Title "ANGHEL SA LUPA"(part 5)
Written by. AngPoetmo 🇵🇭
CLICK HERE TO READ👉👉
Mainam kung babasahin muna ang (part 4)
Ito ang link kung hindi pa nababasa👇👇

https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=120082417087550&id=108504831578642

ANG NAKARAAN:

Walang nagawa si Oscar kundi
Pabayaan siyang umalis
Habang iniisip ang mga nangyari
Bigla namang sumagi sa isip niya
Si Criselda..

"Si Criselda lang ang Mahal ko
At mamahalin ko..
Yan ang pinangako ko sa sarile ko
Kaya naman muli siyang dumating
Sa buhay ko..
Kung hindi siya'y hindi nalang,,
Hindi nalang magmamahal ang Puso..
(Wika ni Oscar sa sarile habang tulala sa Nangyari)

ANG PAGPAPATULOY

(SA KAHARIAN NG KADILIMAN)

"Hindi tumalab ang Tukso kay Oscar,,
Matibay na Pag ibig ang nasa
Katauhan..
Nananaig ang Dugo mo't kabaitan
Nung ika'y nasa Liwanag pa't di pa
Kinakain ng Kalikuan..
(Wika ng Matandang Anghel Kay Lucifer)

"Tumahimik ka tanda!!!
(Wika ni lucifer na dumadagundong)

"Nagbabalik nanaman sa
Alaala ko ang lahat"
Nung ako'y nasasa Kalangitan..
At Hindi pa ganito ang Kaanyuan,,
(Wika ni Lucifer habang nag-ngangalit ang kulog at kidlat sa kalawakan) .

Nagbalik lahat sa alaala ni Lucifer ang mga nangyari..
Nung panahong Siya'y kinagigili-
wan pa ng Diyos at pinagkakatiwalaan..
"Ang anghel ng Karunungan,, Ang tagapagdala ng Liwanag,,
Ang Tala sa Umaga..

"Miguel, mula ng ang tao'y lalangin
Ang Ama ay tila nanlamig na sa Akin,..
Sila na ang kinagigiliwan
Kahit na paulit-ulit ang Kasalanan..
(Wika ni Lucifer kay Arkanghel Miguel)

"Lucifer, Kapatid..
Sa tao'y wag manibugho..
Ang Ama sa Pag ibig ay punong-puno..
Lahat tayong nilikha niya'y pantay-pantay..
Walang nakakalamang at mas mat-as ang Lagay..
(Paliwanag ni Miguel)

Hindi ito maaari!!!?
Tayo ang unang nilikha!
Tayo Ang mga panganay sa Kanyang ginawa..
Ngayo'y tagabantay na lamang sa
Sa kanila??
Gayung higit tayong mas mataas
Sa lahat ng mga nilikha??
(Tugon ni Lucifer kay Miguel sabay talikod)

Umalis si Lucifer at bumaba sa Lupa at duo'y Nakihalobilo siya sa mga tao..
Nakipag niig sa mga babae,,
Nakipag inuman sa kanila, nakisalamuha at Nagpakasaya..

Nalaman ito ng Ama at isinugo niya si Miguel
Upang sunduin at ipatawag si Lucifer..
Tinagubilinan din itong gawin ang nararapat kung sakaling ito'y susuway..

"DOMINOS DOMINUM DOMINI
IGUS ILLOS CUESIMOS TOJOS
ISA REBESTA"...
usal ni Lucifer sa Hangin.
Upang sa Kanya'y walang Makatanggi..

"Susunod Kayong lahat sa Akin!!
Ako ang Diyos dito sa lupa!!
Ako ang inyong susundin!
Ako Ang Sasambahin!!
Hahahaha!!!!
(Wika ni Lucifer na dumadagundong kasabay ng mga kidlat)

Bigla bumuka ang mga ulap,,
Kasabay ng Pagbaba ng isang may Pakpak..
Dala nito ang mensahe ng Ama
Upang kay Lucifer ipaliwanag.. .

