"MAGHIHINTAY"

Sukat::
Taludtod:(13)labing-tatluhing Pantig
Saknong:(4)Quatrain
Cesura:(sa tuwing ikatlong taludtod
Kada saknong)

Magkakasya nalang sa larawa'y tumitig
Pagka't puso mo'y may iba ng iniibig..
Ngunit pag sinta'y mananatili sa isip,
Kasiyaha'y hangad sa mata ma'y masakit..

Walang maihahambing na salita sayo
Kagandahan mong taglay ay nakakapaso..
Pag ibig na dalisay sanay makamtan mo,
Paggalang at respeto'y ilalapat sayo..

Napuno ang puso ko ng kaba at hikbi
Nang sumama ka sa ibang kawan naglagi..
Iniwan mo akong sa luha ay lupagi,
Ubod sakit ang galit ay nagsusumidhi..

Dusa man itong puso sa paninibugho
Masakit sa dibdib nitong nasisiphayo..
Ang makitang masaya sa piling ng iba,
Daig pang dumatal ang kamatayan sinta..

Pag ibig na inalay ay wagas at tunay
Sayo lang inukol itong matang tumamlay
Na hindi nag maliw sayo ako'y nag hintay,
Pag ibig na nais sa iba ibinigay..

Kung sakali mang ang puso'y maging malaya
Iwanan at ipagpalit ka niya sa iba
Puso ko'y naghihintay parin sayo sinta,
Abutin mang mamuti ang buhok at mata..

Pagkat ang puso ko'y sayo lamang titibok..
Walang ibang nais na dito'y ipaloob..
Kundi ang pangalan mong dito'y lumulugod,
Ikaw Lang Ang Mahal mata ko ma'y tumiklop..

Ang tamang paglagay ng sukat sa pag ibig
Ay tulad sa tulang may tono at may himig
Na mayum't magiliw sa mata't pandinig..
Pag may tamang kumpas, melodiya at Pantig..

Sinukat sa Pag ibig ni
AngPoetmo🇵🇭
112221
LIPA-d Batangas