Title: "Maghapon"

Alas 6:00 ng umaga'y
Maagang nag bihis. .
Itong nananabik sa mukha mo't halik..
Posturang sabik, sa Salami'y nagbalikbalik, Mag-aantay sayong pagbabalik..

Alas 7:00'y aalis na..
Tila hinihila yaring paa..
Di matali sa hagdanan,
Na maiihing ewan..

Alas 8:00 sa sasakyan
Iniisip ang nakaraan..
Mukha'y nagbabalik sa alaala,,
At mga kahapong kay saya..

Alas 9:00'y na inip..
Sa sasakyang naghahatid..
Usad pagong na trapik,
Na sa matay masakit,
Naka tingin sa bintana
Mga mata'y naluha..
Sa musmos sa daan,
Ang hinihingi'y pananghalian..

Alas 10:00 dumating na
Sa estasyon ng Bus sa Edsa..
Nananabik sa upuan,,
Kahit kalam na ang tiyan..

Alas 11:00 'y nagutom
Galit na tiya'y tila umurong..
Nag laman ng kanin at ulam
Sa Karinderiang malapit
Sa daan..

Alas 12:00'y na iinip na..
Sa tagpuang ninasa..
Mga mata'y may lungkot,
Sa isang tabi'y umungkot..

Ala 1:00'y dumilim,
Tikatik ng ulang mahinhin,
Na nag tulos tulos sa daan
Saba'y sa simo'y ng hangin..
Na muling naalala,
Iyak ng iyong mata
Nagbatis sa galit
Di matahan sa dibdib..

Alas 2:00 ng hapon
Dama ng inip sa ambon..
Na nag awas sa mata,
Kailan darating ang ligaya?..

Alas 3:00 naglibang
Kahit bakas ng pata ang katawan
Na nagpabigat sa isip,
Hinaho'y tila naiidlip..
Na uupos na sigararilyo
Usok na buga sa tabi ko
Di mapigil ng lilo, ,
Itong sa tabi'y nasisiphayo..

Alas 4:00'y piga na,
Pawis ay nag asin sa mata
Pulang pulang alsa
Sa maghapong pag-aabang
Sa maya..
Na tila naligaw sa bukid
Na inaring lubos ng matwid
Na di na maririnig ang awit
Dinagit ng Agilang,
Pahapit..

Alas 5:00'y naubos na,
Baong pasensiya sa bulsa,
Inahon ang puwit sa bangko
Na nanigas na sa pagka-upo..
Sakit nito'y sagad,
Sa puso'y nagpa igtad..
Sa pagka tulog nagising
Itong alaalang
Madilim..

Alas 6:00 bumagsak
Luha ng ulan ay tumarak
Malalaking tulos sa dibdib
Di matahan ng lamig..
Nang isang Bus ay dumaan
Sakay nito'y ikaw sa kaduluhan
Luha'y di napigil ng isip
Ng makita kang may
Iba na sa Panaginip...

Luha at Tula ni
AngPoetmo
111621
LIPA-d BATANGAS