Sa AMANG sagad, Ang Pag-ibig sa Lahat,, Luha niya't tuwa'y Kanyang Ihahayag..
Pag dusta't pag hamak Sa Anak niyang hinirap,, Puputungan lamang ng Tinik.. Nitong mga huwalang-hiyang Mga inanak..
Anong Sakit pa ba,, Ang mas hihigit kaya?? Na makita mong Ang anak,, Pinipitpit sa hirap..
Inalimura't sinaktan Pina-gapang sa putikan.. Nitong mga inibig, Na nadamtan ng kasamaan..
Puso nila'y pinuno Ng kasakima't liko Gumawa ng dibuho't Dini-yos ang Anyo..
Mga nag-tatag, Ng langit sa lupa.. Na gawa Sa putik, Na matutulis na Dambana..
Sanggol na banal Sa sabsaba'y pumalahaw.. Upang isigaw sa Dilim Siya Ang Dakilang Ilaw..
Na Ang sino mang tatanglaw Ng liwanag sa bughaw.. Di na maliligaw,, Hanggang sa katapusan Ng Araw..
Ibinalot sa lampin Sa sabsabang madilim.. Ginaw ng gabi'y tiniis, Kasama ng luha't pawis..
Nang inang nagluwal Bumukod sa karamihan.. Dala ang takot At sumpa nitong si Kamatayan..
Lumakad ng malayo Maitakas lamang,, Sinunod ang utos Nitong nasa Kai-taasan..
Ang pag-silang niya'y Pagbangon sa marami,, Ngunit pagbagsak naman Sa mga nanggaga-laiti.. Mahahayag ang isip Ita-tatak sa marami.. Na sasalungatin ng iba,, Na kunwari'y nagdidili-dili..
Busilak na puso niya'y Di kayang tibagin.. Di kayang padapain sa Hapis Nitong mga ngitngit Ang ngipin..
Pagkat taglay niya Ang Pag-ibig ng Ama,, Tinanggap niyang lahat Yaring sakit, pasakit, dusa.
Sing dalisay ng tubig Ang kanyang katapatan.. Sing kinang ng kristal, Na sa mga hari'y tapakan..
Luklukan niya'y Langit Dambana'y sa Kai-taasan.. Na di tulad sa kaharian Sa Lupa,, Ito'y sa langit ay Basurahan..
Na puno ng Sakim Na nababalot sa dilim,, Amuy ng insenso'y Karima-rimarim..
Mga nagbabalat-kayo Sa pagtupad sa utos nito,, Kapalit ng salapi,, Siya'y ipinag-kanulo.. .
Dala niya'y karunungang Hindi kayang tutulan.. Ni Salan-sangin,, Ng dalubhasa't paham..
Liwanag niya'y Tatanglaw Ubod-kasilaw.. Sa mga naliligaw Sa karumiha't pagnanakaw..
Hindi niya papayagang Kasamaa'y mag umapaw, Sa batis ng inumang Dinuraan ng Halimaw..
Pagkat sisingilin Sa mga huling araw,, Itong mga Tusong Nagdala sa pagka-ligaw..
Kaya't iyong tanawin Yaring liwanag sa dilim, Ng di ka magsisi't Sa pagka-Tulog