"BUKTOT"
Sukat:
Taludtod(15)lalabing-limahin
Saknong:(3)terset
Cesura: tuwing ikatlong taludtod
Ilang baril at bala para mabuksan ang mata?!
Ilang buhay pa ang nais mamatay sa kamay niya?!
Bulag, pipi at bingi, ma-nga tangang tao ni wan!.
Bubulwak ang galit nitong mga taong inapi
Magpapatayan dugo sa dugo sa kalabisan
Dahil sa kamangmanga'y, nauwi sa kapaitan..
Magpapatayan lahi sa lahi sa pagtitimpi
Dahil sobrang Kalayaa'y na uwi sa pagpait
Datapua, sa Bansa mo ikaw ang s'yang manlulupig
Buksan ang mata, isip, tenga, bibig ay ibuka
Ang nangyayaring to ay wag ipagwalang bahala
Datapua, sa bansa mo ikaw ang siyang magdurusa..
Gigising at tatayo kapag salop ay napuno
Niring mga dusta na ang kanin ay halohalo
Sa kamay na bakal, ay sasampalin ka ng buo..
Tatamaan ka ng tingga ng mata ay ipikit
Bubusalan ka sa bibig ng di ka maka awit
Tatakpan ka sa tainga, ng wala kang maririnig..
Buktot ay maghahari at siyang ipagkakandili
Ng ma-nga tampalasang dala ay bagyo at hangin
Na s'yang kikilos, sa lupa at dito'y maghahari..
Sinukat sa isip ni
AngPoetmo
112321
LIPA-d PILIPINAS🇵ðŸ‡