Title: "TIKBALAN"
Writer: AngPoetmo 🇵🇭
CLICK HERE TO READ THE STORY👉

Sa isang Baranggay sa Bayan
Ng Sta. Cecilia
Usap-usapan itong Mahiwaga..
Kalahating tao at kabayo ang katha
Kinatatakutang Anyo nito't,
Mukha..

Malaking boses na nakakatakot
Ang sino mang makakita'y..
mangingilabot..
Mga paang kumakalantog,
Sa daan ito'y nananakot..

"Lydia, nakuha mo bang
Pitaka ko??
(wika ni Berting sa Asawa na tila may hinahanap)

"Andiyan sa ibabaw ng aparador!,
Itinabi ko diyan nung ika'y nalasing
Sa empirador..
At baka maka-bili kapa, ay
Walang matira?!
Paano naman ang ating
Pang umaga!?,
(Tugon nitong tila sinesermonan si Berting)

"Oo na!!, dumale ka nanaman ng
Pag Litanya?!,,
Ako'y nabibingi na?!!..
Paulit-ulit ka na?,,
Aalis na muna't, magkokopra
Para may maiuwing pera't
Matahimik ka??!
(Inis na wika ni Berting)

"Maige pa nga?!
Kaysa maghapong mag inom
Sa Barkada?!
Umuwi ka lang ng maaga,
At alam mo namang hindi
Kame mapag-isa..
(Paalalang wika ni Lydia kay Berting habang itoy papalayo)

"Pareng Bert?, marami naba yang nabalatan mo??
(Tanong ng kasamang si Rudy)

"Oo pare,, pwede bang mamaya'y Bumale??
Kailangan ko lang pambili ng
Ulam at pamasahe,,
Ibawas mo nalang kapag nag
Parte?.
At nang ngumiti naman ang
Iyong kumare??..
(Pabirong wika ni Berting)

"Sige pare, walang problema
Basta't kailangan mo ay
Magsabi ka..
(Tugon ng kumpareng si Rudy na tatawa tawa)

Habang pauwi'y may nadaanan ..
Isang umpukang mga nagbibidahan..
Kwentong kababalaghan ang
Usapan.,
Tumigil siyang saglit at sumabat
Sa usapan..

"Alam mo bang kapag nahuli
Mo ang tikbalan?,
Kung saan daw ito huminto ay
May kayamanan..
Hukayin daw ito't matatagpuan
Kumpol ng Ginto't ari-arian..
(Kwento ng isa na naroon)

Ito daw ay isang taong
Namatay..
Bumalik galing sa kabilang buhay
Upang bantayan ang kayamanan,
Nag anyong Hayop, ng katakutan..

"Totoo ba yan?? (Sabat ni Berting sa kumpulan)
Hindi bat yan eh kwentong Bayan?
Na hindi malaman kung may
Katotohanan?
Kundi isang kathang isip lang
Ng nakaraan??..

"Totoo yan Berting,, (wika ng pinakaMatandang naroon)

"Ako mismo'y magpapa-totoo
Isa sa mga kaibigan kong yumao.,,
Ang yumaman, dahil dito..

"Isang gabi daw habang pauwi
Mula sa trabahong kina-gawi..
Ay may nakasalubong na tila
Kabayo mukha't Binti..
Na nananakot sa mga pa-uwi..

Humaharang daw ito sa mga daan
Upang itaboy ang dumaraan..
Nananakot itong Tikbalan
Nang sa gayo'y mapangalagaan
Ang Kayamanan..

Tumakbo siya't nagtago sa
Damuhan..
Habang ito'y pinagmamasdan..
Paikot-ikot daw ito sa pinagmulan
Hanggang sa naglaho ng tuluyan.

Isang gabi'y binalikan,,
Nitong kaibigang nasaksihan..
Ang Mahiwagang pinagpapakitaan
Andun muli ang Tikbalan..

Dahil sa paniniwalang ito'y
May hatid na kapangyarihan..
Kapag ito'y nahuli't natalian..
Ang huling lugar na titigilan,
Hukayin daw at may kayamanan.

At ganun nga ang ginawa..
Nitong kaibigan kong gala..
Hinuli ng lubid ang Tikbalan
At Saka hinukay ang tinigilan..

Laking gulat niya sa nasaksihan
Sa laman ng pinag-hukayan..
Mamahaling gamit at Ginto,,
Na siyang bunga ng Kayamanan..

"Ngunit may kapalit daw ito..
Isang kaluluwa sa pamilya mo,
Ang mag sasakripisyo..
Kapalit ng kayamanang Mahuhukay mo..

"Kwento ng pinaka matandang naroon..

