"HUDAS"
Sukat:
Taludtod:(11)Labing-isahing Pantig
Saknong:(4)Quatrain
Cesura:sa tuwing ikatlong taludtod bawat saknong
Alibughang sa paligid nag kalat
Naka tingin sa punong matataas
Upang putulin ang sanga't manlagas,
Ng ang bunga sa lupa'y mangagpatak..
Naka abang ang mata kumakalap
Upang hanapan ka nila ng butas
Gamit ma-nga salitang mapagpanggap,
Pang-pukol ng Atikha mo'y malansag..
Nakangiti sila pag nakaharap
Tingala sa punong bunga'y nag awas
Upang sirain at kunin ang nasa,
Nitong huwalanghiyang mandaraya.
Animo'y santo kapag naka bihis
Walang dungis ni katiting sa damit
Magaling magkunwari at mag palit,
Nang kan'lang katauhan sa sang saglit..
Mag-ingat ka sa pagsasabihan mo
Ng Lihim na 'yong pinakatatago,
Sila'y naka-abang at sumusuyo
Pagdaka'y ilalabas itong baho..
Wag magtiwala miski sa katabi
Iniinom nila'y sariling ihi
Bagaman malinis amoy mapanghi,
Itong ma-nga hudas ay wag mag iwi..
Sila'y nangagdudulot niring Sigwa
Upang guluhin buhay mong payapa
Nang mula sa itaas mahulog ka
Sa bangin na gawa ng kan'lang mata..
Ipagkakanulo sa konting barya
Magtatahip palay aninong dala
Wawasakin ang magagandang dala,
Inggit at Poot ay suma-sakanya..
Kwentong malabis at maraming kulang
Pangangalandakan sa nag aabang
Walang mabuti puro kasiraan
Ang gagawin upang ika'y siraan..
Sinukat at sinulat ni
AngPoetmo
112221
LIPA-d PINAS🇵ðŸ‡