Title: "ASUANG"
Writer: AngPoetmo 🇵🇭
CLICK HERE TO READ THE STORY👉👉

"Bilisan mo Greg!!! Hihihi,,
(Aya ni Michelle habang tumatakbo sa masukal na likuran ng malaking bahay)

"Dito muna tyo sa tahimik,
Ang iingay nila dun
Ni halos di na kita marinig.
(Wika nito habang hilahila sa kamay si Greg)

"Mag dahan dahan Michelle?! , baka kung anong
matapakan natin,?!
Di pa kabisado dito at ubod ng
Dilim..
Hindi ka ba natatakot???
Sa mga makaka salubong natin??!
(Wika ni Greg habang halos matalisod na sa kakasunod kay Michelle sa sukalan)

"Bakit naman ako matatakot e andito ka??!
Mmmmmhhh!!
Ang sarappp ng labii mo Greg??..
(Tugon nitong biglang hinawakan sa ulo at pinupog ng halik si Greg)

"Mmmph!? (Nabiglang ungot ni Greg habang tila hindi makapagsalita sa pagkaka halik ni Michelle)

"Mmph ahh!! (Biglang pag bitaw ng nguso nito)
"Aaamh,, Grabe?! tila sabik na sabik ka??
Binigla mo ko?! Ni hindi na nakapag salita?? Hehehe
(Wika ni Greg sabay sa pag hiwalay ng mga labi nila)

"Hihihi!! Ang ganda kase dito?? Madilim at ubod ng tahimik,,
Halos mga ibon lamang ang tumitiktik,,
Nakakagana sa pag lambing.
Lalong nag init sayong piling!!?
(Wika ni Michelle na napayapos bigla sa dibdib ni Greg)

Nang biglang..
Ik ik!! Ik ik!!! Ik ik!!
(Tunog na bigla nalang nilang narinig sa kadiliman)

"Ano yun?? Narinig mo??
Tila isang hayop na ubod ng lapit ?
Kinilabutan ako,, ang balahibo'y tumindig??.. (Biglang wika ni Michelle na tila kinabahang bigla sa narinig)

"ssshhh!!! wag kang maingay.. Narinig ko rin..
(Bulong bigla ni Greg na sinenyasang umupo sila sa kubli ni Michelle)

"Parang may papalapit, rinig ko ang yabag.. Na ubod ng lapit..
Rinig ko na parang hinahawi ang damo,,
Dahan dahan ito't tila palapit ng palapit??? (Bulong ni Greg kay Michelle na tinakpan pa ang bibig nito)

Ang di nila alam ay kanina pa
Nakatingin..
Itong maitim na nagngangalit
Ang ngipin..
Mata nitoy pulang pula..
Pangil at kuko napaka-tulis at haba..

Dahan dahan itong gumagapang sa likuran nila..
Naka titig at lawit ang dila..
Ang mata nila'y malayo sa kanya.
Sapagkat natatakpan ng damo at
Madilim pa..

"Nang biglang....

Ahhhhhh!!! Aaaaahhhh!!
Sigaw ng dalawa..
Nadakma agad sila nito ng walang awa..
Sa tulis ng kuko'y bumaon agad,
Sa leeg nila'y tumarak agad..

"Aarrrgghhh,,, arrrrghhh!!!
Halos hindi na makapagsalita
Ang dalawa..
Kundi mga ungol ng sakit at
Matang luwa..
Bumubukal ang dugo sa kanilang leeg,
Lalo pang diniin ang pag dakotl
Sa katawan nilang nginig..

Arrrgghh!!!! Aaaarrrghh!! Waagg!!
(Pautal na sigaw ng dalawa na tila nabubulol)

Hinila silang dalawa sa malayo
Duon na sinimulang papakin
Ng buo..
Mga laman loob nila ang inuna,
Tila takam na takam pa ito
Sa ginagawang paghila..

Na ang katawan nilay tila
Nanginginig,,
Dahil may buhay pa habang kina-kain,
Ramdam nila ang bawat sakit,,
Habang kinakagat mata'y tumitirik

Animo'y asong ngina-ngasab
Sa laman loob nilay, sarap na sarap..
Mga mabangis na hayop ay
Naglalapitan,,
Naamoy ang dugo, gusto itong
Saluhan..

