"GABI"

Mapamihag na gabi
Ang katahimikan ng lupa'y
pagliwanagin..
Iduyan mo ako sa
Daluyong
Ng hangin,
Habang nakatingala
sa Lupon ng mga
Bituin,

Mga isipi'y alisin
Sa pusong sa malayo
Nakatanaw,
Upang ang liwanag ng
Umaga'y maging
tanglaw

Nang ang daan sa
Sa bagong araw
Ay maglinaw,
at di maligaw
Sa mapagkuwaring
Liwanag
Niring Tala..

Ang sang-kalikasan
nawa'y
Mag hatid ng
mayuming
Araw,
Na siyang susuway
Sa kaitiman ng gabing
Mapanglaw..

Bigyan mo kami ng
Pag-asa,
O' liwanag
Ng buwan,,
Alisin ang bigat ng
Kalooban..
Puspusin at halikan
Ng Pag-ibig at kaligtasan
Na sa Diyos ay ginawa
Upang maging
Karugtong
Ng sikat ng Araw..

Huwag mong ipagmaliw
Ang lamig at hamog,
Ng ang mga likhang
May buhay ay
lumago
At tumayog..

Sa buong
Sansinukob..

Nagtitik sa ilalim
Ng Buwan
AngPoetmo
112221
LIPA-d PINAS🇵🇭