Title: "ANGHEL SA LUPA" (Part 6)
Writer ; AngPoetmo🇵🇭
CLICK HERE TO READ 👉👉👉

ANG NAKARAAN...

Habang naka tingin sa bintana'y
May narinig siya..
Balita sa Telebisyon, pumukaw
Sa Mata..
Isang madugong Holdapan
Ang napanood niya,
Grupo ng mga salarin,
Nakatakas pala..

Ayon sa Balita'y may taglay
Silang lakas...
Kakaibang kapangyarihan,
Sa kanila'y nagbibigay lakas..
Di tinatablan ng Bala ang mga
Katawan,,
Kaya't nagagawa ang pagnanakaw
Sa kung saan..

Tinitigan sila ni Oscar isa-isa..
Upang hanapin at parusahan
Ang Bawat isa.
Kasamaan nila'y di dapat lumawig
Kapangyariha'y, sa masama
Nila ginagamit..

ANG PAGPAPATULOY...

Narito ang ilan sa mga taong
Gumagamit ng Salitang
Galing sa Aklat ng Kapangyarihan.
Na ikinalat ni Lucifer sa
Sanlibutan..
Mga taong ginamit ang salita
Sa kasamaan,
At sa kani-kanilang Pansariling
Kapakinabangan..

Mga kapangyarihang,, isa-isang
Babawiin ni Oscar..
Upang hindi na ito
Mas lalong magamit pa, sa Kasamaan..

Kukunin niya ito't papawiin sa
Kanilang isipan. ..
At ibalik sila sa katwiran,Nang
Sa gayo'y ma-ilayo sila sa darating
Na Kapahamakan..

Inuna ni Oscar ang may
Kapangyarihan sa bilis at
Liksi..
Sing bilis ng kidlat kumilos, at
Magaling mana-lisi..

Ginagamit nito sa pagnanakaw
Ang angking bilis at liksi..
Kaya walang maka-huli
Sa kanyang masasamang gawi..

"Hahaha!! Pera nanaman,,
Pag ganito palagi ay bibilis
Ang pagyaman..
Diko na kailangan maghirap
Para maka-ipon ng pera..
Sa tulong nitong anting,
Sa sobrang bilis, ay
Walang makakita..
(Wika ni Harold na isa sa mga nang loob sa banko)

Nagbabad muli siya ng mga Mahiwagang salita..
Na siya namang iinumin,
Upang magkaron ng lakas
At Bisa..

"EMISAT SAO CUMAUSEOT
TACSAT ASATE MUSEGUM
LLAVE DODOMAHE SATUM
SALVAME"
(mga orasciong sinulat sa papel
At saka ibinabad sa tubig ulan
Saka iinumin)

"Bigyan nyo pako ng mas
Matinding Lakas..
Lakas na walang maka
Dadaig,,
Bilis na walang Katumbas..
(Usal ni Harold sa hangin)

"Ito ang pera't bumili ka ng
Gusto mo..
Magsawa ka sa kahit na ano,,
Marami tayong pera at di
Mauubusan,,
Bigay at kaloob ng aking
Kapangyarihan..
(Wika niya sa Asawa)

"Salamat mahal, at makakabili na
Ng mga bagong damit,
Panty at Bra..
Kahit ilang dosena ay
Makakabili ako,,
Sa Dami'y, Hindi kayang ubusin
Ang Perang ito..
(Masayang wika ng asawa ni Harold)

"Oo naman,,!? Magpakasawa
Ka,, kahit ilan..
Sa isang linggo'y may Ta-trabahuhing muli..
Tiyak na paldo nanaman,
At malaki ang ngiti..
(Pagyayabang na wika ni Harold)

'Yun eh kung makakasama
Kapa?!
Dahil ngayon ay babawiin
Ko na,
Kapangyarihan mong
Ginagamit sa masama,,
Hindi ka karapat-dapat,
Niyang Mag-dala..
(Wika ni Oscar na biglang sumulpot sa Kawalan)

"Sino kang pangahas?! Para
Takutin ako?!!!
Ni hindi manlang ako kinilabutan
Sa mga sinasabi mo?!