"Kapatid?!, ipinapatawag ka ng Ama..
Manaog ka't magpaliwanag .
Gawaing baluktot at pag aalsa'y tigilan na..
Habang maaga pa'y Baguhin na..
(Wika ni Miguel)

"Hindi ako papayag na ang mga tao'y higit sa Atin.!!
Tayo Ang nauna ng Lahat ay Likhain..
Higit sa kapangyarihan at pawang malakas,,
Hindi papayag na maging tagapangalaga na lamang
Hanggang wakas..!!
(Wika ni Lucifer)

"Kung Gayo'y, paalam Kapatid..
Patawarin mo ako sa Masamang Balitang Hatid..
Sumusunod lamang ako sa Amang nagpapabatid,,
Kung gayo'y putol na ang ating ugnayan at patid.

Ito na ang naging simula ng Digmaan sa Langit..
Anghel laban sa Anghel ay Nagngangalit..
Hindi nanaig ang kasamaa't pag Aalit,,
Itinapon silang kasama ng Dragon Dahil sa Poot ng Ama sa Langit...

Mula nga noo'y sa Lupa nagkaroon Na ng Dilim..
Kasalana't kahalayan nag sumidhi Sa isip..
Maraming nabulag Ang Diyos ng pagkaka-alit..
Tumiwalag sa Diyos napuno ng
Maruming isip..

Mula nuo'y ang magandang mukha Ni Lucifer ay nagbago..
Umitim ang Balat, nagka sungay sa Noo..
Ang matay pumula na parang Dugo..
Ang anghel sa Langit naging Hari Sa impyerno..

Binulag niya ang iba't-ibang Bansa
Nag anak sa iba't-ibang babae sa Lupa'y ninasa..
Kinalat ang Binhi ng Kasamaan sa Iba't-ibang Parte..
Ang iba'y naging lider.. At ang iba'y Naging Hari..

Dala ang Aklat ng Kapangyarihan,
Na inilimbag niya sa Katawan..
Ikinalat at ibinibigay sa mga sakim sa kapangyarihan
Kapalit ng Pagtalikod sa Diyos..
Ito ang Gantimpala ng Ama ng Kasuklam-suklam

Tukso dito't, kahalayan ay Kabi-kabila
Napuno sa kasalanan ang buong Sang-lupa..
Pag-aaway at pakikidigma..
Pananakop at pang-gigipit,
Bansa laban sa Bansa..

Ginamit sa Masama angking
Karunungan..
Ibinahagi sa mga taong Tampalasan..
Nilukob ng Demonyo kanilang
Katauhan..
Nilukuban ng mga Kamangha-mangha't Kapangyarihan..

"Isang lalaki ang narinig na
Umuusal sa Hangin
Upang ang Gamit pang Mahika'y
Magkaron ng Galing
At saka magpapakita ng mga
Kamangha manghang gawain
Na sa Entablado maraming gumiliw...

"HAEC DONA HAEC MUNERA
HAEC SANCTA SACRIFICA ILLIBATA ALSASESLATORES
ARAM ARADAM ADRADAMMM
Salitang sinasambit ng Paulit ulit..
Hatid ng salitay, hiwaga
Kagalingan at liksi..

Ang Aklat ng Kapangyariha'y ginawa
Para sa Kabutihan..
At hindi inilimbag para gamitin
Sa Kasamaan,,
Ngunit dahil sa katakawan sa Kapangyarihan..
Ginamit sa masama't Ang Ama'y
Tinalikdan..

Isang manggagamot ang narinig Kong umuusal..
Upang ang Dukha'y, sa Sakit
Gamutan..
Pangontra sa Lason na Humalo
Sa Pagkain..
"MULAP MUA-AM MARI-ESEM
wika niya sa Hangin..

"MACTUM MACTAM JESUS
GLORIA VITA VITABIT..
Paulit-ulit na Sinasambit..
Upang gamutin kirot na Dala ng sakit
Makatulong sa Mahirap Pakay
Nila..
Kahit kapalit ay kaluluwa..

Ikinalat sa Iba't ibang Bansa itong
Karunungan..
Isinalin sa iba't-ibang salita ng
Sanlibutan..
Upang ang gagamit magtaglay
Kapangyarihan,
Sa Pag usal, mabubuhay yaring Laman.

Marami ring gumamit nito sa
Kasamaan..
Pangkukulam, Pag-sumpa at iba Pang Kasuklam-suklam,
Na maaaring ikamatay ng mga Malalapatan..
Ito ang gawa ng mga Demonyo't
Paham..

