Title:"SULAT NI ANDRES" Writer; AngPoetmo 🇵🇠(Malayang Tula)
"Ang Ating inang Baya'y umiiyak Nagdadalamhati siya't, Luha'y pumapatak.. Sa nangyayaring Sitwasyon ng mga Anak, Nahahati-hati't, nagkaka-watak watak..
"Magkakapatid ay nagtatalo-talo.. Unti-unting binabagsak nyaring Imperyo.. Kasinungalinga'y binabalot nang dyaryo, Nang di mawatasan nyaring mga kinulang sa ulo..
"Puso niya'y, nadudurog.. Harapang ina-alimura't binabastos.. Pag-siil sa karapata'y dinaraan sa pananakot, Ugaling Buwitreng, Ang lama'y inaagaw pa sa nag Darahop..
"Paminsan-minsa'y wag pag damutan.. Bansang nagkupkop,, at iyong sinilangan.. Pahalagahan ang kalayaan at iyong ipaglaban, Sa unti-unting pananakop nitong sakim na dayuhan..
"Na Ang pakay lamang ay kayamanan.. Mamahaling hiyas,, at mga likas na yaman.. Walang ibang gagawa nito kundi tayo?! At Hindi ang Dayuhang ang pakay lamang ay Ginto..
"Ni hindi nga natin kayang ipagmalaki?!,.. Gawang Pilipinong nabuo sa Pagpapupunyagi.. Na pinaghirapa't sa Pawis binili.. Nitong mga Alagad ng sining, Na sa bansa'y hinabi..
"Pano'y nabulag na ng pagka-isip Talangka.. Na sa puso mo'y, pag gawang pinoy mahuna... Ngunit kinikilala't ipnagmamalaki ng ibang Bansa, Isa kang Lapastangan sa Sarili mong Bansa..
"Ang pagmamahal sa Baya'y wag pabayaang Mawala Sariling Wika'y Gamitin, Huwag hayaang tuluyang Mawala.. San ka kumukuha ng kaka-palan ng Mukha?! Balat mo'y Kayumanggi, ngunit ipinagmamalaki'y Ibang Salita...
Hindi hinihingi ng Bansa mo na Ibigay ang buong buhay.. Kundi, paminsan-minsay gumawa ng mga Simpleng bagay.. Isang simpleng pagtangkilik ng gawa nitong Kamay "Tatak Pilipino'y, iyong ipagpugay...
Mga produktong tatak Pilipino'y ating tangkilikin.. Mas mahal man ng kaunti'y, Ang balik nitoy Sa Bansa mo parin.. Naipagmalaki mo na'y nakatulong kapa.. Diba't mas mas masarap sa pakiramdam, Bawas dalahin pa?..
Bansang Pilipinas ay Lantay sa Ganda.. Di mo lang pansin Dahil Mata'y nasa iba... Pag-hanga sa ibang Baya'y wag mong ipamukha Mas higit paring Marikit, Ang Sariling Bansa..
Imbes na mag-murahan, Ba't di nalang magtulungan? Imbes magsisihan, Ba't di nalang Magdamayan? Hindi Tayo makaka-ahon kung Gagawi'y Ganyan!? Lulubog lang sa Pagdurusa't, Karimlan ang Kasasadlakan...