Nnggrrr!! Nggrrrrr!!
Ungol na Pagtataboy nito,,
Sa mababangis na hayop ayaw
Magpasalo,,
Hindi tumitigil sa pag ngasab ito
Ang dugo'y nagkalat sa paligid nito.

Aaaaakkk!! aaaakk!!
(Mga makapanindig balahibong
Tunog ng mga ibon)

KINAUMAGAHAN

"Andito ang bangkay!!!
Nakita ko na!!!
(Sigaw ng isa sa mga naghahanap)

"Diosko?!! Anong klaseng hayop
Ang sa kanila'y pumatay??!!
Halos hindi na makilala ang kanilang bangkay??
Kalahati ng dibdib ng babae'y halos ubos na.. Ukang uka ang mga laman at wala ng mata..
(Papikit na wika ng isa, habang napatakip sa bibig sa kalunos lunos na nakikita)

"Grabe ang ginawa sa kanila???!
Isang mabangis na hayop lang ang pwedeng gumawa??
Kinain ang katawan na halos lumuwa,
Mga buto'y naglabasan sa pagkaka-uka???!
(Pagka-awang wika ng isa sa naghahanap)

Naging usap usapan ang mga nangyari..
Tila naging katatakutan ito sa
Marami..
Ngaunit sa mga matatanda rito'y
Hindi na bago..
Pagka't matagal ng nababalita
Ang Asuang dito.

"Asuang ang pumatay sa kanila
Tila bumalik nanaman sa
Pananalasa..
Matagal ng may mga Asuang sa
Lugar na ito..
Panahon pa ng Kastila ay naririto.
(Wika ng isang matandang nagku-kwento)

Matagal na itong kinukwento sa
Kanila..
Ng mga ninuno at mga nauna..
Matanda pa sa kanila ang tungkol
Sa Asuang,,
Marami ng pinatay at pinag laruan..

SA KABILANG DAKO

"Ruel pakisara mo na ang bintana
At mahamog na..
Tignan mo ang buwan at bilog
Na bilog pa.
Wag kalimutan ang asin, magsaboy ka..
At ang tiyan ko'y namimilog na..
(Utos ni lucila sa asawang si Ruel habang himas himas ang tiyan)

"Nagawa ko napo kanina pa,
Hindi ko na inantay utusan mo pa,
Wag kang mag alala at ako'y
Kasama..
Babantayan kita wag kang mangamba.
(Wika ni Ruel habang isinasara ang pinto at bintana)

Kalaliman ng gabi, habang nasa kasarapan ng tulog..
May umalulong na aso na di kalayuang tunog..
Tila may nakikitang kakaiba,,
Na ang mga aso'y nagpapa-alala
Alulong sa kadiliman ang kanilang
Tugon, Upang ang tao'y,
Magising at magbangon. .

'Sa bubungan ay may nagkaka-
luskusan..
Tila hinahalwat ang pawid na tinutungtungan,
Maya maya pa'y may lumawit na dila sa siwang...
Na nakatapat sa may bandang tiyan..

Naramdaman agad ito ni Lucila..
Nanlaki ang mata nito sa nakita,,
Agad natapik ang asawa..
Na sa pagka gulat ay nahila ang dila..

"Diosko Ruel!!!?
(Biglang sigaw ni Lucila)
Huhh!!! Ummmhh!!
(Biglang imik at hila naman ni Ruel)

Agad naman itong hinila ng titik,,
Na Agad Kumaripas at biglang
naglaho sa dilim..

"Hayup ka??!!! Magpakita kaaa!!
(Sigaw ni Ruel sa labas habang bitbit ang itak)

Palinga linga ito sa dilim,,
Ginalugad ng mata ang paligid,,
Piilit hinahanap ang tiktik,,
Na tumakbo't naglaho sa dilim..

Bitbit ang itak, pinasok niya ang
Sukalan,,
Dala ang lente, iniilawan..
Pilit hinahanap ang salarin
Upang makaganti at itoy
Patayin..

Sa isang dako'y nagawi
Nailawan niya ang isang binti,,
Na parang hayop na maitim na may kalakihan,
Puno ng balahibo't nakakatakot kung tignan..

