Title: "ANGHEL SA LUPA" (Part 8) Writer: AngPoetmo 🇵🇠CLICK HERE TO READ THE STORY👉👉
ANG NAKARAAN
Habang nagkakape'y binuksan Ni Oscar ang Telebisyon at Nanood ng Balita..
"Sunod sunod na pagpatay Sa mga kalalakihan,, Ine-imbestigahan... Ayon sa mga Otoridad tila Iisa lang ang Salarin Sa mga sunod-sunod na Pagpatay"... Samantala sa ibang balita.. (Rinig niyang sinasabi ng tagapag-balita sa telebisyon)
"Sino kayang may kagagawan Nito??,, Kailangan ko pang hanapin Si Erika.. Hanggang ngayo'y wala pang Balita sa Kanya.. (Wika ni Oscar sa sarili habang nakatanaw sa malayo)
SAMANTALA SA KAHARIAN NG KADILIMAN
"HAHAHA!!!! Mukhang Tagumpay ang Paghahasik ng lagim ni Erika.. Magaling Matanda!!!! HAHAHA!!! ( wika ni Lucifer sa Matandang Anghel na masayang masaya sa tagumpay na plano nila, upang sirain si Erika at maghasik ng Galit at Lagim)
"Hindi matatagpuan Ni Oscar ang kanyang Kinaroroonan, Sapagkat parehas na sila ng kapangyarihan ngayon. Liban kung siya'y matiyempuhan Sa kanyang ginagawa... (Wika ng Matandang Anghel Habang nakatanaw sa Kawalan)
SA BAHAY NINA OSCAR
"Aalis nako Mahal mag-ingat Ka dito.. Pahalik nga ng isa at ibabaon ko,, Mmmmmhh!! Ang Sarap at Kay bango-bango Mo!? (Wika ni Oscar habang nakayapos kay Criselda)
"Kow!?, dumale nanaman ang Bolero?!,, Ako'y sayong sayo Pagkatandaan mo! Hindi magmamaliw ang Pag ibig kong ito.. (Masayang wika ni Criselda na tila Kinikilig)
Ang Pag ibig ni Oscar at Criselda Ay sinubok na ng Maraming Pangyayari.. Ngunit nanatili silang sa isa't isa Ay magkatabi.. Sumpaang hindi magwawakas Kailanman.. Mamahalin ang isa't isa Magpakailanman..
SAMANTALA SA ISANG BAYAN AY NANALASA ANG PAGHIHIMAGSIK NI ERIKA SA MGA TAO"
"Pare?! ang gandang babae tignan Mo,, Mukhang satin nakabaling ang tingin ng Mata nito.. Lapitan natin at makipag kilala tayo?? Sa ganda niya'y nabihag ang mata Ko..
"Magandang umaga binibini?! Tila may ina-antay kang dumating? Ito ba'y iyong, ginigiliw?? Ang aking tanong ay wag Masamain.. (Tanong ni Gerald kay Erika na nagpapanggap naman sa ibang kata-uhan)
"Ahh, hindi ginoo,, nagpapalipas Lang ng oras dito.. Bago lang kase sa lugar nato Kaya, ito naninibago?! (Nakangiting tugon nito na kunwari'y walang alam)
"Ah, ganun ba? Ako nga pala Si Gerald at ito naman si Francis Taga rito kami sa malapit., Dito na kami lumaki parehas At nagka isip,, Kung may tanong ka, ay wag Mahihiyang lumapit.. (Wika ni Gerald sa dalaga)
"Salamat,!? Ako nga pala si Jenny, Bago lang ako ditong Nagta trabaho... Medyo wala pang alam at lito.. Sa mga pasikot sikot sa Lugar niyo.. (Tugon ni Erikang Nasa Bagong katauhan na Jenny)
"Jenny ako ng mag papasyal sayo Dito,, Ako nama'y binata at isang taga-rito.. Lahat ng Gusto mo malaman Ay ituturo ko, Kahit ano sabihin mo?! (Sabat ni Francis na tila, pinasalingan si Gerald na may kasintahan na)
Napatingin ng masama si Gerald kay Francis.. Magkaibigang tila magkaka- Iringan dahil sa Pag ibig.. Ang tukso ni Erika'y tila Talab agad.. Pagsasabungin ang sa kanya'y Naging Alagad..
Isang araw ay tinawagan ni Francis si jenny para mamasyal.