"Ako?, si Harold na may lakas
At Bilis?!
Ay hindi manlang natatakot
Sa mga binitawan mo't
Binanggit!!.. Hahaha!!
(Wikang pagmamayabang ni
Harold kay Oscar)

"Sa isang kurap ay bigla nalang
Itong nasa likuran ni Oscar..
Nadakot nito si Oscar at
Binuhat sabay hagis..!

Tumalsik si Oscar sa
Lakas ng pagkaka-hagis nito..

"Hahaha,!! Walang binatbat!!
Puro ka lang salita at sat-sat!?
(Pag kutsang wika nito kay Oscar)

"Aaahh!! Daing ni Oscar habang
Bumabangon sa pagkaka
Hagis..

Tumayo ito't pumikit..
Tila may kuryenteng binubuo
Sa isip..
Dahan-dahan itong tumayo,
Sabay harap sa kalaban..

"Kung gayo'y tayo'y magkaka-
Subukan,,
Kapangyarihan sa Kapangyarihan
Laman sa Laman..
Bumuka ang pakpak na tila
Sinisilaban,,
Apo'y na patulis Dito'y
Naglabasan..

Inilahad ni Oscar ang Kanyang
Kamay..
Dumaloy ang Lakas na walang
Makasasaway..
Kahit anung bilis ay mata-
Tangay..
Sa Lakas ng Kapangyarihan
Niyang Taglay..

Sa isang iglap ay nakalapit
Nga sa kanya itong si Harold..
Akmang susuntukin sa likod
Ng kamay na matilos,,
Ngunit nagulat ito ng di
Tablan,
Sabay Harap ni Oscar at itoy
Nahawakan..

Sinakal ito ni Oscar sa Leeg..
Nagpupumiglas ito sa
Nadaramang sakit..
Nagbabaga ang mata ni Oscar
Habang nakatitig sa Kanya,,
Isinuka nitong lahat ng Salita,
Kasama ng tubig na Suma-katawan
Niya..

Umagos ang mga Salita sa
Kamay ni Oscar..
Na tila may mga paang Nag-
Aakyatan..
Pumasok ito sa bibig niyang
Lahat,,
At ang kawawang si Harold
Ay pinang-hinaan..

"Waaagg mo kooong patayin
(Pagmamakaawa ni Harold)
Magbabagong buhay napo
Ako??!!
(Pagsusumamo nito)

Ibinaba ito ni Oscar sa Sahig,
Wala na ang dating kapang-
yarihan dito na dati'y nanaig..

"Magbago kana at wag nang
Bumalik sa Masama..
Magtrabaho ka't paghirapan
Ang Pera..
Manalig ka sa Diyos at Gagabayan
Ka Niya..
Hindi ka niya pababayaan, at ang
Iyong Pamilya..

Pagkatapos nito'y binura ni Oscar
Ang mga nangyari sa kanyang
Alaala..
Umalis si Oscar dala ang
Kapangyarihang sadyang
Pakay niya..

"Anung nangyari sakin??!
(Pagtatakang tanong ni
Harold sa Asawa)

"Hindi ko alam?!
Bigla ka nalang diyang suma-
Lampak sa Sahig..
(Wika nitong inalis narin ang alaala sa nangyari)

SAMANTALA SA OPISINA NI OSCAR

Apat nalang,,, isusunod ko ang
Ikalawa..
Hahanapin at sisingilin siya..
Kapangyariha'y di dapat mapa-
Sakanila..
Kukunin ko ng di na magamit
Sa Masama..
(Wika ni Oscar sa sarili)

Isinunod nga ni Oscar Ang
Ikal-wa..
Kapangyarihang hawak nito'y
"Walang Sita"..
Makakadaan ng harapan ng
Walang sumisita..
Na kahit may bantay,
Ay parang di nakikita..

Siya ang pumapasok
Sa Loob..
Bago pa nila Gawin
Ang mga pang-loloob
Kapangyarihang dapat
Ginagamit sa mabuti..
Ngunit napunta sa Masama't
Ginamit sa pang-Sasalisi..

"DOMINOS DOMINUM DOMINI
IGUS ILLOS CUESIMOS TOJOS
ISA REBESTA JESUS CURME
SANCTUS DEUS"
Mga salitang inuusal ni Ariel
Sa Hangin,
Upang sa pagdaan ay walang
Pumansin..