"Hayup kaaa?!! Mamamatay ka ngayon?!!
Tignan natin kung sa itak, ika'y makakatalon..
sa talim nito'y hindi uubra ang balat mo?!!
Kakatayin kitang parang aso!!

Humanda ka?!! Ummmhh
Ummhh!! Umhh!
Hayop ka!!!
(Galit na wika ni Ruel habang winawasiwas ng itak ang tiktik)

Ngunit sa bilis nito'y di niya tamaan
Animo'y unggoy sa bilis na nai-iwasan,,
Mga pag taga niya'y walang nagawa..
Nadamba siya nito't nalapa. ..

"Waaaaggg!! Arrrghhh! Waggg?!!
(Daing niyang tila sinasakal)
Nasakmal siya nito sa leeg
At agad kinagat!!
Nagbulwakan ang dugo niya
Sa ugat..
Namula ang mata't, humingal ng
Mabigat,, daing niya'y nakalalagnat..

"Habang sakmal sakmal ito'y
Dinukot naman ang kanyang tiyan
Pagkatapos ay hinila ang bituka't
Pinag laruan..
Nagkaka kawag si Ruel na parang isda..
Habang binibiyak ang tiyan nito
Dama niya sa Diwa..

"Arrgghh,, Arrrrghhh,,
(Maririnig kay Ruel na di na makapag salita..
Kundi daing ng sakit na tila
Hinihiwa..
Mga laman loob ay nagka hiwa-hiwalay..
Sa pagdukot nitong galit na
Kaaway..

Kinain siya nitong utay-utay..
Naghalo ang dugo na parang
Kinatay..
Sarap na sarap sa mga laman niya,
Tumutulo pa ang dugo sa
Bunganga..

Habang si lucila nama'y
Napuno ng Kaba..
Dahil dipa nabalik ang kanyang
Asawa..
Panay ang dasal nito ng Aba ginoong maria.
Paulit ulit na pikit ang Mata..

"Aba ginoong maria napupuno ka ng gracia, ang panginoong Dios ay sumasaiyo,, Bukod kang pinagpala sa babaing lahat, at pinagpala naman ng anak mong si Hesus"

Nag bigla itong natigilan..
isang kaluskos ang naulinigan,,
Nabalot ito ng kaba sa katawan
Sumabay pang pananakit ng tiyan..

"Diosko pooo!! Tulungan niyo koo!!
Rueeeeeeel!!!!!
(Sigaw nitong takot na takot habang hawak ang Rosario)
Nanginginig sa takot at nauutal ang labi..
Pawisan ito kahit malamig,
Puno ng takot ang isip..

Nag biglang lumagabag ang pinto.,
Lalong napuno ng takot ang puso,
Nagsumiksik ito sa likod ng santo
Tila inaabangan ang pag bungad ng dayo..

Nag biglang...

Waaaagg!!!! Dioskoo!!
(Sigaw nitong nabigla sa bumulaga)
Biglang tumambad ang Asuang sa harap.
Titig na titig ito't ang tiyan ay nilalanghap,
Gustong gusto ang amoy ng Buntis..
Tumutulo ang laway na tila nanabik..

"Waaaaggg!! Aaaarrrghh!!
Aaaahhh!!! Rueeeell!!!
(Pagmamaka awa ni Lucila na biglang napasigaw sa biglang pag dukot ng matulis na kuko ng Asuang sa tiyan)

Dinukot nito ang lamang sanggol sa sinapupunan..
Itinaas pa't tila tinitignan,
Nawalan ng ulirat si Lucila
Ang mga sumunod ay di niya na
Nakita pa..

Lalong umugong ang mga balita
Ang mga tao'y lalong nasindak
sa ginawa..
Di na nagpapa abot ng gabi.,,
Pagkagat ng Dilim agad ng umuuwi...

Ang Asuang ay mapag-panggap
Kahit anung elemento ay tumutulad...
Minsa'y sumasanib sa katawan,
Minsan nama'y nagpaparamdam
Sa kawalan..

