Sa dampang kinatatayuan ko'y kulimlim ng kalangitan Sasamahan mo ba kong tawirin ang lawak ng karagatan? Baka abutin pa ng lakas ng galit ng hangin at ulan!? Magdali kana?habang payapa pa ang dagat at daraanan...
Kung abutin man tayo ng pagod wag kang magulo-mihanan Pagkat pag pinulikat ka'y dalawang bangka ang dito'y laman Isang lunday na puti ang isa namang kulay ay malamlam, Pu-pwede mong sakyan ngunit magka-iba yaong pagdadalhan..
Ang malamlam ay sa pasarap, pait,masakit at ang hirap Ang puti nama'y iisang katig na sa tubig gumegewang Kumapit ka kung sakaling sa puti mo umibig sumakay, At baka mahulog ka sa tubig magtaksil yaring may kamay..
Kung malamlam nama'y magtiis sa landay na guwang ng lunday Pagkat baka di makatiis sa babaw nitong gawang kamay Na nagpapalutang lamang sa tubig at sige sa pagkampay, Ngunit ang tinutungong landas ay may hapdi't wala pang tibay..
Kung sakali mang mahulog ka ay sabay nating lalanguyin Itong nilandas na maalat ay sabay nating tatawirin Na kung papulikatin kang muli sa likod kita'y sasampa Sasamahan kita sa pagod at hirap, wag kang mangangamba
Lakas ng alon nitong dagat na mahapdi pag sayong mata Ating lalakbaying magkasabay kung san man tayo madala Ang aking likod ay gamitin mong palutang sa tubig balsa Ang kamay ko nama'y gawing katig ng maging pantay ang dala..
Makiraw man sa atin itong lalandasing pag asang nasa H'wag kang bibitaw sa ating kinakapitang mumunting balsa Ating sasagwanin ng tyaga't pagmamahal yaong dar'anan Tayo'y magpipisan sa luha't hapis at Daigdig ng saya..