"MABU'LAKLAK"

Tulad nila ay yaong Rosas na walang bango
Nagmutawi sa hardin ng bulok na palasyo
Sagad sa ganda kung pagmamasdan mo
Datapua nama'y kinulang sa amuy at samyo..

Kung mapanuri ka'y yao'y maihahambing mo
Sa hitar na nangag kalat sa simbaha't templo
Bagaman madasal pasan ay putik sa noo,
Yaong magagaling magtago, ng tunay na anyo..

Iya'y tila ang isip ay nasa husto't tama
Ang gawa'y mabuti ngunit ma-nga mandaraya
Yaong Nagtatago sa dilim nitong hiwaga
Hininga'y mabango ngunit ugali'y masama

Mag ingat kung sakali mapa-ibig pumitas
Pagkat yaong taglay na tinik naka-aagnas
Baka paghilay matusok ka't dugoy kumalat,,
Dagta nito'y makapit walang maka- aampat..

Ang lason nito'y talab at umaabot bibig
Na sinumang kapitan alingasaw sa dibdib
Na pag natuyo na't dumausdos sa damdamin,
Kukutkutin ang sa kanya'y tinagong dalahin..

Na magbubuga niring mababahong kinatha
Na walang ka patlang patlang bawat pagsalita
Na itatanim sa ma-nga manghang nakikinig,
Na animo'y pantas sa entabladong Daigdig..

Iya'ong tulang mabilis bagaman magiliw
Tanungin mo ang nag bibig kung may na-intindi?!
Mandin yaong galit nakakapang galaiti,
Ngunit talunan itong ma-nga asaring pipi..

SUKAT:ISCALA NG KATORSE
TALUDTOD:(14)labing apating Pantig
SAKNONG: (4)apatan Quatrain
CESURA: Kada ikatlo at ikapat na Taludtod

Nag ningas ng Apoy
Sa Sikat ng Araw:
AngPoetmo
112921
LIPA-d PINAS 🇵🇭