"KAPENG BARAKO"

Muntik ko ng mabuga itong kapeng timpla
Pagkat pait ay abot naglagos sa dila
Tamis ay tumusing sa aking diwa't mata,
Pano-y nabubo yaong asukal sa luha..

Pait na ubod pait pagkit na't nag mantsa
Nanlamig ang hawak sa paboritong tasa
Dating nagpapawi sa lalamunang nasa,
Ngayo'y namuhi sa nagpait na pagsinta..

Nasana'y na pag mulat amuy mo na'y amoy
Nagyapos sa dibdib itong sinintang apoy
Nawala ang lingas sa tungko niring kapoy,
Kapeng nakasalang wala nang dating amoy..

Pinuti't binilad sa init ng pag-ibig
Dinarang sa apoy niring pagsintang pipit
Ngunit kapeng Barako'y iniwang malamig,
Niring Hitar, na sa ibang kape umibig..

Ang aral ko'y sa yUPian lamang ng lata
Nagbabay-bay ng titik mulagat ang mata
Higop ang kape mong dating lasa'y malasa,
Na ngayo'y nag tabang na't, iniwanan mo na..

Mahirap man pilit ititikom ang bibig
Nang di mabubo itong pait saking dibdib
Baka di mapigil itong naipong tinik,
Sa mukha'y maisaboy ang kapeng mainit.

Tiim sa dilim titig sa palasingsingan
Nagbulay sa kahapong kasama ka't dantay
Habang higop ang kapeng lumamig sa kamay',
Dalisdis ng luha, sa mata'y nagpa-ratay.

Sukat:
Taludtod:(13)labing-tatluhing pantig
Saknong:(4)apatan Quatrain
Cesura:kada ikatlo at ikapat na taludtod.

Nagtimpla at nagtitik
AngPoetmo
Habang nakikinig sa awiting
"Thats why you go away"
112721
LIPA-(d) BATANGAS🇵🇭