar at ito'y dinurog
Na tila naging abo sa kanyang pagkaka sunog.
Nakalabas ng maayos ang Bata
Ang lahat ay namangha
Ni walang galos at tama
Para silang naka kita ng Himala
Nakalabas na si Oscar
Nang pumasok ang pulis
Ang mga ito'y takang taka sa nangyari..
Ngunit binura ni Oscar sa isip ng nag aamok ang pangyayari
Upang di na ito makapag kwento at makapag sabi..
SAMANTALA SA KAHARIAN NG KADILIMAN
"Tila hindi umepekto kay Oscar Ang 'Dakilang Tukso"
Kapangyarihan parin niya'y buong-buo..
Kapangyarihang gamit sa kabutihan at pagsaklolo..
Matibay ang Pagibig na ikinapit sa kanyang pagka-tao"
(Wika ng Matandang Anghel)
"Hintay ka lang Matanda!!
Maaga pa para sumuko?!!
(Wika ni Lucifer na Dumadagundong)
SA BAHAY NI ERIKA
Dinalaw si Erika ng Matandang Anghel habang natutulog..
Erika,, Paigtingin mo pa ang pang aakit kay Oscar..
Piliting mahulog sa kagandahan
Sapagkat ika'y anak ng anghel ng Kahalayan..
At ikaw lang ang may kakayahan
Naka ukit sa puso mo ang kadiliman, sirain ang pagibig at pagmamahalan
Tupdin ang utos at gampanan.. "
(Wikang pabulong ng matandang anghel)
(KINA UMAGAHAN SA BAHAY NINA OSCAR)
"Maglalaba si Criselda ng mga maruming damit ni Oscar ng may napansin siya sa bulsa"
"Ano kaya ito??
Aba may numero??!! Erika??
Sino kaya to?? At bakit nasa bulsa ng asawa ko?? Lukot pa't tila itinago?
Tinawagan ito ni Criselda dala ng paghihinala..
Sa puso'y may kaba,, na baka si Oscar ay may iba..
Nakaramdam siya ng Galit at pagtataka,,
At baka nga totoo ang kanyang hinala..
"Hello, sino po sila??
(Wika ni Erika sa kabilang linya)
"Ikaw sino ka?? At ang numero mo'y nasa bulsa ng aking asawa??
"Si Oscar bang tinutukoy mo??
"Sino paba?? Babae kaba niya??
"Ngunit walang nabanggit si Oscar na may asawa na siya??
Ang pagkala alam ko'y binata siya?
Isang kaibigan lang na minsa'y tinulungan niya
Kung iyong mamarapatin,, ako'y may gagawin pa..
(Pinagbabaan siya ng telepono ni Erika..)
"Napa-iyak si Criselda sa mga nangyayari..
Kahit hindi pa naman talaga niya alam ang buong pangyayari
Agad nagpadala sa silakbo ng damdamin..
Kahit di pa naririnig ang kay Oscar na pag amin..
Mag taong biktima ng sobrang pagmamahal
Na mataas ang ekspektasyon sa minamahal,,
Agad nagdududa sa konting saglit..
Na hindi pa inaalam ang katotohanan sa isip..
Ang iba nama'y nagbubulag-bulagan
Kahit kita na'y, binabalewala lamang
Nagpapaka tanga't, nagbibingi-bingihan
Wag lang mawala ang pag-iibigan..
(SAMANTALA SA OPISINA NI OSCAR)
"Ser Oscar, bumalik ulit ang iyong diwatang bisita..
At ikaw ang pakay niya,, napaka seksi sa kasuotang Pula,,
Mapang-akit at kakaiba..
Lutang na lutang ang maputing balat at Ganda..
(Wika ni Alo na bisor sa Opisina)
"Sige Alo, patuluyin mo na siya,
Bago pa, magkalat ng laway dyan sa opisina,
Malamang ang lahat ng lalaki'y napapa-nganga..
Tulo ang mga laway sa kanyang ganda..
(Wika ni Oscar na nakatawa)
"Mam Erika, pumasok nadaw po kayo sabi ni Ser Oscar,,
"Salamat ginoo,,
(Wika ni Erikang may Ngiti)
"Susko po,, nakakatangay talaga ang ganda niya..
(Wikang pabulong ni Alo)
"Oscar kamusta??