"Ang laki naman ng bahay nato?!
Ang luwag-luwag, kaso parang
May kung ano???,
Nakaka-kilabot na katahimikan
Ramdam sa palid, sa Kalumaan"
(Wika ni Raquel na tila pinaninindigan ng balahibo sa lumang bahay na papasukan)

"Raquel??? andiyan kana pala,
Pumirine ka't kumain muna
Bago mo simulan ang paglalaba,
Nang may laman ang tiyan, bago mag simula..
(Wika ng may ari ng malaking bahay na nagpapalaba)

Nang maka-kain ay sinimulan na,
Ang Isang tambak na labada..
Nang sa gayo'y matapos siya
At maka-pahinga ng maaga..

Habang naglalaba'y may napansin
Isang lumang lumang salamin..
Nagulat ito ng tumingin, may tao sa likod niyang nakatingin..

"Huh??! Sino yun??
(Gulat na wika nito)
Paglingon niya'y bigla itong nawala
Hinanap niya ito sa kusina,
Kung san malapit ang likuran
Na siyang lugar naman ng labahan.

Paglapit niya'y may biglang
Nalaglag..
Nagulat siya't napasigaw agad..
Na di alam kung sino, kung tao ba to o maligno..

Inang ko po!!? "Hesus maryosep!!!
Kakakilabot naman dito..
Mukhang hindi ako tatagal tumira dito.
Balahibo ko'y nananayo,,
Ramdam na may iba dito.. .

Halos hindi siya mapakali sa ginagawa..
Ang nasa isip niya'y takot at kaba.
Na kahit kaliwanagan ng umaga
Hindi siya komportable mag isa.

Nang biglang..

Huyyyyy!!! Huyyyy!!
Rinig niyang malaking boses na
Tila tinatawag siya..
Lalo siyang kinabahan..
Na di na halos magawa ang labahan..
Nanginginig ang Katawan..
Pawisan sa kinalalagyan.

Mayaya pa'y...
Waggggg!!! tila isang mabilis na anino ang bigla siyang sasalubungin,,
Napapikit siya't hinarang ang kamay sa sarili..

"Diosko!!! Wag poooo!!
(Bigla itong napatakbo palayo)
Mammm!!! (Tawag nito sa among babae)

"Bakit?! Raquel?! Anong nangyari?
(Tanong ng among tila nabigla rin sa kanyang pag sigaw)

May bigla pong sumalubong sakin?! Nakakatakot?!
Isang aninong malake,
Na ubod ng bilis?!
(Wiika niyang nanginginig pa sa nasaksihan)

"Wala naman ah?? Guni-guni mo lang yan,
Siguro mahilig kang manood ng katatakutan??!
(pabirong wika ng amo)

"Totoo po???! Kitang-kita po ng mata ko.. Napa-ilag nga po ako ng akmang sasalpok.?!
(Wika nitong pinatototohanan ang sinasabi)

"Siya sige na. Ituloy mo ng paglalaba..
Pag may nakita ka pa'y tawagin lang sa Sala.
At tiyak naman n maririnig kita?
(Wika ng amo na pinakakalma siya sa takot)

Maya-maya ay dumating ang bisita,
Mga kapamilya ng among taga maynila
Masaya itong sinalubong ng matanda..
Nag kamustahang tila sabik sa isa't isa.

Samantala si Raquel ay walang
imik. .
Tila tulala sa isang tabi..
Pagkatapos maglaba'y nahiga..
Nagkulong sa kuwarto sa baba..

Dumating ang gabi..
Silang lahat ay masayang kumakain magkakatabi..
Sa isang lamesang gawa sa narra,
Na matanda pa sa kanila..

Bukod tanging si Raquel ang
wala,
Ni hindi ito bumangon sa higa
Tila may masamang nararamdaman,,
Naka talukbong ito sa higaan..

Nagtaka ang matanda.,, pinuntahan ito at inaya.
Upang kumain sa labas,
Ginising itong lumabas..

"Raquel,,??! Raquel??!!
Lumabas ka muna diyan at kumain
Habang mainit-init pa ang kanin,
Halika na??! (Pag aya ng matandang amo kay Raquel para maghapunan)

Sa labas naman ay masaya ang mag anak, mag asawa at isang anak.. Na naglalaro sa Sala,
Pagkatapos ay nag aya ng mamahinga..

"Hon,tara na inaantok nako,?!
(Yakag ni Rina sa asawa na umi-inom ng beer ng oras na yon.)

