"ALAY SA SUPREMO" 158th Birthday Gat. Andres De Castro Bonifacio Nov. 30,1863 - May 10,1897
Kasuklam suklam na Kasalukuyang Kinahinatnan Kamuhi-muhing Kalokohang Kuminang na lipunan Kinalimutan na nila ang Kasarinlang Kinamtan, Kinalakal ma-nga Katawan sa Katampalasanan..
Kagigil-gigil itong Katarantaduhang Kinatha Kulang-kulang ang Kaisipan sa Kalayaang gawa Kinamay at Kinandili yaong Kagaguhang asal, Kapayapaa'y Kinuha't Kinapos sa pagmamahal..
Ka-h'walanghiyaan nila sa Kapatid na Kawawa Kinabigan na't Kinanti pa ang Kanyang Karapatan Karimariman na Kinasapitan ng Kabuhayan, Kinilingan pa ang Karatig-lupang ma-nga Kumamkam..
Kakulangan sa Kaalaman bunga ng Kamangmangan Kagalanggalang Kilusa'y naging Kalapastanganan Kinurakot ang Kayamanan niring si Katakawan, Kastigo't Kasakiman ng ma-nga tusong Kinatawan..
Kawawang Kinasapitan ng Kapalaran ng Bayan Kulapol na sa Karumhan yaong Kanilang isipan Kung hindi Kikilos ay Karimlan ang Kasasadlakan, Katakawan, Kataksilan ay Kailangang Putulan..
Katapangan, Karangalan at Kabutihang binigay Kalayaan, Katahimikan sigaw sa Kalooban Kinastigo't Kinalaban ang ma-nga Kastilang hangal.. Kamay ng ma-nga Kapatid ang pumatay sa Kawalan..