Bumalik ako para makita ka
Namiss ko kase ang boses mong nakaka halina..
Mga pangungusap ng mga mata
At kabaitang sadyang kakaiba..
(Bungad ni Erika)
"Kamusta din Erika,,
Grabe ang suot mo,, kaya pala nagkaka gulo sa labas..
Eh labas na labas pala talaga,,
Labas na labas ang iyong Ganda?!!
(Wikang Pabiro ni Oscar habang naka titig kay Erika)
"Yan ang isa pang namiss ko
Ang iyong pagiging Bolero,,
Lahat ay madadala talaga at
Mapapa oo..
(tugon ni Erikang naka ngiti)
"Saglit lang Erika,
Ipaghahanda kita ng meryenda,,
Umupo ka muna't mag libang
Meron dyang mga magazine na
Bagong dating lang"..
Habang naghahanda si Oscar sa di kalayuan ay naka tanaw naman ng tingin sa kanya si Erika,,
Titig na animo'y nang aakit..
Ang tingin na lahat ay mahuhumaling,,
Pagnanasaan ng mga alipin,..
Lumapit si Oscar na may bitbit na isang baso ng juice na iaabot sana kay Erika ng Sadyaing tabigin ito ni Erika upang matapon sa manipis nitong suot...
"Nako!! ,, Erika pasensiya na!?
Hindi ko sinasadyang mabuhusan ka,
Nkakahiya,, patawarin mo sana,,.
(Wika ni Oscar habang pinupunasan ng Panyo ang katawan ni Erika)
Subalit imbes magalit ay hinatak ni Erika si Oscar at Tangkang pupupugin ng Halik..
"Oscar,, mmmhh,, Halikan moko..
Kailangan ko ng pag ibig mo..
Labi ko'y uhaw at natutuyo..
(Wikang pang aakit ni Erika)
"Erika wag,,!? may Asawa nako,,!?
Hindi tamang gawin natin to..
Hindi sa Ayaw ko Sayo,, ngunit mali ito..
Nangako ako sa Asawa ko na siya lang ang mamahalin ko..
Patawad Erika.. Hindi ko magagawa to..
Parang binuhusan ng malamig na tubig si Erika..
Hindi niya akalian na tatanggihan siya..
Lungkot at galit kanyang nadama..
Na para siyang matutunaw sa nadarama..
"May Asawa kana??
Pero akala ko binata??
Walang sabit at malaya pa..?
Nadala ako sa mga pakitang maganda..
"Patawad Erika, hindi ko agad sinabe,,
Oo,, may asawa nako si Criselda
Hindi ko magagawang lokohin siya
Siya ang aking huli at una..
(Wika ni Oscar)
"Pasensiya kana,, at ako'y umasa..
Akala ko ang pagkakaibigan natin ay lalagpas pa..
Sobrang sakit ng Nadarama..
Na umasa sa lalaking hindi sa kanya..
Ngunit ako'y nakiki usap
Wag sanang umiwas kapag ka-usap,,
Sana'y maging mag kaibigan paren kahit sa pangungusap
Wag sanang putulin pagkakaibigan natin.
Wag iwasan kahit walang pagtingin"
Aalis nako Oscar,,.
(Wika ni Erikang Ngilid ang luhang habang papalabas ng opisina)
Walang nagawa si Oscar kundi pabayaan siyang umalis,,
Habang iniisip ang mga nangyari..
Bigla namang sumagi sa isip niya si Criselda..
"Si Criselda lang ang mahal ko at mamahalin ko..
Yan ang pinangako ko sa sarile ko,,
Kaya naman muli siyang dumating sa buhay ko..
Kung hindi siya'y hindi nalang..
Hindi nalang ako magmamahal..
Wika ni Oscar sa sarile habang tulala sa nangyari..
IPAGPAPATULOY,,, ABANGAN‼
"Ang PAKSA, KARAKTER,, PANGYAYARI Ay PURONG KATHANG ISIP lamang ng inyong abang lingkod,, wala itong kinalaman sa totoong buhay,, babasahin at iba pa.
"DON'T FORGET TO LIKE AND FOLLOW OUR PAGE,, PARA UPDATED TAYO EVERYTIME MAY MGA BAGONG POST AT ISTORYA.
MARAMING SALAMAT PO SA PAG SUBAYBAY..
@AngPoetmo🇵ðŸ‡
