"SA AKING MAHAL"

Lugon kong pakpak di makalipad
Pagka't masakit walang hinuhod sa utak,
Mamalag-malag sa mga nakaraan
Naglalambitin sa kasalukuyan..

Mga pagpapasiya'y masalimuot
Sa tigang na isip nitong yamot,
Nagbabalik-balik sa bangungot
Sa iisang dipang pasong hamog..

Luno ang isipan ko't aligaga
Sa mga nakikitang gawang masama..
Ang mabuti'y hinahon lang sa damdamin,
Na wag lang masasaling ay masakit..

Malundong landas ang tatahakin
Bagamat ang mababaw ay malalim,
Sa silong ng araw nag papainit
Ng tubig sa bunganga ng bituwin..

Nagkakasya sa maiksing kumot
Pilit isinusuot itong salakot,
Nang mapag kasya lamang ang kanin
Hinahaluan ng tubig at asin. .

Mga pag iyak ko't taghoy sa dilim
Di maririnig kahit magsapin sa mata ng salamin,
Pagkat itong nasa itaas lang ang nakatingin
Sa mga matang sa luha'y nagbabahing..

Pilit papasanin ang lungkot
Isang libong kilo man ang kirot
Nang hapis ang dumais sa buhok,
At anit na nagpapasakit sa tuktok..

Balagwit ng pagdurusa'y ipapasan
Sa likod kong pata na't may gulang,
Kung iiwan mo lang sa lansangan
Itong pighatiang nahihibang..

Pagkat ikaw ang nagdadala ng lakas
Sa loob kong marumi ang landas,
Na nagbigay ng liwanag sa maitim
Nagpaputi ng pag asa sa dilim

Wala na akong iibigin pang iba
Kundi ikaw na mahal kong Balarila
Na nagbibigay kahulugan sa aking parirala,
Na siyang inspirasyon nitong tula..

Luha At Tula ni
Angpoetmo🇵🇭
111821
LIPA-d BATANGAS