Kaya't sinugo ng Ama Ang mga Anghel na Mabuti..
Upang ang tao'y gabayan at ilayo
Sa pag kanti..
Labanan ang Masasama't Hindi
Magpapagapi,,
Sakdal na Pag ibig sa Tao'y
Mananatili..

*PAGBABALIK SA KASALUKUYAN*

(SA BAHAY NINA OSCAR)

"Oscar!?,, sino si ERIKA??
(Tanong ni Criseldang galit ang pagkakatitig)

"Isang kaibigan na tinulungan
Na nasiraan ng sasakyan..
Nag magandang loob ako't, Siya'y
Ina-sistehan,,
Diko na nagawang i-kwento sa Sobrang ka bisehan..
(Paliwanag ni Oscar)

"Bakit mo naitanong aking mahal??

"Wala naman,,
Nakuha lang ang numero sayong Mga dinumhan..
Sa pag-iisip ko'y Agad natawagan
Buti't magka-tugma ang inyong
Mga Dahilan..
(Wika ni Criseldang Naka-simangot)

"Siguro?!, nagseselos ka no??
Wag mag alala't, ikaw lang
Mahal ko..
Di magagawang Sayo'y manloko,
Nag-iisang Criselda ng Puso't
Buhay ko..
(Pag alo ni Oscar kay Criselda)

"Kow!!, nadaan mo nanaman ako
Sa matatam-is mong salita..
Kung nagkatao'y, putol iyang iyong
Dila..
Wag ka lang magpapahuli't
Magtatangka..
At siguradong ako'y magwawala..
(Birong pagbabanta ni Criselda)

"Halika nga dito't pahalik ng isa..
Mmmmhh,, ambango mo aking Sinta..
Hindi magsasawa na mahalin ka,
Tayo'y magsasama hanggang sa
Pag-tanda..
(Paglalambing ni Oscar)

Kalaliman ng Gabi,, habang nasa Kahimbingan,,
Dinalaw muli ni Anghel Gabriel
Si Oscar
Dala'y mensahe at kaalaman
Mula sa Langit, inilahad sa Harapan..

"Oscar,,, Oscar..'
Aking mga isasalita'y pakinggan..
Kasamaan ng kadiliman patuloy
Na labanan..
Pangontrang mga Salita'y
Iyong ipanlaban..
Kusa mo itong uusalin sa oras ng Kagipitan..
Kusang lalabas sa bibig, na isinulat Sayong katawan..

"Sapagka't ikaw ang anak ng Anghel ng Karunungan..
Aklat ng Lihim, inilimbag sayong
Katawan..
Kaya't sagipin mo't ang tao'y Lunasan,
Kapangyariha'y gamitin laban
Sa Kasamaan..

KINA-UMAGAHAN

Maagang nagising si Oscar
Nagluto ng almusal nilang
Pagsasaluhan,
Pagkatapos gumayak, deretso sa Sasakyan,
Ngunit natigilan ng may naulinigan..

Sa isang bahay malapit sa kanila'y
May nagkaka-gulo..
Isang babaing nagwawala na tila
Gulong-gulo..
Mukhang sinapian ng masamang ispiritu,,
Nilapitan ni Oscar upang Sumaklolo..

"Paglapit niya'y tila naramdaman
Ang planong pagsasawata..
Nang enerhiyang sumukob sa Katawan..
Lakas nito'y kamangha-mangha,
Limang tao'y di mapigilan, di masawata..

Mga Hayup kayoooo!!
Bitawan niyo koooo!!
(Wika nitong umu-ungol)
Sabay tulak sa mga taong,
Sa Kanya'y pumolupol..

Nag tumbahan sila't.. Di kinayang Pagwawala..
Lakas nitong Lima'y walang Nagawa..

Napa-usal si Oscar ng mga Salita
Mga salita'y namutawi ng di Sadya..
Lumabas sa bibig umusal ng Bahagya..
Ng di marinig Ang mga Salita..

"PAX DOMINE SIT SEMPER
VOBISCUM ET CUM SPIRITU
SACTO EGOSUM.. "
Sabay ihip sa Ulo nito...