"Ang ganda talaga dito,, naaaliw Ako.. Ang ganda ng paligid at ang Babait ng mga tao,, (Nakangiting wika ni jenny kay francis)
"Oo naman jen,, sanay dito kana Mamalagi.. Para lagi kitang makita't makatabi.. Sa iyong mata'y napako ang tingin.. (Pabirong wika ni Francis)
"Salamat,, Teka si Gerald nga pala Kamusta? Parang di ko siya nakikita?? (Tanong ni jenny na tila hinahanap si Gerald sa paligid)
"Wag mo ng hanapin yon,, abala yun sa kanyang kasintahan... Wag kang magpabola dun at tiyak Masasaktan.. At baka ang mangyari'y maging Luhaan.. (Wika ni francis na padaplis na sinisiraan ang kaibigan)
"Ganon ba?ahaha,, naku patay tayo Diyan,, (Napatawang wika ni jenny)
'Anung Sabi mo??!! (Biglang sabat sa likuran ni Gerald) Walang hiyaa kaa?? Itong sayo?! Ummhh!!
Dina na nagawang makapagsalita ni Francis sa biglang pag suntok ni Gerald,, Nag pambuno at nagpa gulong-gulong sila sa damuhan. Hindi tumigil hanggat di pinanghinaan.. Habang tuwang tuwa naman si erikang nasa ibang kata-uhan..
"Hahaha!! Sige magpatayan Kayooo?!! Sapagkat ako ang dakilang tukso,, Ang sisira sa Pag ibig ng tao,, Tikman niyong paghihimagsik Ko.. Namnamin niyo ang pait sa puso!!
Biglang naglaho si jenny sa Tagpong iyon.. Inawat naman ng mga saksi Ang dalawang maton.. Pagkaka ibiga'y nasira,, Sa isang lamang masarap Ay inakala..
Lumipas ang araw at lalong sumidhi ang galit sa dalawa,, Pasaringan at siraan nangibabaw Sa kanila.. Hanggang sa dumating sa tagpong sukdulan na,, Na halos magpatayan na, Silang Dalawa..
Hanggang sa umabot ito sa Kasintahan ni Gerald.. Galit na galit ito sa mga naririnig Tungkol sa kanya, Nagdesisyon itong iwanan Siya, Na lubos na dinamdam nitong Isa.
"Araw at gabi siyang nag lasing Di matanggap na wala na Ang giliw.. Tila tinabangan na sa buhay niya Nalulong sa bisyo sugal at Droga..
"Bwiseeet! talo nanaman!! Lubog na ako sa utang.. Di na makaka ahon sa babayaran!! Kailangan kong gumawa ng paraan..
"Hoy kolokoy mag bayad kana?!! Ummhhh!!! (Biglang wika ng nasa harap sabay bigwas sa panga niya) Gago ka?!! Nasan ang droga??!!
"Arrghh! Naubos ko sa sugal patawad!!?? Gagawa ako ng paraan,, Magbabayad ako Sa anumang Paraan.. (Wika ni Gerald na hawak pa ang panga sa sakit ng sapak)
Gago ka?!! Papatayin kita pag Di ka nagbayad?!! Gumawa ka ng paraan at ibalik Agad?!! (Galit na wika ng nasa Harap)
Umalis ang mga itong handusay Pa si Gerald.. Gulong gulo ang isip sa Kinakaharap.. Hindi niya alam kung paano Makaka bayad Sa sindikatong kanina'y kaharap
"Hanggang naisip niyang Gamitin si jenny, Sa ganda nitoy tiyak na di Tatanggi,, Kapalit ng kanyang utang Ito'y ipanghahalili Upang gamitin at ipagbili..
Pumayag ang sindikato Sa kanyang naisip,, Tila ang mga ito'y nananabik.. Pinadala niya kse ang litrato Ni jenny Na ubod ng Ganda at ubod ng seksi..
Isang araw ay inaya niya Na mamasyal kasama siya Walang kamalay malay na Dinala, Sa isang lugar na walang Makaka kita..
"Anung lugar to Gerald?? Bakit dito tayo nagpunta? Akala ko ba'y sa maganda? Bakit parang walang katao-tao't Mukhang nakaka-kaba..
Nang biglang...
