Hubad sa tag-lamig Balot sa tag-init, Mga banasing Kabayo Sa Damong tipid.. Minsa'y sakto Minsa'y bitin, Kumot na hinihila'y Putol nama't pitis.. Aayaw Mapagod Sa gustong hustong sahod Minamadali niring Matitigas ang katawan, Mga pag asenso't Nininik-luhod.. Asal kambing na Ngunguya -nguya Damo'y inipon sa panga't Minimiya't-miya.. May bulsa sa balat Ang Laman ay pitaka,, Pautal-utal sa pagsasalita Ipi'y puro bagang sa Pagkakasala.. Mahihirap pahinuhurin Mga taong mapag mat'as Pag wala.. Buti pang asong gutom Hagisa't pag nabusog, Sa tabi'y magpapa- gilong-gilong Ang tao'y di nabubusog Ano mang pagkai't i-luog..
Pagsamahin man ang yaman Ng lahat ng mayaman Sa daigdig Bagamat kayang busugin Ang tao sa Kagutumang Pang bibig, Ngunit ang pinag-ugat Ay di kayang put'lin.. Pagkat hindi lang sa Laman tiyan sila'y alimuom Kundi sa mga nasa, kapangyarihan Kayamanan, inggit at higit sa lahat Sa Pag ibig.. Sapagkat sa lahat ng Nilikha sa Pagkakamali Ang tao lang ang may asam, Pinakamaraming asam at Walang hanggang Asam..