Aking Kapatid, Datnan ka sana ng liham na ito Na may galak at kapayapaan.. Kung daratal man sa atin ang Ang dusa't pasakit siya nawa, Kung ang Sakripisyo't luha ay magbabatis siya nawa,, Wag lang alipustahin si inang sa harapan, At hindi makapapayag Alimurahin siya ninoman..
Wag kang magsasawang mahalin ang Bayan mo,, Miski na tinatapak tapakan ka? Miski na mababa ang tingin nila sayo? Miski na hindi sila naniniwala sa sinasabi mo??
Ha'mo sila,!? Ha'mo silang husgahan ka!? Ha'mo silang ibaba ka!? Ha'mo silang hindi ka pinapansin?? Ngunit pag dating sa Inang ay Ibang usapin!?
H'wag silang mangangahas kung Ayaw nilang datalan ng dilim?! H'wag nilang tangkain Pagkat babaha ng dugo at rimarim?! H'wag nilang subukang ang Inang Ay sasaktan, sasalaulain at yuyurakan?!
Ako nalang??! Ako nalang ang kanilang parusahan?! Ako nalang ang salaulain?! Mas matatanggap ko kung ako Ang sasampalin.. Kit'lan man ng buhay ay Malugod kong tatanggapin..