"Hehehe!! Yan naba si Ganda?! Wooowww!! Hahaha!! Panalo ang Katawan!! Hahaha!! Bayad kana?!!! (Wika ng isa sa sindikatong Animoy sabik na sabik na Aso sa nakitang dalaga)
"Kayo ng Bahala sa kanya. (Wika ni Gerald na di makatingin Kay Jenny)
Sino kayoo?? Gerald ano to??!! Walanghiya kaaa!!? Ipinain moko?? (Galit na wika ni jenny habang lisik ang matang naka tingin kay Gerald)
Dinakma naman agad ng mga Demonyo si Jenny,, Gigil na gigil at atubili,, Habang ang isa'y inaamoy pa siya Sa Kili-kili.. Nagpupumiglas naman itong si jenny..
Mmmmhhh!! Ayosss!! Hahahah!! Ambango nito!?? Walang maamoy Sa kilikili mo, kundi purong Bango!! Hehehe!
Bitaaawaan mokooo!! Hayup kaaa!!! (Galit na nagpupumiglas itong si jenny)
'hahaha!! Bayad kana Gaga!! Ang katawan mo ang kapalit Sa utang niya?! Ngayo'y lasapin mo ang sarap! Dito mo matitikman sa kaharap!! Hahaha!! Luhodddd!!! Suboooo!!! Hehehe Ganyan ngaaa!! Mmmmmhh!! (Utos nito sa kanya na napaluhod sa sabunot.. Habang ang dalawa Nama'y humihimas sa maselang parte ng kanyang katawan..)
Nang biglang pumalahaw sa sakit Itong nagpa subo ay naghihiyaw Sa Hapdi,, Putol na pala ang kanyang Ari.. Kinagat ni Jenny at tumayong Naka ngisi..
Hihihihi(tawa nitong tila luka luka) Ang dugo'y umaagos pa sa Kanyang mukha.. Hawak ang aring putol? Hinagis ito't tumawang parang Ul-ul..
ADRAN YNILILIRIM PERDISIONIM PROCULTES BULHOM YGULHUM VACHOM BOHOM SARE DEUS SOC COLIBIRINPA COHIKIANG KALINIG KITIG LLAVE: CICTIVI CIGNUM ELECTI ( Usal nitong si Erika na nasa katauhan ni Jenny)
Kidlat at kulog ay maririnig.. Nakaka sindak at nag-ngangalit Nag apoy ang paligid.. Takot sa mga ito'y namayani!!
Aaahhhh!! Ang sakittt!! (Palahaw ng Naputulan ng ari, habang sumisirit ang dugo sa kamay)
Demoyooo!! Sigaw naman ng dalawa,,
Lisik na lisik ang mata ni Jenny Titig na titig at galit na galit.. Nang mahagip at makontrol sa hangin ang isang kawad.. Binuhol ito sa leeg ng dalawang nagmamaka-awa...
Pahigpit ng pahigpit Sa kanilang leeg pinakapit.. Nagluwaan ang mga mata,, Dila'y nangag-lawit. ..
Hanggang sa dugo'y umawas.. Sa ilong at bibig tumagas.. Nanigas ang mga katawan, Namatay ng dilat ang mata sa Kina-bagsakan..
Binalingan naman niya Ang isa,, na siyang nagpapasubo Ng ari kanina.. Na-hagip naman niya ang Kawayan,, Na isinalpak niya sa bunganga..
Aarrrrgghhh!! Arrrghh! Ang maririnig dito,, Nabubulunang wika nito Sinagad naman ni jenmy ang Kawayan.. Nag tagasan ang dugo sa Katawan..
Iniwan niya itong mga dilatan Kalunos lunos na kamatayan Bumaha ng dugo sa Pinangyarihan.. Karumal dumal na kamatayan.
Tatlong kaluluwa ang nahigop, Na ikukulong sa kadiliman Ng balantok.. Ito ang kanyang misyon,, Dalhin sa impyerno ang Malilipol..
Sinunod naman niya si Gerald, Na tila normal lang ang lakad Walang mababakas na pagsisi Sa ginawa nitong tila bingi..
"Nagulantang ito ng makita si jenny.. Na puno ng dugo ang sarili.. Naka tawa ito sa kanyang harap Na tila alam niya ng magaganap.
"Jenny patawarin mokooo!!?? Nalugmok ako sa bisyooo!!! Hindi ko gustong mangyari to, Wala nakong alam, nabulag ako..
Hihihi!! (Ngisi na animoy luka ni jenny,,) Ngayo'y huli na para sa pagsisisi!!! Lasapin mo ang sayo'y igaganti!!! Hihihihi!!
Nahawakan siya sa leeg ni jenny Inangat sa sahig binigti.. Dinukot ng matulis na kuko ang mata.. Tinanggal ito't, sa dugo'y lumuha Siya..
