"APING MAT'WID"

Binugbog nila'y sariling kat'wan
Binilad ang likod sa arawan
Sinunog ang balat sa pangarap,
Ngunit kapos parin ang nalasap..

Gintong butil sa hapag kainan
Iya'y biyaya ng sanlibutan
Itinanim ng aping matuwid,
Sa tubigang pawis ang winisik..

Yaong ma-nga kamay na marangal
Na nagpapagod sa pagbubungkal
Upang ang bansa'y may ma- ihain,
Datapua, ni hindi kandiliin..

Silang ma-nga nagdilig ng dugo
Ng yaong ma-nga butil tumubo
Sa lupang kanlang tinatapakan,
Kasama aring hapis at puso..

Maghapong pag yuko' ay di biro
Baluktot ng likod sa pag-upo
Halit na ang kamay sa pag gapas,
Hanggang gintong butil maging bigas..

Kulapol man ng putik ang paa
Taas noon namang isasalba
Sa malinis na kaparaanan,
Makaraos lamang ang pamilya..

Sinasaka nila'y hindi kan'la
Pinayayaman nila ay kap'uwa
Tila dayuhan sa kan'lang bayan,
Alipin sa tinubuang lupa..

Kanya h'wag nating aaksayahin
Bawat butil ay ating namnamin
Pahalagahan itong biyaya,
Na sa ating hapag nakahain..

SUKAT::ISKALA NG DIYES
Taludtod:(10)sampuaang Pantig
Saknong:(4)apatan Quatrain
Cesura: Kada ikatlo at ikaapat na taludtod

Nagtahip ng titik
Sa Katanghalian:
AngPoetmo
112821
LIPA-d PINAS🇵🇭