Title: "PANAGINIP" Writer: AngPoetmo 🇵🇠CLICK HERE TO READ👉👉👉
(Malayang Tula)
At nakita ko sa panaginip Ang mga kahindik-hindik.. Bansa Laban sa Bansa'y Naghihimagsik.. Nag kalat ang maitim Na usok, Umaaabot sa Langit.. Mabibingi ka sa mga ingay Umuugong sa himpapawid..
Nagsisigawan magkabila Walang padadaig, Lahat naka handa. Sandata'y hindi nakikita't Mapapakinig.. Ni madadama sa mata Kundi ang tangis sa dilim Nitong mga inalipusta't, Sinaktan ng Lihim..
Mga kasuklam-suklam Na Kasinungalinga'y,, Itinago ng Mangangaral.. Upang di maunawaan Nitong mga nakikinig Sa Aral.. Mga nangangaral sa Sarili Itinuturo'y Bibliya.. Ngunit totoong Aral Ay Wala sa Sarili niya..
Iniligaw ang marami Gamit ang Relihiyon Upang paniwalaan,, Ng maraming Nasyon.. Gamit ang Salita Binigkas ng Paurong Nakatagong Lihim Itinago sa Burol..
Nang ang mag aaral Matutong pa-purol.. At hindi maunawan Ang pagmamahal Niyaring Pastol.. Dinala sa gilid ng mataas Na Bundok,, doo'y Malalag-lag, sa Batis Ng Nag-aapoy na Apog..
Mga kahalayang Bagay Kita kong nagkalat.. Sa harap ng mga taong Nakapikit, sa Sarap.. Isang pindot lang, Agad itong lalabas Walang kahirap-hirap,, Ginawa nilang landas..
Magulang na inaalimura Ng anak.. Anak na niluluray ng Magulang.. Umiiyak ang Langit Sa nkikitang, Kawalanghiyaan.. Mga walang kunsensiya't Sa dugo'y nararamtan.. Mga kahayupa'y lumala Nitong sa Pag ibig ay Kinulang.. .
Mag asawang nag-aaway Sa magkabilang daan.. Minumura ang mga sarili,, Sa harap ng Nasasakupan.. Hindi nila alintana, ang Kanilang Kahihiyan,, Kinain ng Galit, itong Pag-iibigan.. ..
Maraming sakit na nakita, Sa balat at hininga.. .. Tanging gamot ay lawa'y Nitong Dakilang Reyna.. Na nanalasa sa Lupain Ng Mabuti't masama,, Milyon ang nahimlay sa Sa libingang ginawa..
Magkakapatid ay nag-aaway away,, Sa silong ng bahay.. Simula sa panganay Hanggang bunso Walang magpasaway.. Inggit at galit gamit Sa pagpatay,,
Pinaluhod nga nila ang mga Mga magulang.. Sa pagiging makasarili Ng mga anak na tampalasan.. Luha'y di maubos sa pangangaral.. Ngunit di pinansin hanggang, Sa kamatayan.. .
At lumago nga ang kaalaman Mga tao'y natutong lumipad.. Sa kalawakan, Upang Kanilang takasan ang hitad Na katotohanan.. Ngunit hindi ang Kaparusahan Nitong Diyos Na Sukdol sa galit, Sa Tampalasang ibang Mundo'y inibig..
Ngunit hindi sila makaka-Liligtas.. Sa Galit at poot nitong Gumawa ng Batas.. Walang pipiliin Mayaman man o Mahirap,, Pagkakasala'y Babayaran nilang Lahat,, Kanilang kaluluwa'y Mamatay sa Hirap..
Sa Dagat ay nagwawala Ang mga alon na Dambuhala.. Hinagupit lahat,, Bumaha ng Dugo sa lupa.. Walang pinili lahat ng Maabutay tinangay, Nitong galit ng tubig Nang humapo'y naging Luha..
Ang Araw ay mas uminit.. Mga balat ko'y halos Magdikit-dikit.. Nakakapasong Apo'y Taghoy nitong Marikit,, Sa sobrang init, Kumukulo yaring tubig.. Walang makakalunas Sa Dala nitong Sakit..
Mga lupa'y nagyayanigan.. Damang dama ko dito Sa higaan.. Mga istruktura'y lumapat Lumuhod lahat sa kalupaan.. Umiyak sila ng Dugo, umabot Hanggang kalangitan.. Ngunit di dininig, dahil Sa poot sa Kasamaan..
May narinig akong sigaw,, Isang batang naipit Sa Haliging hilaw.. Gawa ng kamay na kumupit.. Dahil sa pagnanakaw Maraming nagipit, Gutom ay nanalasa dito sa mga humihiyaw Na Pipit..
Mga lider ng bansa kita Kong maraming mukha.. May ngumingisi,ang isa'y May luha... May nakangiti na maamong Mukha.. Ngunit ang demonyo'y Na nga sa kabila..
Ipapakalat ang takot.. Paghihimagsik naman Itong Sagot.. Sa luhang dinanas ng mga Nangangatog,, Anupat hiniwa ang leeg Ng Malaking Baluktot, . Pinahirapan at Pinatay Nyaring mga Salot..