Waaaagggg!!! Aaaaahhhhh!! (Sigaw nitong tila nabubulol sa sakit..)
Hanggang sa ang mga paa'y umunat na tuwid na tuwid.. Binitawan niya itong wala Ng imik.. Puno ng dugo at handusay sa Sahig.
Sumunod na araw si francis Naman.. Inakit nitong anghel ng kadiliman Niligaw ng landas at daan Naging marupok sa kasalanan.
Tinawagan niya itong Pumunta sa bahay.. Nagpanggap na may sakit At nakaratay.. Upang akitin ang Pakay.. Agad naman itong tumugon At sumakay..
"Jenny?? Anong nagyari sayo?? (Habang naka titig sa katawan ng Dalagang nakaratay at pawisan)
"Masama ang pakiramdam ko Francis... Samahan mo ko't pakiramdam Ay Pagaangin.. (Wika ni Jenny na nagpapanggap na may sakit)
Hindi napigilan ni Francis ang Tukso sa harapan.. Na tila naka haing pagkain Kung titigan.. Nabulag siya ng kamunduhan, Natangay ng Kahinaan..
"Mmmmhh,, siniil niya ito ng halik Tila sabik na nanginginig.. Haplos na ma-iinit,, Sinisilaban sa pananabik..
Hanggang sa mahubaran,, Tumambad ang kaangkinan, Lalong nag sumidhi sa harapan Nahumaling sa sarap nitong Laman..
Ahhhh!! Ooohh,, Mga ulos ay maririnig.. Langitngit ng kama sa sahig.. Ng matapos na'y napapikit.. Sa sarap ito'y naidlip..
Paggising nito'y wala na si Jenny Nagulat ito't hinanap ang katabi.. Di niya na ito nakita pa.. Ngunit sariwa ang sarap sa alaala..
Isang araw habang umiihi, Nagulat ito't nanginginig Lumabas na likido'y mabaho Na Pinag halong nana at dugo..
"Diosko po ano ito?? Bakit ganito ang ihi ko?? Mabahong amoy at may dugo?! Anung nangyayari sa ari ko??
Nilagnat ito at nakadama ng Panghihina.. Nararanasan ay lalong lumala, Pumayat at nawalan ng gana. Nalubog sa pagdurusa..
Nagpatuloy ang kanyang sitwasyon, Na halos wala ng tigil ang pag labas.. Ng mabahong likido sa harap Nagpa nipis ng katawan sa hirap..
Lumala ng lumala Mata niya'y lumuwa,, Isang sakit ang tumama,, Na nagpa sidhi sa dusa..
Hanggang isang araw ay Di na kinaya,, Sakit sa katawang nadarama Kinapos na ito sa hininga.. Tuluyan ng nalagutan ng Hininga..
"Hahahah!! Halakhak ni Erika Na nasa Katauhan ni jenny. Kasabay ng nag ngangalit na Kulog at Kidlat..
ISANG GABI SA BAHAY NINA OSCAR..
Oscar.! .. Oscar.!.. (tinig ni Arkanghel Gabriel sa Panaginip)
Pakinggan at tupdin ang aking mga sasabihin.. Ang kasamaa'y lalong nag sumidhi Ang Dakilang Tukso ay lalong Lumaki. Isang araw ay makaka tunggali..
Ang Isang Anghel sa Lupa na Sa Kadilima'y Alagad.. Mag iingat ka sa pagtanggap Wag kang magpadala Sa damdamin pagka-harap. Pagka't ang iyong awa'y gagamitin Upang di ka magtagumpay Sa ihahabilin.
Wag magpadala sa damdamin Ang pag ibig ay wag pairalin.. Sapagkat ang demonyo'y Mapag-panggap.. Sisiluin ka niya sa hinaharap..
At bigla itong naglaho sa kawalan..
Kinaumagaha'y iniisip ni Oscar kung anong ibig sabihin Ng anghel.. Tila may ibig itong sabihin sa Hinaharap.. Nakatanim sa puso niya't isip Na wag pairalin ang Awa at Pag ibig, kapag sila'y nagka-harap.