KINAUMAGAHAN SA BAHAY NI BERTING

"Lydia, san nakalagay yung lubid Kong
Panali natin sa baka??
Nakita mo ba?? Hanapin mo nga
At madala?!.. (Utos ni Berting sa Asawa)

"Eto, tinabi ko talaga..
At pinaglalaruan ng mga bata..
Baka mawala kako sa mata,
Hanapin mo't magwala..

"Dadalhin ko yan,,
Akoy may pag-gagamitan,
Malay mo't dyan tayo yumaman,
Maka-alis na dito sa Kahirapan..

"Aba'y sana nga? Magdilang Anghel ka,
Nang makawala na sa Pagdurusa
(Wika ni Lydia)

Pumunta si Berting sa isa sa mga kilalang manggagamot sa lugar..
Ang tali'y pina usalan at dinasalan
Nang maging mabisang panghuli
Dito sa tikbalan..

"Eto na Berting ang tali,,
Nadalasalan na yan at nasuri..
Gamitin mo sa paghuli..
Pag naitali mo to'y, di na Makatatangi..

"Mauuubos ang lakas niya,
Ngunit di makakawala..
Sapagkat napaka-tibay ng
Salitang,Aking nilagay at inusal.
Mahihirapan ang matatalian.
(Paliwanag ng matandang manggagamot)

"Salamat ho tatang,,
Ito talaga ang kailangan ko,,
Lubid na dinasalan upang di
Makatakbo.. .
Saking kamay sya matatalian
At mapapasakin ang kayamanan..
Heheh!
(Wika ni Berting na nakangiti)

"Mag iingat ka lamang at
Dapat mong malaman,,
Kapag nakuha ang kayamanan
Ito'y may kapalit na hihingin,,
Na sa Buhay mo ay sasapitin.. "
(Paalala ng matandang mangagamot)

"Heheh,, kahit ano pong kapalit,
Basta't kami'y makatakas sa
Kahirapan..
Maluwag kong tatanggapin,
At makikipag sapalaran..
(Tugon ni Berting bago ito umalis)

Pagkatapos nito sa Koprahan
Ay agad umalis,,
Tumambay muna ng kaunti't
Nagpa abot ng takip silim..
At ng kumagat ang Dilim
Agad tinungo ang sasalakayin..

Lugar kung san nagpapakita ang
Tikbalan,
Mga naririinig niya sa usapan..
Dito daw madalas lumabas
At manakot sa mga takot na
Agad kumakaripas..

"Ngayon ay malalaman ko
Kung tunay nga..
Itong mga bali-balita..
Huhulihin kita ngayong gabi,,
At kukunin ang mga Binabantayang pag aari.
Hehehe!!
(Wika ni Berting sa Sarili habang tila sabik ng mahuli ang Tikbalan)

Kumubli siya sa isang masukal
Na damuhan.
Na halos katabi ng daan..
Palinga-linga't inaantabayan,
Pag dating nitong 'Tikbalan'

Hanggang isang tunog ang
Naulinigan..
Isang yabag ng may katulinan
Sinilip niya't nagulantang,
Isang Taong kabayo ang nasaksihan..

Tigidig-tigidig-tigidig!! Krrrrrhh!!
Rinig niyang yabag ng kabayo..
Paikot-ikot paroot-parito. .
Tila may binabantayan..
Na di ma-tali sa kinatatayuan..

Lumakad-tumakbo..
Pa-root pa-rito..
Gawa nitong taong kabayo,
Kukumuha siya ng tiyempo
Bago ihagis ang lubid dito..

At ng tumigil nga ito,,
Na nakatalikod ang pwesto..
Agad niyang hinagis sa leeg nito
Ang lubid na may bendito..

Krrrrrrrhhhh!!! Ito'y nagpumiglas
Winasiwas ang lubid na tila
Siya'y sinasakal,,
Hinila naman ito ni Berting
Upang mas lalong sa leeg
Niya'y umigting..

Huli ka!!!! Hahahah!!!
Hindi kana makakawala!!
(Sigaw ni Berting sa tuwa.)

Tumakbo ito upang tumakas
Hinila siya't kinaladkad,,
Hindi bumitaw kahit magkanda
Sugat..
Katawan niya'y sa lupa't bato
Ay nag kumaskas..

"Aaaaahhh!! Hindi kitaaa!! Bibitaaawaan!!
Masugatan na kung masugaataan!!
Akin ang kayamanannn!!!
(Sigaw ni Berting na Dama ang Sakit ng mga lapnos na balat sa pagka kalad-kad)

Hanggang sa maubusan ng lakas ang tikbalan,,
Tumigil ito sa hapo't pagkaka-sakal
Nanlupaypay sa kahinaan,,
Tumumba at naglahong tuluyan. ..

