""SAGISAG"

Mayuming umaga
Dala ay pag asa
Ang dilim ng gabi
Pinagliwanag niya
Upang ang may buhay
Sa sinag kumuha,,
Liwanag sa dilim
Niring ma-nga aba..

Ang bukang-liwayway
Ay puno ng kulay
Nagpapaalala
Ng kanyang pagsinta
Tanda ng pagbangon
At muling pag-suong,,
Sa Bagong umagang
Puno ng paghamon..

Iwanan ang sakit
Pait ng kahapon
Palitan ng tamis
Ng ngiti ng ngayon
Sa Bawat pagsubok
Luhang mapang-hamon
Dala niya'y pag-asa,
Sa Dusa'y pag ahon..

Tulad nitong tula
Na may walong sinag
At anim na pantig
Sa bawat taludtod
Na pag binasa mo
Ikay magbibilang
May kababawan lang,
Itong Limang Saknong..

Liwanag ng Araw
Sa titik kinuha
Talinghaga't tugma
Sa puso nagmula
Upang ang babasa
Mapuno ng tuwa
Natutong magbilang
Gawa niring tula..

Naghanda, :
AngPoetmo
112121
LIPA-d PINAS🇵🇭