SA IBANG DAKO
"Magandang umaga po? May bakante pa po ba kayong Kwartong pinapa-upahan? Naghahanap po kase ako ng Matutuluyan.. Kung maaari sana, ngayon narin Lilipatan? (Wika ng Bagong katauhan ni Erika)
Taga Saan kaba ineng? Mukhang Malayo ang iyong pinanggalingan Tila ika'y pagod at pawisan? (Sagot ng matandang babaeng napag-tanungan)
"Sa isang malayong probinsiya po Naghahanap po kase ako ng trabaho, Kaya ako'y napadpad dito.. Ako nga po pala si Rosalia.. (Wika ng bagong Katauhan ni Erika sa Matanda)
"Mabuti at dito nakapagtanong.. May kwarto sa ilalim ng bahay Na walang nakatira.. Lilinisin ko't dumito kana,, Bahala kana kung magkano ang Iyong makakaya. (Wika ng matandang babae habang tinuturo ang kwartong bakante)
Naku?! Salamat po ng marami!
Habang naka-upo'y palinga-linga Inaaral ang paligid na bago sa paningin niya.. Mula taas hanggang baba,, Sa paligid at magka-bila..
Sa di kalayua'y may nakatanaw, Isang lalaking may ka edaran na Ang dumudungaw.. May kalakihan ito at matipunong Katawan.. Tinitignan si rosalia, harap at Likuran..
Mayamaya pa'y lumabas na ang Matanda.. Nalinisan na nito ang Kwarto at si Rosalia'y Inaya..
"Ineng, pwede ka nang pumasok,, Nilinis ko na ang kwarto sa Loob.. May mga gamit nadin sa higaan Na pwede mong gamiti't pahingahan. . Malinis lahat at wala ka ng Iintindihin, Kung meron pa Ay iyong sabihin. .. (Wika ng matandang babae kay Rosalia)
"Naku?!, maraming salamat po nanay?!, Tamang tama po at wala parin akong gamit.. Tanging dala ay itong suot ko At kaunting damit.. (Masayang wika ni Rosalia)
Pag pasok niya'y inilapag niya ang gamit at nagpalit ng damit.. Pagod na pagod at pawis na pawis Nagsuot siya ng manipis na damit Para ma preskohan, binuksan ang Bintana sa gilid..
"Ang di niya alam ay may nakatingin pala.. Titig na titig sa dibdib niyang walang bra.. Tila ina-aninag buong katawan Ni Rosalia.. Naka ngisi itong, mukhang di gagawa ng maganda..
"Ang gandang babae.. Hehehe Mukhang busog nanaman ang Aking mata.. Napaka kinis at anlaki ng dinadala Kahit sinoy maaakit talaga.. (Wika ni nonoy sa sarili na tila pina-pantasya ang tinitignan, ang lalaking kanina pa naka tingin kay Rosalia)
Kina Gabihan ay naka pwesto na Sa butas sa Banyo kung san sinisilipan niya Madalas niya itong Gawin sa mga Tumitira.. Ibat ibang katawan na ang Nakita.
Nang gabing iyon ay maliligo si Rosalia.. Bago matulog ay naka gawian na, Tila nasasabik si nonoy Sa masasaksihan.. Isang bagong babaeng, maganda Ang katawan..
"Lalala-la lalala-la Pakanta kanta pa si Rosalia habang papasok sa banyo Walang kamalay-malay sa Nasa likod nito.. Isang butas sa harap ng gripo Ang naka-abang Para masilipan to..
Sinadya itong butasan ng Makita ang nasa harapan. Siya rin ang dito'y naglagay Ng minsang pagawain sa banyo Ng nanay.
Nanlaki ang mata ni nonoy Sa nakita.. Magandang katawan ni Rosaliang Kaibig-ibig talaga.. Sabay pagsasarili habang pinapanood niya.
"Ooohh,, ahhhh,, Ang sarap mo Rosalia.. (Daing nito sa isipan..)
Kinaumagahan nakita niyang umalis Ang matanda na bibili ng nais, Sa palengke bayong ay bitbit Tila alam niya na ang gawi..
Alam nito ang oras nang balik Pagka't araw araw niya itong namamasid, Pati ang oras nang uwe, Alam na alam ang gawi..
"Hehehe,, ayos! Mukhang nag iisa si seksi sa loob.. Pagkakataon ko natong matikman Ang kanyang loob, Nakaka gigil naman kase ang kanyang Alindog,, Hubog ng katawang, namimilog.. Hehehe(naka ngising wika ni nonoy na tila nanabik sa gagawing kahayupan)
Binuksan niya ang pinto sa pamamagitan ng kawad Tila sanay ng pumasok at Alam ang paraan.. Agad naman itong nabuksan Na di nahirapan.. Dahil sa luma narin at sira na ang Saraduhan..
