"BUHAY"

Sa umpisa'y Uha
Sa dulo ay Luha
Sa kalagitnaa'y may ngiti,
Kahalo'y Sakrpisyo't
Dusa..

Gipit pag hinigpit
Sangkaterbang tuwa,
Lunos nag sunod
Sa kinamalasang
Nasa..

Buhay kay saya
Pag maraming pera
Ang gipit ay pait
Tila nasa sakuna..

Tunog ng hulmahang
Pangarap
Masarap sa tenga
Ang Pinto ng pagka-bigo,
Anung sakit sa mata..

Manghihingi ng limos
Sa pag ibig kinapos
Kinulang sa sidhi,
Ng pagiging maramot..

Alalahaning sakdal
Di kinaya't tikal
Sa pagbibiga'y sa kapwa,
Pahirapan pa't hagya..

Matataas na lipad
Na sing lakas ng hitad
Sa pasimano ng langit
Ni hindi maka-tataas..

Mga dalahi'y mabigat
Sa kanya'y tinatapat
Ng ang kamay masana'y,
Sa kahirapang ingat..

Walang tigil sa pag isod
Araw araw mang kumayod
Baligtarin man ang palanggana,
Ni hindi malalaglag ang tinga..

Iba't ibang kulay
Ng mukha'y nasanay
Ngunit di makilala
Ang pagkataong tunay

Tinago sa likod
Ang harapang sukob
Nang di lumabas ang
Anyong Bantog

Mapagkawang gawa
Sa mga nagkukumahog
Dila'y may salita
Nitong bulaang bubuyog..

Na naghahatid ng mga
Tampalasang isip..
Sa gitgitang daan,
Na puno ng Talahib..

Mga napariwara
Sa buhay sinalanta
Ng kasinungalingang hatid
Ng mga aso't linta..

Magbababagan sa daan
Sa tuwing sa ihi ay
Masasabuyan..
Di patatalo sa pataasan
Kapag umiral na
Si kayabangan.

Pulpol ang sagot
Sa katwirang hugot
Ulo'y puno ng utak
Ngunit baog ang loob..

Kita ng mata,
Dama ang nasa
Ngunit ni katiting na unawa'y
Ni hindi bigay ang
Kapiranggot..

Hubad nang dumating
Ngumiwi sa himbing
Pag labas sa sinapupunan
Iyak lang ang siyang daing..

Pag alis namn niya
Luha't laksa sa dusa
Ngingiwi rin sa daing
Pag kakapusin na ng
Hininga..

SAKBIBI NI
Angpoetmo🇵🇭
111721
LIPA-d PINAS