"Sige Hon, uubusin ko nalang to, isang lagok nalang.,?
Mauna na kayo ni john john,,
Susunod narin ako saglit nalang..
(Wika ni Joseph na medyo may tama narin sa iniinom)

Nauna ng pumasok ang mag-ina
Ang matanda naman ay kanina
pa nakahiga..
Naiwan sa labas si Joseph,
Na inuubos nalang ang huling beer sa bucket..

Nang bigla nitong napansin ang
Isang babaeng naglalakad sa labas..
Tulala ito at deretso lang ang lakad..
Sinundan niya ito ng tingin
Bigla itong naglaho sa dilim..

"Hmh?! Sino kaya yun?
(Takang wika nito na hindi pa nakikita si Raquel)

Sa pagtataka'y hinila siya ng paa
palabas..
Upang tignan ang babaeng nakita sa labas..
Tinungo niya ang lugar na pinuntahan.
Ngunit dipa nakaka layo'y
Bigla itong natigilan"Arrghhh!! Hhha?!! Waggg!!!
(Biglang daing sa sakit ni Joseph
Sa pagkaka taga sa kanyang likod
Ni Raquel na tila sinaniban ng demonyo..)

"Waaaggg!! Aahhh!! Waggg!!
Pagmamaka- awa ni Joseph.
Ngunit tila hindi sya naririnig..
Tuloy-tuloy ang pag taga sa katawan
ramdam ang sakit..

Tila hayop na tinadtad ng taga..
Kamay niya'y naglaglagan sa lupa
Sa talas ng itak na pinangtaga, .
Agad siyang binawian, napugto ang hininga.

Tila mabangis na hayop ang mukha ni Raquel..
Nanlilisik ang mata't wala sa sarili
Habang tumutungo ito sa loob ng bahay
Panay naman ang tulo ng dugo,
Sa mukha't kamay.. ,

Na animo'y demonyong sa hawla'y nakawala.
Na pulang-pula ang mata't mukha..
Wala ito sa isip na naglalakad,
Patungo sa iba pang silid,
Upang mamuksa..

Bigla namang nagising ang matandang
natutulog sa itaas,
Bumaba ito upang bisitahin ang labas,
Nang may narinig na ingay at maiksing sigaw,
Na nagpagising at sa tenga'y pumukaw..

"Ano kayang nangyayari sa baba??
Parang may narinig akong sumigaw?
(Mahinang wika nito sa sarili)
Ngunit di pa nakakalabas ng pinto ay may humila sa buhok..

"Raquel??!! Anung nangyayari sayo?!! Bakit may hawak kang itak?!!
(Nginig na wika ng Matandang Amo)

Waaaaagg!! Raquel??!!! Parang awa mo na??!! Bitawan mo yaann!!? Waaagg!!
(Pagmamaka awa nito kay Raquel, ngunit hindi na nasundan pa ng bigla itong tagain sa leeg)

"Aaaarrrghh!! Wagg!! Waahg!
Putol putol na daing nito,
Na ang leeg ay panay ang bulwak ng dugo..
Hindi siya nakaligtas sa galit ng demonyo,,
Pinag tataga,, pati ang ulo..

Nang Biglang may pumalo kay Raquel,
Isang napakalakas na palo
ng isang kahoy..
Nagising pala si Rina sa narinig na ingay..
Agad itong sumaklolo sa kanyang Inay..

"Hayuppp kaaa!! Bitawan mo siya!!
(Galit na wika ni Rina Habang pinapalo si Raquel)
Nanlumo ito sa nakitang duguang katawan ng ina..
Di makapaniwala sa nasaksihan niya..

"Joseepphh!! Tulooong!!
(Sigaw nito sa asawang akala niya ay buhay pa)
Ngunit sa sumunod na palo niya'y nataga na siya..
Tumalsik ang kamay niyang bitbit ang pang
Hamba ..

Ahhhh!!!!! Waaagggg!!
Tumakbo ito sa kinaroroonan ng anak.. Agad nitong pinalabas na takot na takot at umiiyak,,

"Takbooo!! Na anaakk!!!
Humingi ka ng tulong sa Labass!!
(Wika nitong takot at sakit ang nadarama)

"Mamaaaa??!! Mamaahh!!
(Iyak na takot na takot ng bata sa ina)

Takboo na anaaakk!! Bilisan moo!
Wag titigil maghanap ka ng Tao!!
Nang biglang may tumarak sa likod ni Rina..
Tumakbo namang palayo ang bata na puno ng takot at kaba..

