"KALAYAAN"
Kalayaan ay yaman
Yaman sa isipan
Sa isipan ipaglaban,
Ipaglaban sa dayuhan..
Malaya ang Bansa
Bansa wag pabayaan
Wag pabayaan babuyin,
Babuyin ng sinoman..
Ikaw ang magbabago
Ang magbabago sa
Kapalaran,
Sa Kapalaran nakataya
Nakataya ang Karimlan..
Maging Matalino
Matalino sa Pagboto
Sa Pagboto Magbabago,
Magbabago ang Bansa mo..
Mamili ka ng tapat
Tapat sa Batas
Sa Batas ay Patas
Patas sa pagtupad..
Maging Mapag-matyag
Mapag-matyag ang susi
Ang susi sa Katiwasayan,
Sa Katiwasayan ng Bayan..
Ibigin natin ang Bayan
Ang Bayang Sinilangan
Sinilangang Marikit,
Marikit kong Bayan..
Mahal kong Pilipinas
Pilipinas kong nag iwi
Nag iwi sa mga Hudas
Mga Hudas na Iniwi..
Wag ipamihasa
Ipamihasa ang kasakiman
Kasakiman ang sisihin
Sisihin sa Maling
Kinagisnan..
Bantayan ang Layag
Ang Layag na magdadala
Magdadala sa Kapayapaan,
Kapayapaan ng Bayan..
Pangalagaan ang likas-yaman
Likas-yamang taglay
Taglay ay ang Kariktan
Ang Kariktang nasusumpungan
Ibigay ang Karapatan
Karapatang mabuhay
Mabuhay ng matiwasay
Matiwasay magpakailanman
Paglingkuran ang tao
Ang tao ang unahin
Unahin sa lahat
Sa lahat ng Pagtupad.
Gampanan ang tungkulin
Tungkuling Sinumpaan
Sinumpaan sa marami,
Maraming Pilipino..
Iwinagayway ni
AngPoetmo 🇵ðŸ‡
111821LIPA-d PINAS