"Agad tumigil ang babae
Hinang-hina na di mapakale..
Tila uhaw at Pagod sa mahabang
Biyahe,,
Sabay tanong kung anong nangyare..

"Anung nangyari sakin?? (Wika nitong nagtataka)

"Sinapian ka at nagwawala,( sagot Ng isa)
Humiga ka muna't mamahinga,
Nang manumbalik ang lakas at
Umayos na. (Sabat ng isang umawat)

Buti nalang at di nakahalata..
Mga naka saksi na tila mangha,
Agad itong inalalayan at saka ini-
Higa
Nang makapag pahinga sa
Ispiritung gumambala..

Umalis na si Oscar na tila walang
Nangyari..
Nagpaalam at bumalik na sa kotse..
Sinabihang baka napagod lang
Ang Babae,,
Buti nalang at naniwala sa sinabe..

(SA OPISINA NI OSCAR)

"Ser Oscar',, magandang umaga!,,
(Bungad ni Percival na tauhan)
May nag-aantay sayong bisita,
Kaibigan mo daw, Ryan ang Pangalan niya..
Andun sa Lamesa at sabik ka ng Makita..

"Salamat Percival.. (Sagot naman niya)

"Pareng Oscar, kamusta na?!
(Bungad ng Bisita)
May pinuntahan ako malapit dito,
Kaya dumaan na..
Matagal-tagal naring di tayo
Nagpangita?!,,
Kamusta at mukhang tumaba ka?!

"Pareng Ryan,?! Salamat at na-alala,
Namiss narin kita, medyo matagal na nga ng huling nagkita-kita,,
High school pa yata ang huli diba??
Kasama sina Selmer, Arnold at Navarra.,
(Naka-ngiting wika ni Oscar)

Aba!?? At talagang tanda mo pa ah?!
Walang nakalimutan kahit isa..
Si Wilbert nga pala nasa AFP na..
(Masayang tugon ni Ryan)

"Ganun ba?? Ayus ah!,,
Eh kamusta naman ang mag Darling?
Si Archie at si Arlene??
Dun parin ba sila sa Kamuning?
Minsan ay ating dalawin..

"Oo pare, para malaman din natin
Ang nangyare..
Balita ko'y may sakit ang babae..
Di daw malaman kung anong nangyayare...
(Kwento ni Ryan)

"Ganun ba??,
Kung gusto mo'y puntahan natin
Ngayon??
Wala naman gagawin sa Maghapon.
Halika't ating puntahan,
At baka may magawa tayong paraan..

Tumungo nga si Oscar at kaibigan sa mga dating Kaklase upang alamin at tulungan narin kung sakali..

Pagdating sa bahay ay agad ng
Ramdam ni Oscar ang kakaiba,
Isang malakas na malakas na
Enerhiya..
Sa labas palang ay ramdam na
Makakasagupang tila Kakaiba..

'Uy!! Kamusta mga brod??!
(Wika ng sumalubong sa Kanila)

"Pareng Archie kamusta?!
Kasama ko si Oscar,, tanda mo Pa?
Muli nanaman tayong nagkasama-sama..
Nabuong muli ang ating Barkada.
(Masayang wika ni Ryan)

"Oo nga eh?!,,
Kaso'y kami'y may pinagadaanan
Ngayong problema..
Si Arlene kasi'y sinasamaan ng lasa..
Ilang doktor nang pinagdalhan,,
Ngunit ang sagot ay di malaman..

"Ang sabi ng iba'y baka kinulam,
Dahil sa kung ano-anong Lumalabas sa katawan..
Lagi sumu-suka ng may ibang Laman..
Naaawa nako sa kalagayan..
(Malungkot na kwento ni Archie)

Pag lapit ni Oscar ay Agad itong Nabalisa..
Mukhang ramdam ang Kapangyarihang
Dala ng nasa Kabila..
Alam niyang mananagot siya sa
Ginawa..
Ang kumukulam sa Kabila'y
Aligaga..

