Sukat: Taludtod:(9)siyamang pantig Saknong:(6)sestet Cesura: (sa ika-apat at ika anim na taludtod bawat saknong)
Ako'y isang alilang kanin Nag sakol ng gulay sa dilim Dukha sa luha nitong giliw Alipin ng tulang madiin., Nag sapin-sapin niring titik Na lundo, sa gilid ng bangin
Dalita't inaalipusta Ng mayamang walang kalu'lwa Sakbibi ang luha sa mata Sa ilalim ng bahay niya., Parusa ang abot ng aba Sa maling gawa, ito'y sobra
Tutong na kanin binabahog Sabaw ay tangis nitong hamog Mababang uri't kalagayan Ay pinagsasamantalahan., Nitong among ugali'y hayop Walang puso't, ubod ng ramot..
Sakbit sa balikat ay dangal Di nakatapos nitong aral Mangmang tingin ng karamihan Sa pag ibig ay lunod naman. , Nakatatak sa dugo't pawis Paggalang, at wag magmalabis..
Buhay ko ma'y nasa maliit Sa masama'y mata'y pipikit Sa kasalana'y umiiwas Kahit gutom ako'y sa patas., Alipin ma't alilang kanin Pagkatao'y, hindi marungis...
Ang unan ko'y tanging pangarap Na bukas ay magliliwanag Sa silong ng bahay ng hirap Lampara ko'y kukurapkurap., Baon sa isip ang pagt'yaga Na Bukas din, ay may Himala..
Na ang sinta ko'y magbabalik Sa alilang kanin sa lamig Iibiging muli na kahit Magdildil ng asin at tubig Na sa hirap at sa pasakit Sasamahan, n'ya akong Muli..