Habang hinang-hina ring tumayo
Si Berting.
Puno ng gasgas na masakit pag
Masasaling..
Warat warat ang damit,
Ngunit ngiti sa mukha'y sumilip..

Hahaha!!! Yayaman nko?!!
Nakita na ang Dulo.! .
Kung san huling naglaho?!!
Itong nahuling taong kabayo!!
Hahahah!!!!
(Masayang wika nito habang hawak ang dulo ng tali)

Bitbit ang palang Dala,
Ang paghuhukay ay sinimulan
Niya..
Sa pusod ng kagubatan pala,,
Dun nakatago ang Hiwaga..

Ni wala halos makaka-kita
Kung di matutunton ng Mata
Pagkat sa ka- liblib libliban pala
Ibinaon itong mahiwaga..

Halos lampas ulo na niya
Nahukay na lupa..
Nang may naramdamang
Kumalabog,,,
Tila isang kahong kahoy
Ang tunog..

"Huh?!,, parang ito na yata..
Isang lagayang gawa sa kahoy
Mukhang luma na't sina una..
Ngunit mukhang matibay ang
Pagka gawa..
Sa matigas na kahoy, ito'y nilikha.
(Wika ni Berting sa sarili na manghang-mangha sa nakita)

Hinukay niya ito hanggang sa
Tumambad ng buo..
Nang matapos ay ini-angat ng
Patayo..
Sa bigat nitoy nakasisigurong,
Mga metal ang laman sa loob.. .

"At nang mai-angat na.
Agad hinanap ang bukana..
Nanlaki ang mga mata..
Punong puno ng Ginto at
Lumang pera..

Hahahaha!!!
Mayaman nakooo!!!!
Salamaaatt poooo!!
Sa kayamanang bigay niyoo!!?
(Wika nitong tila mangiyak-ngiyak
Na naka luhod sa harap ng kayamanan)

Maririnig ang malalakas na
Kulog at kidlat...
Guguhit sa langit na matalas..
Tila nag-ngangalit ang itaas,,
Sa kayamanan ay, pagka-tuklas..

Itinago niya muna ito sa walang
Makaka-kita..
Kina-umagaha'y binalikan niya..
Dala ang paragos na magdadala
Pauwi nito sa bahay niya..

Laking gulat ng asawa,,
Sa mga kayamanang bitbit niya..
Sinabihang huwag mag iingay
Sa iba..
Sila lang dapat maka-alam Dal-wa..

At nagbago ang buhay nila..
Bumili ng malaking bahay
At Lupa..
Kinalimutan na ang pinag mulan
Kinain ang isip ng Yaman..

"Anu ba yan Cardo??? Tatanga-tanga ka?!!
Simpleng gagawin dipa magawa?
Sinabi ng dahan-dahanin ang
Paglagay?!!
Ayan, tignan mo't nagka basag-basag??!!!

Punyeeettaaa!! Kaaa!!?
Wala kang sahod,, at ito'y ibabawasss?!!!
(Galit na wika ni Berting sa Tauhang si Cardo)

"Ser Bert,, wag naman po?!
Yan lang po ang inaasahan ng
Pamilya ko..
Paano naman kami kakain
Kung di maka-sweldo??
Maawa naman po kayo??
(Pagmamaka awa ni Cardo)

Maawa?? Eh sakin dika naawa??
Alam mo ba kung magkano yan?!!
Kulang pang isang taon mong
Sahod?!!
Para bayaran yannn?!!!
(Galit na wika ni Berting)

At nagbago ang ugali ng pamilya
Naging sakim at walanghiya..
Di na nila nilingon ang kahirapan
Kung san, ito ang pinag-mulan..

Naging mapag parusa..
Magagalitin sa mga aba..
Naging mataas sa sarili ang tingin nila,,
Mababa naman ang tingin sa iba..

"Susan?!! Halika nga dito?!!
(Galit na wika ni Lydia)
Tignan mong ginawa mo??
Hindi mo ba alam na ang
Mahal-mahal nito??!
Tapos susunugin mo??!
Punyeeettaaa!! Kaaaa!!!
(Galit na wika nito sabay sampal sa katulong na nag plantsa)

"Pasensiya napo mam lydia??
Nakalimutan ko pong hinaan ang plantsa.. Sa pagmamadaling matapos na.. Para magawa ang utos niyo pang iba..??
(Tugon nitong halos maiyak sa lakas ng pagkaka sampal)

"Punyeeettaa!! At nangangatwiran
Kapa??!!
Ibabawas itong lahat sa sahod mo!!
Bwiiisseet!!
(Wika nito sabay talikod)

Tumulo ang luha ni Susan..
Halos madurog sa sampal at
Pag alipusta..
Kung di nga lang kailagan ng
pera'y, umalis na..
Di magtitiis sa pananakit sa Kanya..