"Hehehe!!, paldo nanaman!!
Daig ko pang nanalo sa lotto..
Na kahit Walang taya pero
Panalo..hahah!!
(Masayang wika ni Ariel)

"Salamat sa Kapangyarihang
Sa aki'y nagpayaman..
Di na kailangan mag trabaho,
Mapapagod lang..
Ang sarap ng ganito,,
Para ka lang sumasahod
Ng tubig sa Gripo""hahaha!!

"O,, Eto!!, bumili kayo ng Alak
At magpaka-sawa kayo!!..
Bumili ka narin ng pulutan
At Sigarilyo..
Wag mag alala't ang lahat
Ay Sagot ko..
(Wikang pagyayabang ni Ariel)

"Ayos ka talaga boss Ariel!!
Hahah!! (Masasayang tugon ng mga tropa ni Ariel)

"May susunod kaming trabaho,
Mas malakihan to!!,,
Tiyak na mas lalong paldo!
Mapupunong lalo ang bulsa ko,
Babaha lalo ng Alak dito!!
Hahahah!!
(Wika nitong nag uumapaw ang kaligayahan)

Walang makaka-hadlang
Na kahit sino,,
Walang makakapuna dahil
Sa kapangyarihan ko!!!
(Pabidang wika muli nito)

"Yun ang Alam mo?!!
(wika ni Oscar na bigla nalang sumulpot sa likuran)

Sino ka?!! At pano ka nakarating
Dito??!
(Gulat na tanong ni Ariel)

"Hindi na importante kung
Sino Ako?!
Ang itanong mo ay kung anong
Pakay ko??!
Kukunin ko na ang kapangyarihang
Ginagamit mo sa kasamaan,,
Hindi ka karapat-dapat humawak
Niyan.!!
(Pagdidiin ni Oscar)

Hahaha!! Pinatatawa mo ba ko?!
Yan eh kung ang mga bala
Ay iyong makakayanan??? Hehe
Mga Bata!!! Tirahin yaannn!!!
(Pasigaw na utos ni Ariel)

Pinaulanan nila ng Bala si Oscar,
Ngunit, tila nagsayang lang sila
Ng Laman..
Ni hindi ininda at tinablan,,
Gulat ang lahat at nagka-
Tinginan..

Anung klaseng Demonyo kaa!!??
(Manghang wika ni ariel)

At nag ilaw ang mata ni Oscar..
Ng ubod liwanag..
Binuka ang kamay at inilahad
Isa-isa silang lumutang sa ere..
At inilapit na animo'y ginamitan
Ng Bato-balani..

Takot ang nangibabaw sa
Mga ito..
Nagmaka-awa silang lahat
Dito sa Dayo..
"Wag mo kaming papatayin!!
Parang Awa mo na?!!
Kaming lahat ay may pamilyang
Umaasa..

Pag pinatay mo kami'y kaawa-
Awa sila
Sino pang bubuhay sa maiiwang
Bata..?
(Pagmamaka-awa ng isa sa kanila)

Ibinaba niya ang mga ito't itinira si Ariel..
Bumulong siya't ang lahat ay naidlip..
Upang di masaksihan ang kanyang
Gagawin..
Ng walang maka alam ng
Kanyang nakatagong Lihim..

Hinawakan niya sa leeg si Ariel
Para isuka nito ang mga salitang
Kinuha sa papel..
Unti-unting lumabas dito ang mga
Salitang kulay Ginto,
Pumasok sa katawan ni Oscar
Na unti-unting nanglalabo..

Parang may mga paang
Lumalakad..
Isa-isang dumidikit sa kanyang
Balat..
Na parang mga Apoy na
Dumidiklab..
Sumuot itong lahat sa kanyang
Balat..

Nang maubos ng mga salita'y
Nanghina si Ariel..
Wala na ang Lakas, at ang
Kapangyarihang taglay..
Sa sobrang kahinaan, itoy
Napa handusay..
Hinang hina't lupaypay..

