"IKAW, AKO, SILA at TAYO"
Sukat:kombinasyon(2,4,6,8,10)
Taludtod1-(2)dalwahang pantig
Taludtod2-(4)apating pantig
Taludtod3-(6)animang pantig
Taludtod4-(8)waluhing pantig
Taludtod5-(10)sampuang pantig
Saknong-(5)limahan QUINTET
Cesura- kada ikatlo at ika-apat na taludtod
Ako
Ay may takda
Igalang ang kapwa
Mahalin ang aking bansa,
At Palaganapin itong tama..
Ikaw
Ay may bilin
Kapwa ay mahalin
Gabayan at patawarin,
Utos ng Dios ay ating sundin..
Sila
Ay may hiling
Wag nating bastusin
Manapa'y, magmalasakit,
Ng gayundin sa iba'y gagawin..
Tayo
May tungkulin
Bawat isa satin
Magka-isa ng Damdamin,
Kapayapaa'y palaganapin..
Nagbahagi ng Diwa
AngPoetmo
112521
LIPA-(d) BATANGAS🇵ðŸ‡