Ngunit sila'y baon sa utang sa mag Asawa..
Matagal na panahong Pagbabayaran pa..
Matagal pang iindahin
Ang sakit at mura...

Isang araw ay nagsimula na
Mga kamalasang dala..
Malubhang Sakit ay dumapo,,
At pumatay sa Anak niya.

Tila ito na ang sinasabing kapalit
Ng kayamanang hinukay at
Binitbit..
Na manghihingi ng kapalit,,
Sa sinumang dito'y bumitbit..

Ngunit nagpatuloy sa kasamaan
Di alintana ang pinag daanan..
Mas lalong naging ganid
Sa yaman,,
Pinarurusahan ang sinumang
Susuway sa Kautusan..

"Cardo,, halika nga dito?!
Malaki pang utang mo..
At sa laki baka di kana maka alis
Dito?? Kulang pang pambayad
Ang buhay mo?!
(Wika nito habang nag ku-kwenta sa lamesa)

Ser Bert,, ibawas niyo nalang po
Paunti-unti sa sweldo ko..
Kahit papano'y maka bayad ako..
Wag niyo lang pong biglain
Ng todo,,
At talagang mahihirapan ako..
(Paki usap nito sa Amo)

Sige payag ako??! Teka nga pala?!
Papuntahin mo dito ang anak
Mong dalaga mamayang gabi,,
at may ipagagawa ako??.
Matagal-tagal pang balik ni Lydia
May ipapa ayos lang ako sa Kanya..
(Wika nitong tila may iniisip na di maganda.)

Kinagabihan nga'y nagtungo
Ang anak..
Walang alam sa mangyayari't
Balak..
Ang alam lamang ay may ipagagawa..
Na dahilan lamang at kinatha..

"Ser bert, ano pong ipagagawa niyo?
(Wika ni Maria na dalagang anak ni Cardo)

"Andito kana pala Maria,,
Sumunod ka sakin sa Kwarto at may ipagagawa ako..
(Utos nito sa dalaga)

Sumunod naman ito sa pag aakalang
may ipapaayos lang ito sa kanya..

Pag pasok nito'y, isinara agad at kinandado
Ni Berting ang pinto..
Dito'y nagtaka na ang dalagang si Maria..
Ngunit ipinanatag parin niya ang loob
Sa pag aakalang, wala itong plano at masamang loob..

"Halika dito at masahihin moko..
Sobrang sakit ng likod ko,,
Tanggalin mo't paga angin ang pakiramdam ko..

Po??! Pero hindi po ako marunong mag masahe??
(Tugon nitong tila kinakabahan)

Kaya mo yan halika at ituturo ko sayo??!!
Sabay hablot dito't inihiga sa kama..

Wagg poo!! Ser Bert?!! Maawa kayooo??!!
(Pagmamaka awa nitong ngilid na ang luha)

Mmmmhhh,, kay bango mo?!!
Hehehe,,.
Amoy ng isang sariwa...
Pinaghalong bango at asim
Kay sarap amuyin.. Hehehe!!
(Wika ni Berting na tila sabik na sabik)

Waggg pooo!! Maaawa po kayoo!!
Huhuhu!!
Uuwi napo ako!!??
(Pagmamaka awa nito habang nagpupumiglas)

"Wag kanang lumaban,
At sumunod Nalang..
Walang makaririnig,, kayat tumahan..
Heheheh!!
Mmmmmhhh,bangoo bango moo!!
Aahhhh!!

Hindi nagawang makapalag ng dalaga..,
Dahil bukod sa malaki ito ay malakas pa..
Hinubaran siya nito't nagpakasasa
Sa murang katawan nitong kaawa-awa..

At na-ilugso nga ni Berting ang Nasa..
Habang iyak naman ng iyak
Si Maria..
Walang tigil at diring diri sa mga
Ginawa sa kanya..
Na di niya pa naisip at di pa nagagawa..

Nalaman ito ni Cardo..
Galit na galit ito sa ginawa
Sa anak..
Galit at suklam ang kanyang
Nadama..
Paghihiganti ang sigaw ng
Puso niya...

