"LIWANAG SA DILIM"
Ako'y gapi ng damdami't hapdit dusa
Sigaw, hiyaw, sa dilim yaong pag asa
Awas ang luha sa Trinsera ng mata,
Supil ng sakit niyaring nadarama..
Bigat at lawak ng dalahin at hibik
Nag lagos sa puso't Luha ay nag ngilid
Sa dulohan niyaring tulayang pantawid,
Patalon-talon Yaring paang mahinhin..
Di lubos isip sandiga't unawain
Aninong kapalara'y di aninagin
Pagkat mata'y na kulapol ng mithiin,,
Yaong ma-nga asam, aking panambitin..
Buhos niyaong ulan't dagasang kulog
Sakit ay kidlat nag tusukan at putol
Sa hikbi at daing nitong asong ulol,
Alingawngaw sa dilim sa gabi'y gatol..
Nakakatakot baka mag bitaw'y patay
Mapagod alisin yaring tahip- palay
Na pumuwing sa mata't nag silbing agam,,
Pang talos ng liwanag sa gabing panglao..
Mabuti't may tagadalang ilaw lagi
Mata niya'y krus yaong dibdib sa hikbi
Tanglaw ang silahis ng umaga't ngiti,
Nagbangon sa lamig ng gabing mapait..
Hindi pinabay-anang hirap ay kapit
Pinagagaang yaong loob kong sikip
. Sandigan at lakas niring na duhagi,
Lumbay ko't alalahaniy inaalis..
Salamat yaring liwanag sa'king dilim
Nagsinag ka't gumabay sa gabing tiim
Hinipo ang pusong nag-salaulain,
Inahon mo sa hukay ng pagka libing..
SUKAT:ISCALA NG DOSE
TALUDTOD:(12)labing-dalawahing Pantig
SAKNONG;(4) Quatrain
Hibik sa dilim ni:
AngPoetmo
112921
LIPA-d Batangas🇵ðŸ‡