'Magsisi ka na't wag ng uulit..
Ang kasamaa'y inyong iwaglit..
Dahil kung hindi ako'y babalik
At ang kamataya'y sa inyo
Sasapit..

Pagka sabi nito'y binura na niyang lahat ng nasaksihan nilang kamangha-mangha sa alaala..

Matapos nito'y umalis na si
Oscar..
Iniwan silang pikit at naka handusay..
Bura na sa kanilang isip
Ang mga pangyayari,,
Ngunit naka-tamim na sa
Isip ang paggawa ng Mabuti..

Pinuntahan ni Oscar ang ikatlo..
Kapangyarihan naman nito'y
Sa Hipnotismo..
Napapasunod nito ang kahit sino,
Mga babae na madalas, na
Biktimahin nito..

"ORUM RALUM OPSOAM MEGOM
ACSO TAAM SALABAR MAUM
CRUX SAWTOR ATAR AMATOR
YUM YUM IYAM HUM
LLAVE SATOR SURCA URCA JAC
usal nito sa Hangin, upang ang
Babae'y pasunurin..
Sa kahit na anong nais niyang
Gawin..

Maghubad ka..!! At susunod sa lahat na aking sasabihin..
(Pabulong na wika ni Keon sa Babaeng tila tulala)

At naghubad nga ito sa harap Niya..
Tinanggal ang suot na panti at Bra..
Bumulaga ang alindog at ganda,,
Makinis at maputing balat nitong
Aba..

Mmmhhh!! Ambango mo..
Mmmhh!! Kay sarap simsimin
Ng amoy mo...
Kapana-panabik na tukso..
Ang aking init ay ilulugso..
Ooohhh!!
(Sambit ni Keon na nasasarapan)

Siniil niya ito ng halik na madiin..
Dahan dahang,, gigil na gigil..
Mula sa labi hanggang sa paa..
Sabik na sabik sa kanyang ganda..
Ummmhhh!!

"Tigilan mong ginagawa mo!!!
(Isang wikang nagmumula sa dilim)
Napa-igtad ito't, biglang hinagip
Ang kumot sabay sa hangin..
Sino ka??!! Punyeeettaaa!!
(Galit na wika nito, sabay apuhap sa baril)

"Umalis ka dito!! Kundi papatayin
Kitaa?!!
Anung pakay mo't nakapasok ka?!
(Gigil na wika ni Keon)

Umusal si oscar ng salita upang
Bumalik sa normal ang babae,,..

Diyos ko?!! Anung ginagawa ko dito??..
Hayup kaa?! Anung ginawa mo sakin??
(Dali-dali itong nagdamit at tumakbong paalis.)

Hinarap naman ni Oscar si Keon..

"Walanghiya ka??!!
Sino ka?? Para pakialaman ang
Ginagawa ko ha??
(Galit na wika ni Keon)

"Ang ginagawa mo'y mali?!!,
Tumigil kana habang hindi pa
Huli.!
Kukunin ko ng kapangyarihang, Sayo'y umalipin..
Na nagdala sayo sa kasamaan
At Dilim..
(Wika ni Oscar)

"Hahaha!! Ito ang ibibigay ko sayo!!
Gagooo!!!
(Sabay kalabit ng gatilyo)

Ngunit nagsayang lang siya ng
Bala..
Ni isa dito'y walang nagpatumba..
Nag-ubos lamang ito sa wala,,
Ni isa sa mga ito'y walang
Nagawa..

Nilapitan siya ni Oscar sa Kama..
Mula sa dilim, nag iilaw ang Mata
Umuusok pa ang katawan sa tama
Ng Bala..
Nginig at takot ang kanyang Nadama..

Lumayooo ka skeen!! Demonyoo!
(Nangangatal na wika nito)

Hinawakan niya ito sa leeg,
Inangat sa hangin na nginig..
Bumuka ang bibig nito't
Naglabasan,,
Mga salitang kanyang
Dinadasalan...

Pumasok lahat ng ito sa
Katawan ni Oscar..
Pinalabas, Salitang maka-
Pangyarihan..
Upang di na nito magamit
Sa masama..
Pang aabuso at panghahalay
Sa mga walang magawa.

