Writer:AngPoetMo🇵🇭

Title: "Ang Tula ni Tula"
Written by. AngPoetmo 🇵🇭

Ako
Ako ito,
Ako ang Tula!
Ang nagpapahayag ng damdamin..
Ako ang Dakilang si Tula!

Ako
Sino Ka?
Ako si Damdamin!
Sa Akin ka galing Tula,
Ang nararamdaman ko ang dahilan
Kaya ka nabuo at naging Tula
Ako ang Dakilang Damdamin!!

Ako
Sino ka??
Ako Si Isip!!
Sakin Ka nabuo Damdamin
Ako ang isip na nagdidikta sayo Damdamin
Ako ang Dakilang nag Isip ng Lahat!!!

Ako
Sino ka???
Ako Si Salita!!!
Hindi mapapahayag ang nakay isip
na si damdamin, kung wala ako Tula?!!
Ako ang binabasa ng tao kaya nararamdaman si isip at damdamin..
Ako ang Dakilang si Salita!!!

Ako
Sino ka????
Ako si Paksa!!
Hindi ka maisusulat Salita kay Tula
Kung wala akong si Paksa????
Sa akin kinukuha ang mga Salita na siyang ginagawang tula,, Ako ang inspirasyon..
Ako ang Dakilang si Paksa!!

Ako
Sino ka?????
Ako si Saknong!!!!!
Ako ang bumubuo sayo Paksa,,,
Sakin nababasa si Salita sa tula
Kung wala ako walang katawan si Tula..
Ako ang Dakilang si Saknong!!

Ako
Sino ka??????
Ako si Taludtod!!
Ako ang bumubuo sayo Saknong,
Ang taludtod ko ang pinaglalagyan ni Salita,
Kung wala ako hindi ka matatawag na Saknong
Ako ang Dakilang si Taludtod!!!

Ako
Sino ka???????
Ako Si Tugma!!
Ako ang nagpapaganda sayo Taludtod,,
Ang Tugmaan ko ang Dahilan kung bakit tinawag na tula si Tula!!!!!!!!
Ako ang Dakilang si Tugma!!

Ako
Sino ka????????
Ako si Talinghaga!!!
Ako ang nagbibigay kariktan sa inyo
Ang malalim kong talinghaga ang nagpapasarap kay Tula!!!!!!!!
Ako ang Dakilang si Talinghaga!!!

Ako
Sino ka??????????
Ako si Sining!!
Hindi makikilala si tula na Tula kundi sakin,
Ako ang nagpakilala kay Tula sa madla!!!
Ako ang Dakilang Sining!!

Ako
Sino ka????????????
Ako ang May Akda!!
Ako ang siyang gumawa at sumulat kay Tula,,
Ako ang naglagay kay Damdamin kay Salita
At nabuo na nga itong si Paksa...
Na siya namang binubuo ni Saknong at Taludtod
Ginamit ko si tugma, kaya naging tula si Tula,,
Nilagay ko si Talinghaga para mas maging masarap si Tugma kay Tula..
Na siya namang pinakilala ni Sining Bilang Tula..
Ako ang Dakilang May Akda!!

Mga hangal mag si tigil kayo!!!

Ako
Sino ka?????????????
Ako ay si Ako na Nga
Ako ang sa Inyo'y Dakilang Lumikha,,
Na may gawa ng lahat ng Bagay na may Buhay at Salita...
Ako ay Si Ako
Ang walang hanggang Ako, Ang Alpa at Omega
Ako ang Simula at ang Kawakasan ng lahat sa mundo
Ako Ang Dakilang Lumikha!!!

Isang nakabibinging Katahimikan....