"NAGMULAT"

Ang mga nagmulat na Manunula(t)
Sa Bansang sa kaalaman at karapata'y salat.
Binuksan ang diwang makabansa,
Nitong sa mga titik ay dalubhasa..

(Jose Rizal)
Ang 'Sa Aking mga Kabata' ni Pepe
ay sumasalamin,
Mahalin ang sariling wika't pagyamanin..
Na ang di magmahal sa sariling dalahin,
Tulad ng isdang mabaho't malansa, '
Alingasaw sa tanghaling madiin..

Na sa kasalukuya'y nahumaling na
Sa ibang salitang pinag sinta, .
Nitong kabataang bulag na sa kasaysayan..
Dala ng mga makabagong paraan,
Talino'y nahulma ng ibang bayan..

(Marcelo H del pilar)
Ang 'Amain namin' at 'Aba ginoong Baria'
ni Piping Dilat,,
Na sagad sa pagtuligsa sa mga prayleng hitad..
Na ang dasal at panambang salita'y ginawang pabaligtad,
Dala ng paniniil sa karapatan
Sa Bansang liyag..

Na itinatag niya ang Diariong Tagalog,
Upang gisingin ang diwang matagal ng natutulog.
Na sa pagkahimbing ay sinapot na't inantok,
Sa silong ng mapaniil na prayleng,
Nag dalisdis ng luha at sakit-loob..

(Graciano Lopez Jaena)
La Solidaridad, ang sagot
Nitong si 'Lopes Hainang' patnugot..
Upang ibulalas ang damdaming
susot..
Sa pagmamalabis nitong
Mga lilo't Balakyot,
Na umapi at nangmalabis,
Sa lupaing sinakop..


(Antonio Luna)
Ang impresiones ni 'taga ilog'
Na umani ng maraming papuri't batikos,.
Letra por letrang inihayag, ang pagsuway sa mga Kastilang mamahayag..

Heneral Artikulong bantog
Na nilabanan ang mga Kastilang
Dayukdok..
Sa mga pananamantala at panggigipit,
Sa mga Pilipinong iniipit ang liig..

(Mariano Ponce)
Ang 'Pagpugot kay longhino' ni Tikbalang
Isang dulang pag ibig sa Bayan..
Na nagmumulat sa pikit na mata,
Pinagdumilat ang isip niring mga Aba..

Sa pagmamalabis, Sa tinubuang lupa
Pinuno ng hapis yaring mga imbi..
Ng mapang api't mapanglait,
Di papayagang sa lupai'y maghari..

(Pedro Paterno)
Ang "Ninay" niyang likha
Na kauna-unahang tagalog na nobela,
Na nag pakita ng kayamanan at kultura,
Ng Bansang hitik na hitik sa ganda..

Bilang pag tuligsa laban sa mga bulaan
Na ang kamalaya'y piniringan..
Nitong mga huwalanghiyang dayuhan,
Na ang Baya'y sinakdal sa kamangmangan..

(Jose Maria Panganiban)
Isang mahusay naman na orador
Itong si JoMaPang Doktor..
Na kilalang pantas sa wika,
At mga kahanga hangang akdang panula..

Na tumuligsa upang ipaglaban
Pantay na karapatan sa pang karunungan..
Na ang lahat ay mabigyang daan,
Upang makamit ang mithing kaalaman..

(Pascual Poblete)
Ang matalinong Ama ng Pahayagan
Na nagsalin nitong akda ni Rizal..
Ang nagpaugat niring mga sanga,
Nang punong nanga-lundo na sa bunga..

Mga akdang mayaman sa diwa
Na nagbubukal ng karunungang nasa..
Nitong mga uhaw sa pag ibig,
At damdaming sa Bayang giniliw ay awit.

Nagbungkal sa Sahig,
AngPoetmo🇵🇭
111821
LIPA-d Pilipinas