Title: "PUNA"
Writer: AngPoetmo 🇵🇭
(Malayang Tula)

Tignan mo ang mga
Nagdadalamhati,
Di ba't tumatawag sila kapag
Ang puso-i puno na ng Hapdi??

Yung mga nasa Sacuna, Sacuit, at Hilahil
Diba't nagdadasal sila Capag ang Catouan
Nila-i pagal na pagal na't Alumpihuit??

Yung mga nasasadlac sa Cahirapan?
Yung mga ma-i Ca-culangan?
Diba't Sila-i humihiling na ding-guin
At Pagbig-ian??

"Yan ang Sagot Cong Baquit hinaha-ia-an
Nia na ito-i sa tao mang-iari...
Capag Sia-i nagbibingi-bingihan sa
Mga asam at hiling...

Sapagcat Cung puro Casi-iahan at Galac
Puro liuanag at Oualang dilim,,
At Oualang nasasadlac,,
Sino pang sa Canya-i Magagalac, Magpupuri
Magdarasal, At Tata-uag??? ...

Sapagcat ang Tao-i tumatauag lamang
Capag nasa Dalisdis ng Sacuna,,,
Capag nasa Bunganga ng Capa-hamacan,,
Capag nasa Casasaquitan..
At Capag Ouala nang Mapuntahan...

Cong meron ma-i mabibilang mo lang sa mga daliri ng kama-i mo't paa..

AngPoetmo 🇵🇭