Pumikit si Oscar umusal ng Palihim..
ETI ECTI PACTETOR AC-EXOS-ICAYAO SARACTAM
TEUMACTUM MARUCHAM
(usal niyang palipad-hangin)

Pagkasabi nito'y biglang Sumuka
Si Arlene..
Pako at Karayom nakahalo sa
Kinain..
Inilabas niya itong lahat sa Sahig,,
Nagimbal si Ryan at asawang si
Archie..

"Diyos ko!!,, mukhang kinulam nga
Ang Asawa ko.!!,
Sinong Demonyo ang may gawa nito?!!!
Walang puso at pagkatao?!!
Nadudurog ang Puso ko?!!
(Galit at awang wika ni Archie)

Pagkatapos ay nakaramdam ng ginhawa si Arlene..
Nakaka-usap na't may konting
Paggaling..
Umaliwalas ang mukha't dina dumadaing,,
Saba'y yapos sa Asawang nakasandal sa dingding..

Maya-maya'y nagpaalam na sina Oscar..
Ilang oras ding nag kwentuhan at
Kamustahan..
Di nila pansin ang pagpapagaling
Ni Oscar,,
Dahil inusal lang ng pabulong ang pangontra sa Kulam.

Ngunit di pa dito natatapos ang Lahat..
Ang gumawa nito'y managot dapat..
Hahanapin ni Oscar at Haharap,
Pananagutan ginawang pahirap..

"Sige Oscar ako'y uuna na,,
Sa susunod nalang ulit pag dika Abala..
Nakaka-kilabot nasaksihan kanina
Nakakatakot ang kanyang sinuka..
(Gimbal na wika ng kasama)

"Sige pare, hanggang sa muli..
Ako'y may pupunthan lamang sandali..
Mauna kana sa pag-uwi..
Salamat at mag-ingat Palage..
(Pamamaalam na wika ni Oscar)

Hinanap ni Oscar ang Enerhiyang
Naramdaman..
Bumiyahe at dinala ng Kapangyarihan..
Hanggang dalhin sa liblib na lugar,
Isang matandang babae ang
Natagpuan..

"Sino ka???,, wika nito
Anong pakay mo iho???
Hindi kita kilala para pumarito??
May Hinahanap kaba?
(Tanung ulit nito)

"Ang pakay ko'y isuka mo?!
Karunungang itim ay alisin mo..
Wag kang manakit ng Kapwa mo,,
Lalo na't walang laban sayo..

Hahaha!!!! (Tawa nitong kasabay ay kidlat)
"Ikaw pala?!! Ang umusal ng Pangontra?!
Hindi mo ba alam na kaya kong Patayin siya???!!!
Sa isang tusok lang sa manika?!
(Pananakot na wika ng Matanda)

Pumikit ito at humiling ng Kapangyarihan...
PETAT MATAT QUISIT QUUYUS
INENDORUM SACTI CHRISTUM
EGOSUM!!!

Pagka wika nito'y kumulog at Kumidlat..
Nabalot ng Dilim ang dating Liwanag..
Lakas ng kapangyariha'y Nagdudumilat,,
Hanggang isang Apoy ang Lumabas..

Lumabas ang tunay nitong anyo..
Isang anghel na babae ang nakatayo..
Itim na kuko at sungay sa noo,,
Handa ng makipag laban sa Dayo.

Lumabas at bumuka ang pakpak
Ni Oscar..
Tanda na isang Demonyo ang Kaharap..
Umusal ito ng mga salita..
Pangontra sa kaninay Matanda..

HUR-MU-HUS CONTRABAR
MANUS DICAT PHU
EGO IMPAS JESUCHRISTE
EGOSUM
(Pangontra sa kalaban..)

Biglang umihip ang Hangin..
Kidlat at kulog Nagpadilim
Bumuhos ang ulan sa kulimlim,,
Pinatay ang Apoy na Hiniling..

Lalong nagalit ang Demonyo..
Kidlat at kulog tinawag nito..
Pinatama kay Oscar lahat ito
Nabuwal si Oscar sa lakas nito...

"Talagang hinahamon mo ako
(Nakatumbang wika ni Oscar)
Inilahad ni Oscar ang mga kamay..
Nag apoy ito't, ang mata'y kasabay
Sing talas ng kidlat ang ibibigay
Hinagis ang Galit dito sa kaaway..

MUNZIRITYAM CIMIRISTASIM
DEUS, DEUS, DEUS!!!