"Waggg mokooong papatayiin?!!!
Parang awa mo naaa???
Magbabago nako't tatalikuran na..
Mga masasamang,, ginagawa sa iba..
(Pagmamaka-awa nito kay Oscar)

"Magsisi at magbago...
Hindi pa huli para sayo..
Ang masamang itinanim ay masama rin ang aanihin,,
Ang naghahasik ng kabutihan,
Kabutihan din ang darating.. "

Sabay bura ni Oscar ng nasaksihan
Nitong naganap bago umalis..

SA BAHAY NINA OSCAR

"Mahal?! Halika na't naka hain
Na sa mesa..
Wag nang antaying lumamig,
Pumarine na..
(Aya ni Criselda kay Oscar mag-hapunan)

Binuksan niya ang Telebisyon at inilagay sa Balita..

"Mga Balita ngayon,, sumuko na ang tatlo sa limang suspek sa serye ng panglo-loob sa mga banko sa kamaynilaan... "
(Rinig niyang wika ng tagapag-balita)

"Mabuti naman at sumuko na sila..
Pagbabago sa sarili, sanay mag
Tuloy-tuloy na..
(Wika sa isip ni Oscar habang kumakain)

"Ang Sarap naman nito mahal??!,,
Ang kain ko nanama'y Mapaparami,
Sing Sarap mong magmahal,
Kaya ayokong mawala ka
Sa aking tabi..!?
(Paglalambing ni Oscar kay Criselda)

"Sus!! Dumale nanaman ang Bolero.?!
Kumain ka nalang ng kumain dyan
At tigilan ng pambobola mo?!
(Wika ni Criseldang tila kinikilig)

Kina-umagaha'y maagang umalis si Oscar..
Ang ika-apat at ika lima'y malaya
Pang namamasyal..
Dala ang kapangyarihang
Ginagamit sa Dahas..
Kailangan niya itong matunton
At papanagutin sa Batas..

"Hoy?! Boyet!!,,
Narinig mo ba sa balita??
Sumuko na yung tatlong
Kasamahan niyo?!,
Ang natitira nalang ay ikaw
At si Crispulo..
Mukhang nanganganib na
Ang mga buhay niyo!?..

Hahaha!!! Nanganganib??!, Ako?
Malabo yang inaakala mo!!
Sapagkat ako'y protektado!!
Ng mga anting sa katawan ko!!
Hahaha(pagmamayabang ni Boyet sa kausap)

"Sige?! Tagain mo ko?!
Kahit pinaka matalas na gulok mo?!
Hindi niyan kayang Masugatan Ang balat ko?!
Dahil sa Anting sa kabal-kunat na Dala ko.. (Wika nito sabay usal ng Orascion)

"AMSIOTAM IPOCSO KAMAD
HAP-HAPICUB RUCOB BAID
NAP-RAP"
sabay taga sa kanya ng kausap,..

Ngunit sa di maipaliwanag na
Dahilan,, Balat niya'y di tinablan..

"Napaka kunat ng Balat mo?!!
Ni hindi nasugatan sa Taga ko!!?
Parang makapal na Goma sa kunat,
Gulok at sandata'y di tatalab..
(Manghang wika mg kausap)

Hahaha!!! Sabi ko naman sayo?!
Walang matalas na sandatang
Makaka-sugat sa akin!?
Kahit pa ang pinaka matalas sa
Mga ito..
Sapagkat ang katawan ko'y Inusalan,,
Ng matinding Orascion upang
Di tablan..
(Pagyayabang muli ni Boyet)

Nakamamangha talaga,
Taglay na anting na dala..
Kaya pala andami niyong
Nanakawang Banko,,
Sobrang titindi ng mga dala
Niyo?!
(Manghang wika nito)

"Ngunit dito na natatapos ang
Kayabangan mo!!,,
(Biglang sabat na wika ni Oscar na galing sa kawalan)

"Huh??! At sino kang pangahas?!!
Na bigla nalang lalabas at
Bubulalas??!!
Hindi mo ba ako kilala?!!!
Ang lakas ng loob mong
Magsalita ah??
(Galit na wika ni Boyet na tila nabigla)

"Hindi na mahalaga kung sino ako..
Ang kailangan ko'y ang nasa-saiyo
Kapangyarihang, sa masama ay
Ginagamit mo!!..
(Sagot ni Oscar)

Ah ganun ha??!!
Kinuha nito ang Samurai na ubod
Ng talas..
Iwinasiwas kay Oscar na Pangahas..

