"PAGPAGING ALIMASAG"

Ma-nga pagpaging alimasag ay kalat
Tagapaghatid ng balitang may pakpak
Silang nagtatahi ng banig na baklas,
Walang laman ang isip bibig ay butas..

Yaong mapaggawa ng kwentong atikha
Sa gilid ng bangin salita'y tulala
Pulos kamangmangan hatid nila'y sigwa,
Tangang tagapakinig ay namihasa..

Yao'y hindi magsasabi ng totoo
Pagkat ang latang walang laman ay kalog
Bagamat sarado, mukhang buong-buo,
Kalugin mo'y sagana lamang sa tugtog..

Ang napapaniwala nila ay tamad?!
Na di marunong mag sipi nitong aklat
Nang matalos yaong Ma-nga kahulugan,
Baybayin ang Liwanag sa tutunguhan..

Mandin ang mababaw na salita'y tamad
Na binuga lang ng bibig walang laman
Pagkat aayaw mapagod Yaong hangal,
Mahilig sa madalia't walang pagal..

Aring tulang pang-sinauna'y titigan
Lasapin ang sarap ng pawisang Hiram
Aralin yaong salita't mata'y buksan,
Ang hiwaga sa dilim matatagpuan.

Bigyan ng patumangga aring salita
Kung sakaling tutunguhin ang panula..
Upang sa simula di mag hugas dila,
Daang tunguhin ay di katkating diwa..

Pagkat ang sinimula'y yaong sa tuwid
Na naghunos-dili sa gawang papangit
Minasdang igi ma-nga sal'tang ginuhit,
Nag tika-tika sa malamyos na titik..

SUKAT:ISCALA NG DOSE
TALUDTOD:(12)labing-dalawahing pantig
SAKNONG:(4)apatan Quatrain
Cesura:kada ikatlo at ikaapat na taludtod

Nagtiktik ng Titik
Sa gabing malamig
AngPoetmo
112821
LIPA-(d) BATANGAS🇵🇭