Matinding kidlat ang tumama,,
Tila asul na kuryente na Nagpabulagta..
Matinding lakas di kinaya
Nasunog ito't dina nakapaminsala
Pa.
JESUS DEUS EGOSUM!!

At ang Kaulapa'y muling Nagliwanag..

(SA KAHARIAN NG KADILIMAN)

"Lucifer!.. isa-isa nang pinupuksa ni Oscar Ang mga alagad,
Nakaka bahala ito para sa ating
Lahat..
Anong hakbang ang susunod na gagawin??..
Upang siya'y pigilan sa mga naisin..
(Wika ng matandang Anghel)

Ako?? Si Lucifer???
Mababahala???
Hahahaahha!!!!!!
(Wika nitong dumadagundong)

"Ang Kapangyarihan ko'y halos Kapantay ng sa Diyos nila sa Langit?!!!
Kaya di Ako magawang puksain Kahit saki'y ngitngit..
Walang Anghel sa Lupa na saki'y
Makakadaig!!!
Hahahaha!!
(Kidlat at kulog kasabay nitong wika)

"Tandaan mo si Oscar ay iba??
Anak mo Siya?!, Tala sa Umaga..
Kapangyarihan mo't kapangyarihan Niya'y iisa...
At Ang Dakilang Pag Ibig ay Sumasa-kanya..
(Wika ng Matandang Anghel)

(SA OPISINA NI OSCAR)

Tumawag si Archie at masayang ibinalita ang Tuluyan ng paggaling ng Asawa..
Tuwang tuwa ito't napuno ng Saya..
Panay ang pasasalamat sa Diyos
Sa natanggap na Himala..
Parang walang nangyari kung
Makikita..

"Pareng Oscar, magandang balita!,,
(Wika ni Archie)
Si arlene ay tuloy ng paggaling,,
Salamat sa Diyos dininig ang Hiling,,
Walang pag lagyan ang kasiyahan
Nadadaramay sigla, sa buong Katawan..
(Masayang wika ni Archie)

"Aba magandang balita yan...
Mabuti naman at ayos na siya,,
Sana'y magtuloy-tuloy na ang pagbuti ng iyong Sinta..

"Oo nga pare!!?,, Salamat sa Diyos!!

Habang nakatingin sa bintana'y
May narinig siya,,
Balita sa telebisyon pumukaw sa kanya
Isang madugong Holdapan
Ang napanood niya..
Grupo ng mga salarin nakatakas pala..

Ayon sa balita'y may taglay na lakas,
Kakaibang kapangyarihan sa kanila'y
Nagpapalakas..
Di tinatablan ng bala ang mga katawan
Kayat nagagawa pagnanakaw kung saan..

Tinitigan ni Oscar ito isa isa
Upang puntahan at parusahan sila
Kasamaan nila'y di dapat lumawig
Kapangyariha'y sa masama nila ginagamit..

Subaybayan ang susunod na misyon ni Oscar...

IPAGPAPATULOY

ABANGAN‼‼
ANG MGA SUSUNOD NA KAPANA-PANABIK NA KWENTONG -PATULA, DITO LAMANG SA ATING PAHINA.
KUNG HINDI KAPA NAKA FOLLOW AT LIKE, MANGYARING PINDUTIN LANG ANG BUTTON, UPANG UPDATED KANG MAKATANGGAP NG NOTIFICATION SA TUWING MAY BAGO TAYONG ISTORYA AT POST.
MAG IWAN DIN NG REACTION KUNG NAIBIGAN MO ANG ATING KWENTO. ISANG SIMPLENG PARAAN AT TULONG SA ATING PAHINA
ITO AY FREE TO SHARE, SA MGA KAIBIGAN, KAMAG ANAK, KAKILALA NA MAHILIG MAGBASA.

ANG PAKSA, KARAKTER AY PURONG KATHANG ISIP LAMANG NG INYONG LINGKOD. WALA ITONG KINALAMAN SA MGA TUNAY NA TAO, PANGYAYARI, BABASAHIN SA TOTOONG BUHAY.

MARAMING SALAMAT AT PALAGI TAYONG MAG-INGAT!

AngPoetmo 🇵🇭