Ngunit laking gulat nito
Nang nawala,
Naglaho si Oscar na parang bula..

Paglingon nito'y nasa likod na niya
Si Oscar ay nahawakan siya..
Sa sobrang init ng kamay nito,,
Nabitawan niya ang Sandata..

Ahhhh!! Para akong sinusunog!!
Bitawaaan mo akoo!!
Isa kang demonyooo!!
(Sigaw ni Boyet na tila sinisilaban)
Habang nagtatakbo namang papalayo ang kaibigan..

Hinawakan siya ni Oscar sa Leeg,
Inangat ito habang naka-titig..
Sabay buka nito ng Bibig,,
Hinigop ang kapangyarihan
Ni Boyet..

Halos maubos ang lakas,,
Hirap na itong huminga't
Nagpupumiglas..
Binitawan lang ito ng ubos na,,
Mga salitang kusang lumalabas
Sa bunganga..

"Magsisi ka na't magbago..
Mas masarap mabuhay ng
Malayo sa peligro..
Baguhin ang buhay at lumayo
Sa demonyo,,
Hindi pa huli ang lahat
Para sayo.. "

At binura rin ni Oscar ang lahat ng mga nasaksihan..

SAMANTALA SA BAHAY NG IKA-LIMA SA GRUPO

"Sumuko na pala ang tatlong Gago!?
Mahihinang nilalang ang mga
Sira-ulo?!
Naturingang may anting na
Taglay?!,,
San kaya ang mga tapang
Nailagay?!..
(Wika ni Crispulo habang nanood ng Balita)

"Crispulo!!?, (tawag ng asawa nito)
Naka-hain na sa mesa, kumain na Tayo!,,
Tigilan mo na yang paghimas sa
Baril mo,,
Hindi ka paba nasisiyahan sa
Kayamanan mo??

"Kulang pa yan mahal ko,!
Isang banko nalang at titigil
Na ako..
Pupunta tayo sa lugar na malayo,,
Dun na tyong magsisimulang
Muli pangako..
(Wika ni Crispulo sa asawa na tila nag-iisip)

"Sana nga,, para matahimik narin
Ang buhay ko,,
Wala ng ginawa kundi intindihin
Ka..
Samahan ka sa hirap at tamasa,
Kahit na ang kapalit sa puso
Ay dusa?!
At ang pinaka masakit ay ang
Kunsensiya...
(Wika nitong ngilid ang Luha)

"Magbago kana Crispulo..
(Isang wikang galing sa Kawalan)

Sino ka???! At pano ka nakapasok
Dito??!!
(Gulat na wika ni Crispulo sabay kasa ng Baril)
Sa tabi nama'y nginig sa takot ang Asawa nito..

"Palayuin mo ang asawa mo
Crispulo??!
Hindi siya kasali dito!!,,
Ito'y tungkol lamang sa akin at
Sayo,,
Kaya ilayo mo siya sa gulo..

Pinalabas nga ito ni Crispulo
Na Balot ng takot na umiiyak..
Upang hindi nito masaksihan
Ang lahat..
Pinatulog siya ni Oscar sa labas..

"Ang pakay ko'y ang iyong
Anting na taglay..
Na ginagamit mo sa pagsalakay
Di tinatablan ng bala ang taglay
Kaya malakas ang loob,
Sumalakay.

"At sino kang hangal na ako'y
Pag uutusan??
Ni hindi nga kita kilala,
Wag mo akong subukan!!
Umalis kana habang ako'y
Di pa napupuno,, kung hindi ay Babarilin kita sa nguso!!
(pagbabantang wika ni Crispulo kay Oscar)

"Yan ba ang gusto mo??
Mabuhay sa masama, at kumain
Galing sa masama??
Hindi kaba nakukunsensiya Niyan??
(Wika ni Oscar)

Wala kang paki-alam sa Buhay
Ko!!!?
Sino ka para pang himasukan
Ako??
Ito ang tikman mo!! Gagooo!!
(Sabay kalabit nito sa Gatilyo)

Naubos ng bala niya ngunit
Walang nangyari,,
Isa isa lang itong tumilamsik
Sa sahig..
Tulad ng kapangyarihan niyang dala,,
Di rin ito tinatablan ng Bala..