"Tulooong!!!,, tulungan niyo po si mamaaaa!! Huhuhu!!
(Sigaw nitong umiiyak habang tumatakbo)

Si Rina nama'y pinagtataga din ng sinasapiang si Raquel..
Parang baboy na tinatadtad,nitong wala sa sarili..
Kalunos lunos ang kanyang sinapit
Na halos malaglag na ang ulo nito sa sahig..

Isang karimarimarim na katapusan..
Nang kanina lang ay nagkakasiyahan..
Lahat sila'y hindi pinatawad..
Maliban sa batang nakatakbo
Palabas..

Huhuhu!! Tulooongg!!
Tuloongg!! Po!!
(Iyak nitong si John-john habang binabagtas ang Daan)

Nang sa di kalayua'y may nakarinig
Mga lalaking nag iinuman sa may tindahang malapit. Nagka-tinginan ang mga ito at biglang lumapit,
Tinanong ang bata kung bakit
Alumpihit..

"Nang marinig ang kwento ng bata'y agad silang kumilos..
Kumuha ng gamit at mga panlabang matilos..
Bitbit ang mga itak, sa bahay
Sumugod
Upang harapin ang demonyong
Salot..

"Bilisan niyo,, hindi siya dapat makatakas, (wika ng isa)
Kailangan natin siyang puksain
Nang hindi na makagawa ng Dahas sa iba..
Sa dami natin tiyak na walang magagawa..
Gamitin ang lakas, iligtas sila sa masama.. (Wika ng isa pang tumatayong lider nila)

Ngunit pagdating sa bahay ay
Wala ng malay si Raquel,
Handusa'y ito't nakahiga sa sahig..
Habang ang ibang katawa'y
Naliligo sa dugo,,
Hindi na halos makilala tadtad ng taga
harap at likod.

"Diosko?! Sinong demonyo ang may gawa nito??!
(Gimbal na wika ng isa)
Hindi nila pinaghinalaan si raquel na halos maligo narin sa dugo..
Pagkat wala narin ito sa ulirat ng dumating ang mga sugo..
Nang tanungin siya kung anong
nangyari ay di niya na tanda..
Nagulat pa ito't umiyak sa mga
tumambad sa kanya..

Ang bata nama'y hindi maka usap
ng ayos,
Dahil bukod sa murang isip, napuno ito ng takot.
Kaya't si Raquel ay malayang
nakalalabas..
Nakaligtas siya sa ginawang
Panghaharabas..

Ang Asuang ay patuloy na nakaka
pang biktima..
Nagpapalit palit ng anyo at
sumasapi sa iba..
Upang ang kasamaan ay maihasik
Niya..
Walang maka puksa
at makapigil sa kanya..

WAKAS..

ANG PAKSA, KARAKTER AT PANGYAYARI AY PURONG KATHANG ISIP LAMANG NG INYONG ABANG LINGKOD.AT WALA ITONG KINALAMAN SA MGA PAKSA, PANGYAYARI, KARAKTER, BABASAHIN SA TOTOONG BUHAY.

PAKI FOLLOW NALANG PO NG ATING PAGE AT PAKI LIKE NADIN PARA PALAGI KANG UPDATED SA TUWING MAY BAGO TAYONG ISTORYA O POST. MABILIS KANG MA NO-NOTIFY KUNG IKAW AY NAKA-FOLLOW.

MAG-IWAN NADIN NG REAKSIYON KUNG NAIBIGAN MO ANG ATING KWENTO / POST. ISANG SIMPLENG TULONG SA ATING PAGE UPANG LUMAGO. PAKI SHARE NIYO NADIN SA INYONG MGA KAIBIGAN O KAMAG ANAK NA MAHILIG MAGBASA NG MGA KAKAIBA AT SARIWANG ISTORYA. PWEDE NIYO I SHARE SA MESSENGER, GC, GROUPS AT PERSONAL FB ACCOUNT.

MARAMING SALAMAT PO!
ANG KALIGTASAN AT KAPAYAPAAN AY SUMA-ATIN,,

AngPoetmo🇵🇭