Pagpasok niya'y naka higa pa si Rosalia,, Naka baba ang kumot,, naka lihis Ang Kamiseta.. Bakat na bakat ang buong katawan niya.. Sa sobrang nipis ng suot, maaaninag talaga..
lumapit si nonoy sa kamang Hinihigaan.. Inamoy amoy At tinitigan.. Para itong asong ulol na gigil sa laman Katawan ng dalagang naka latag Sa harapan.
"Mmmmhh, ang bango mo. Nakakapanindig ka ng balahibo,, Akin ka ngayon, akong bahala sayo Dadalhin kita sa malayong paraiso.. Hehehe(wika ni nonoy sa sarili na takam na takam)
Hinawakan niya ito sa maseselang parte,, dahan dahan ng di magising Nang tangka ng ibababa na niya ang panti, gumalaw ito't nagising sa tabi..
"Sinoo kaaa??!! Hayup kaa!!! (Gulantang na wika ni Rosalia sabay apuhap sa kumot)
"Hehehe!! Pagbigyan mo nako,, Mabilis lang to,, habang walang tao'y iaakyat kita sa paraiso.. Heheh(wika nitong biglang nahawakan sa bibig si Rosalia)
Bigla itong tinulak ni Rosalia ng ubod lakas.. Tumalsik ito na tila walang lakas.. Nanlisik ang mata ni Rosalia at ito'y ina-ngat,, Sa pamamagitan lang ng titig para itong Lumilipad..
Hahaha!! Kakaibang boses ng dalaga,, Tila isang demonyo ang nasa katawan niya.. Na nagsasalita at nagtatawa Habang nagliliwanag ang mata..
Piniga niya ang leeg nito sa hangin Lumuwa ang mata't dilay lumawit. Habang hawak nito ang kanyang leeg.. Na tila sinasakal, di makahinga sa sakit.
Aaaahhh!!waaaaggg!!! (Daing at sigaw ni nonoy) HAHAHA''!! (Habang tinatawanan lang naman siya ni Rosalia)
Hinigop nito ang kaluluwa Ng kanina'y naka ngisi't Sayang-saya.. Ngayon ay nagdumilat ang Mata,, Sa masaklap na sinapit niya..
HAHAHA!!! (Tawang parang Bruha ni Erika sa Katawan ni Rosalia,, kasabay ng Kulog at kidlat)
Naglaho itong parang Bula Sa Kawalan.. Isang kaluluwa nanaman ang Napagtagumpayan Nadaig ng tukso ang laman, Namatay ito sa Kasaklapan..
SA OPISINA NI OSCAR
Nakatawag sa pansin niya Ang balita sa dyaryo,, Sunod sunod na bangkay Ang narekober ang nakasulat Dito.. Hindi malinaw ang kinamatay Ng lahat ng ito.. Tila isang elemento Ang sa Hiwaga'y nagtatago..
"Sino kayang may kagagawan nito? Ang kapangyarihan ko'y tila Nagtatalo.. Parang may pumipigil na Kung ano,,? Hirap mahanap ng salaring ito-
(Wika ni Oscar sa sarili habang naka-upong nag iisip)
IPAGPAPATULOY
ABANGAN‼‼
ANG PAKSA, KARAKTER AT PANGYAYARI AY PURONG KATHANG ISIP LAMANG NG INYONG ABANG LINGKOD.AT WALA ITONG KINALAMAN SA MGA PAKSA, PANGYAYARI, KARAKTER, BABASAHIN SA TOTOONG BUHAY.
PAKI FOLLOW NALANG PO NG ATING PAGE AT PAKI LIKE NADIN PARA PALAGI KANG UPDATED SA TUWING MAY BAGO TAYONG ISTORYA O POST. MABILIS KANG MA NO-NOTIFY KUNG IKAW AY NAKA-FOLLOW.
MAG-IWAN NADIN NG REAKSIYON KUNG NAIBIGAN MO ANG ATING KWENTO / POST. ISANG SIMPLENG TULONG SA ATING PAGE UPANG LUMAGO. PAKI SHARE NIYO NADIN SA INYONG MGA KAIBIGAN O KAMAG ANAK NA MAHILIG MAGBASA NG MGA KAKAIBA AT SARIWANG ISTORYA. PWEDE NIYO I SHARE SA MESSENGER, GC, GROUPS AT PERSONAL FB ACCOUNT.
MARAMING SALAMAT PO! ANG KALIGTASAN AT KAPAYAPAAN AY SUMA-ATIN,,