Title:"BISTAYAN"
Bistayan, malamig na lugar na daungan,
Ng mga daing at bulong sa kadiliman,
na puntahan nitong
Karamihan..
Dito'y madidinig ang sigaw
Mga daing ng kwentong humihiyaw
Ng mga nakakubling pagnanasa
Upang ang gutom mapalitan ng
Ligaya..
Pag pasok mo'y maraming salamin
Nang makita ang indayog sa dilim
Ng dalawang ibong balinsasayaw..
Na nagsasalo sa palay sa banig..
Hubad na pangarap ay nagliyad
Sa ibabaw ng papag nilahad,
Dinama ang init ng lambing
Saba'y sa ulos ng Pawis at tabsing
Amuy ng kahapo'y nag halo,
Binabad sa tamis ng pagsuyo
Sa bistayang bahay nangagtagpo
Itong mga nawalan ng ulirat sa hapo..
Ibon ay malayang nakalilipad
Pag pinisi'y magpupumiglas
Naghuhumindik sa pagkaing bigas
Nag-giik ng Gatang lumabas..
Wag paka-salsalin ang mga salita
Ng di mahirapan ang magnasa
Ng lasa ng kahulugan ng talinghaga,
Ay madaling ma arok ng tanga..
Kaisipan mo'y aking lilibugin
Ng paulit ulit kang humarap sa salamin.
Titigan ang iyong sa harapan
Itong bistayang gawa ng kaisipan..
Babayuhin ka ng ganda ng kapaligiran
Ng ang pupunta'y mamangha't masarapan..
Mga ibo'y masayang nagkikibuan
Sa saliw ng musika't kapayapaan..
Nag niig ang mga salita,,
Tumayo ang mga titik sa mata,
Nag mistulang mga galit na wika
Na kumakabayo nitong nilikha..
Nagtampisaw sa tubig ang paglahad,,
Nitong tulang uhaw sa lamad
Na sinipsip sa bukana ng yungib
Na uma-agos sa kwebang masikip.
Bistayang gawa sa kahoy at salamin,,
Nang nag-yuyug-yugang bato at buhangin..
Binistay Sa Katang-halian ni
AngPoetmo 🇵ðŸ‡
111321LIPA-d PILIPINAS