"Magbabayad siya sa mga
Ginawa niya..
Sobra ng kawalanghiyaan
At pagdurusa..
Ngayon nama'y tikman niya
Ang Ganti..
Ipapalasap ko sa kanya
Ang sakit at Hapdi..
(Wika ni Cardong nag ngi- ngitngit sa galit)

Sumunod sa kamalasang
Natikman ni Berting..
Nang malamang na-aksidente
Ang asawang si Lydia..
Durog ang katawang, umilalim
Sa malaking sasakyan..
Halos magka pira-piraso
Katawan nito't laman..

"Lydiaaaaa!!! Palahaw nito sa
Punerarya..
Halos di niya na ito makilala,,
Durog na katawa'y, pinasunog
Na lang..
Ni hindi na nagawang,
Pag burulan"

"Isa isa nang kamalasan ang
Dumating sa kanya, wika ni Cardo
Sinisingil na siya ng langit
Sa kawalanghiyaan niya. .
Dapat lang niya matikman
Ang ngitngit nito,,
Nang malaman niyang
Mas makapangyarihan ang
Diyos kaysa sa tao..

Sumunod na kamalasa'y ng
Ubusin ng balang..
Mga tanim na pala'y kinain pati
Katawan..
Ni halos walang matira sa pinag
Hirapan..
Ang kawawang Berting, halos
Masiraan..

Isang gabi kabilugan ng buwan
Habang naka tingin ito sa
Kawalan..
Mga paay nagbabago na tila
Sa kabayo..
Ngusoy humaba tinubuan ng
Balahibo..


Ang buhok niya'y humaba,
Di mapigil ito..
Tumubo ang buntot sa puwitan
Nito..
Nang humarap sa salamin
Laking gulat niya,
Mukha ng isang kabayo
Ang nasa Harap niya. ..

"Hindeeee!!! Ano nangyayari sakiiinn?!!
(Gulat na wika ni Berting sa isip)

Ngunit walang lumabas na salita
Sa bibig niya,, kundi tunog ng isang
Kabayo ang nagagawa niya..
Ang mga sinasabiy nasa isip
Lamang niya..
Dina makapag salita at maipa-hayag
Ang saloobin at nadarama. ..

Tig-tigidig-tigidig -tigidig
Siya'y nagtatakbo..
At baka may makakita
Patayin ito..
Hanggang nakarating sa gubat
sa ka-tatakbo..
Kung saan hinuli niya ang
Taong Kabayo..

"Krrrrrrrrrhhh!!,, tunog nitong likha
Nagpahinga at palinga-linga..
Tila natatakot sa sasapitin niya..
Wag sanang may maka-kita,
Nasa Isip niya..
Upang di manganib ang buhay Niya..

Ngunit sa di kalayua'y may naka-kita..
Isang grupo ng magsasakang
Palinga-linga..
Matatalas na gulok ang dala-dala
Hinabol siya upang patayin
Sa takot na kainin niya..

"Tignan niyo may Aswang?!!
Nagkatawang kabayo,,
(wika ng isa)
Habulin natin at patayin..
Wag buhayin at baka tayo ay kainin
(Wika ng iba habang inilalabas ang matatalas na gulok sa suksukan)

Hinabol nila ito at sinukol,,
Nang abuta'y pinagtataga, hanggang
Katawa'y nagka putol-putol..
Hindi pa nasiyahan itoy sinunog
Kawawang Berting namatay sa isang
Malagim na Bangungot..

END

ANG PAKSA, KARAKTER AT PANGYAYARI AY PURONG KATHANG ISIP LAMANG NG INYONG ABANG LINGKOD.AT WALA ITONG KINALAMAN SA MGA PAKSA, PANGYAYARI, KARAKTER, BABASAHIN SA TOTOONG BUHAY.

PAKI FOLLOW NALANG PO NG ATING PAGE AT PAKI LIKE NADIN PARA PALAGI KANG UPDATED SA TUWING MAY BAGO TAYONG ISTORYA O POST. MABILIS KANG MA NO-NOTIFY KUNG IKAW AY NAKA-FOLLOW.

MAG-IWAN NADIN NG REAKSIYON KUNG NAIBIGAN MO ANG ATING KWENTO / POST. ISANG SIMPLENG TULONG SA ATING PAGE UPANG LUMAGO. PAKI SHARE NIYO NADIN SA INYONG MGA KAIBIGAN O KAMAG ANAK NA MAHILIG MAGBASA NG MGA KAKAIBA AT SARIWANG ISTORYA. PWEDE NIYO I SHARE SA MESSENGER, GC, GROUPS AT PERSONAL FB ACCOUNT.

MARAMING SALAMAT PO!
ANG KALIGTASAN AT KAPAYAPAAN AY SUMA-ATIN,,

AngPoetmo🇵🇭 
"Tikbalan"