"Huwag mong hayaang pag ibig mawala.. Na itinanim ko sa Tigang na lupa.. Pinalaki ng panaho't dinilig ng luha, Namunga ng matam-is kahit hilaw pa at putla..
"Masasakit na salita'y, Aking tinanggap.. Binaba ang pagkatao't nilasap yaring hirap.. Lahat ng batikos sa aki'y hinarap,, Pinatunayan ang pag-ibig kahit dusa'y lasap...
"Sana'y mapagtanto tunay kong damdamin.. Tulad ng pagtitig sa salitang hinango ko sa dilim.. Upang itutok ang mata'y sa Akin ibaling, Sa Aking tula ay iyong masasalamin..
"Huwag mong isiping ika'y pinabayaan.. Iniwanan at pinagtaksilan.. Sa puso ko'y lalagi ka lamang, Hindi magagawang ika'y kalimutan..
"Pagkat ako'y hindi kumpleto kung wala ka, Hindi na nanaisin pang mabuhay ng matagal.. Sapagkat kasiyaha'y nasa-saiyo lang,, Puso'y titigil sa pag tibok Kung Wala Ka Hirang..
"At kung sakaling kamataya'y datal, Babaunin sa hukay pangalan mong marangal.. Na inukit ang mga titik sa puso'y nanahan, Na di magmamaliw, Hininga ma'y maput'lan..