Mga pagka-kampi kampi'y Unti-unting nabuo.. Sinira ang puso nyaring Mga nagtayo.. Nawala ang kapayaang Inaring buo.. Muling nagbalik sa Dusa't liko..
Tao ay mapapalitan ng mga gumagalaw na kamay na bakal.. Sa paglago at pag usad Nyaring Karunungan,, Ngunit Lumawig din itong Katamaran,, Na nagdulot ng higit Pang kapahamakan..
Mawawala rin itong pera.. Mga ginto ay nasa isang Pindutan na.. Di na bibili,,gamit ang paa.. Kusa ng darating, sa Harap ng mga Aba.
Lahat ng bagay kanilang pinadali.. Ultimo bibilhing suka, May naghahatid.. Ni ayaw ng mapagod Laging nagmamadali Unti unting mawawalan na Sila ng Silbi..
Mga tao'y makalilipad.. Na di kailangan ng Mga pakpak.. Kundi isang mekanismo Gamit Na umaangat.. Di na masasayaran ng Putik ang paa,, basta't may Pang bayad,,lulutang ka..
Buhay ay hahaba.. Ngunit kapalit nama'y Mahabang pagdurusa.. Isang makinang naka-kabit Sa puso't ulo niya.. Dadalhin ang bigat sa gabi At umaga,,hanggang sa Dumating Na ipikit Ang Mata..
Isang buhay na kagaya ko Ginawa nitong tao.. Kamukhang kamukha At katulad na katulad ko.. Di manlang dumaan sa Sinapupunan ito Kundi sa isang Garapong, Pinaglalagyan ng tao..
Sakit ay mababawasan.. Sa katawan ng mga luhaan.. Ngunit hapdi ay papatay At walang kagamutan Sa kaluluwa nyaring Mga naka puting nakaratay. Pagtatangis nila'y Dama habambuhay..
At nakita kong Mga tao'y magsasa-Diyos.. Gumawa ng nilalang At kanyang inayos.. Perpektong anyong tao Ngunit bakal ang puso, Na di marunong lumuha Na siyang magpapasuko..
Na siyang magsisimula Nang giyera sa mga bansa.. Pagalingan sa isip at Teknolohiyang likha.. Dudurugin ang Bansa Ng kapwa Bansa Sa gawang mapanupil Nitong adhika..
At Magdidilim nga ang kalangitan.. Na Sa lupa'y mahabang Takip-silim ang nasilayan.. Ang mga aso'y mag Aalulong sa labas.. Sa sinag ng buwan. Na siyang tanging liwanag.
At pati mga halama'y mapapalitan.. Bulaklak na artipisyal mga Huwad ang Kagandahan.. Talulot nito'y di nalalanta,, Ngunit hindi kayang gawin sa Mga Kaluluwa..
Nakita kong umiiyak ang maraming tao.. Magsisisi sa mga ginawa nito Babalik nga yaring taga parusa,, Dito sa mga taong Suwail, Siyang huhusga..
At sisirain nitong masama Ang laman.. Nang pagka ganid at Kawalanghiyaan.. Sumisigaw sila ng Diyos,, Ngunit sa puso'y Kasakiman.. Hindi pakikinggan, Hanggang sila'y malagutan..
At Ipapahamak nga nila ang marami.. Sa kasinungalingang Tinatahi't sa dilim hinahabi.. Ihahatid nila sila sa kamatayang masakit,, Itong mga sa Diyos Ay nagsisilbi..
Mundo'y saglit na hihinto.. Sa pag ikot , sa isang yugto.. Maririnig mo'y malakas na Pagsabog,, Sa mundong ang tao lamang Din ang bubuo..
Ngunit may isang liwanag na Makikita.. Sa likod ng dilim ito ay Bubusina.. Winasak niya ang Bansang May Dragon,, Na nagpa-simuno nitong giyera..
At ang pula'y naging itim,, Dahil sa usok, na gawa nitong Baril.. Mga sumabog sa kalawaka'y Hindi mapigil,, Nagkalat ang mga Patay na Katawan, Sa ilalim nitong dilim..
At Pinarusahan sila ng Liwanag Lahat ng masasama'y may Pinaglagyan Inihiwala'y ang puti sa karamihan Ang mga itim ay nasawi kasalanay Pinagbayaran
Bulkan ay nangag sabog.. Nilamon ang lupang Pinangako.. Tumakas ang mga alipin,, Pmunta sa kabilang Dako..
Pagkatapos ng Digmaan.. Bumaba ang mga Anghel Sa kalupaan.. Lumuhod sila sa mga May tangan ng Liwanag at Kalayaan..
At Bumalik ang Araw sa Kalawakan.. Muling nagning-ning ang bituin Sa Kadiliman.. Ang lahat ng tao'y nasaksihan, Itong mga pinili't kanyang Hinirang..
Lahat sila'y namuhay Ng masaya.. Wala ng lungkot ni Kaba.. Ang Kadilima'y natapos na,, Namuhay ng tiwasay at Ligaya.. Kasama ng Diyos Ama, Sa Paraiso Dinala...