Huh??! Hindi ka rin tinatablan??
(Pagtatakang wika nito)

Ngunit bago pa siya nakapag salita muli ay nahawakan na siya
Ni Oscar sa leeg,,

"Ilabas mo ang salita at magbago
Kana..
Kukunin ko na ng di magamit
Sa masama..
(Wika ni Oscar habang itoy sakal-sakal)

Sa sobrang higpit ng pagkaka
Sakal ay iniluwa nito,,
Ang anting na gamit at
Proteksiyon sa ulo..
Pumasok itong lahat sa
Katawan ni Oscar,,
Mga Salitang binibigkas at
Inuusal..

Pagkatapos nito'y tila hinang-
Hina..
Katawan nito'y bumagsak bigla
"Wag mo akooong patayiin!!??
Bigla nitong nawika..
Gusto ko pang magbago,, Nabigkas nitong Bigla..

"Bigyan mo pa ko ng isang pagkakataon,
Para maituwid ang buhay kong
Naging patapon..
Naligaw ako ng landas,,
At ang masamang daan ang aking
Tinahak..
(Wika nitong nagsisisi)

"Tutal naman sayo na nanggaling?
Mga katagang nais marinig..
Sumuko ka't magbagong buhay,
Tutulungan ka ng Diyos, na siyang
Magiging Gabay..

Sabay bura sa mga nasaksihan nito sa alaala..
Ganun din ang ginawa nito sa kanyang asawa..

Pagpasok nito'y wala na si Oscar,
Tila nagulat pa ito sa asawang
Naka handusay..

"Hoy!!! Crispulo?!
Kakain na. Tayo, humiga kapa diyan?!!
Umalis lang saglit ay natulog kana?
Halika na't ang kanin ay bahaw na!?

Oo na?!,, inis na wika ni Crispulo na
Pupungas-pungas pa sa mata,
Na tila di na tanda ang mga nangyari..

KINA-UMAGAHAN SA OPISINA NI OSCAR

"Ser Oscar may bisita po kayo,,
Nagbalik ang magandang
Binibining ka-kilala niyo..
Ubod ng Ganda at Bango
Halimuyak ay di maalis dito..
Heheh! (Wika ni Juliet na secretarya ni Oscar)

"Oscar, kamusta! ?? Bungad nito sa kanya..

Erikaaaa??,, nagbalik ka?!

Sundan ang mga kapana-panabik pang istorya ng Anghel sa Lupa!!

ABANGAN.. ‼

IPAGPAPATULOY.....

ANG PAKSA, KARAKTER AT PANGYAYARI AY PURONG KATHANG ISIP LAMANG NG INYONG ABANG LINGKOD.AT WALA ITONG KINALAMAN SA MGA PAKSA, PANGYAYARI, KARAKTER, BABASAHIN SA TOTOONG BUHAY.

PAKI FOLLOW NALANG PO NG ATING PAGE AT PAKI LIKE NADIN PARA PALAGI KANG UPDATED SA TUWING MAY BAGO TAYONG ISTORYA O POST. MABILIS KANG MA NO-NOTIFY KUNG IKAW AY NAKA-FOLLOW.

MAG-IWAN NADIN NG REAKSIYON KUNG NAIBIGAN MO ANG ATING KWENTO / POST. ISANG SIMPLENG TULONG SA ATING PAGE UPANG LUMAGO. PAKI SHARE NIYO NADIN SA INYONG MGA KAIBIGAN O KAMAG ANAK NA MAHILIG MAGBASA NG MGA KAKAIBA AT SARIWANG ISTORYA. PWEDE NIYO I SHARE SA MESSENGER, GC, GROUPS AT PERSONAL FB ACCOUNT.

MARAMING SALAMAT PO!
ANG KALIGTASAN AT KAPAYAPAAN AY SUMA-ATIN,,

AngPoetmo🇵🇭